Chapter 38

51 2 0
                                    

THREE WEEKS AFTER....

Cristy POV

Nasa isang café ako ngayon upang makipag kita kay Bryan. He said, gusto niya akong maka usap nang kaming dalawa lang. Matagal ko ng gusto si Bryan, until now. Pero mukhang napabayaan ko na ang feelings ko para sakanya dahil sa mga nangyayari ngayon kay Lily.

Honestly, wala parin kasi akong tiwala kay William. Nagawa na niyang saktan si Lily noon at hindi ko alam kung ano nang nangyayari ngayong hindi namin sila makita.

Ayoko lang sabihin to kina manager at Bryan dahil alam kong masasaktan sila dahil kahit papaano, mahal nila si William.

"Hey Cris."

Napatingin naman ako kay Bryan na kadarating lang. Napangiti ako sakanya kasabay ng pag upo niya sa bakanteng upuan sa bandang harapan ko.

"Do you want something to eat?" Tanong niya kaya bahagya akong napa iling.

"Nag breakfast ako kaya busog pa ako." Tugon ko sakanya kaya napatango naman siya.

"Ikaw, baka gutom ka." Tugon ko sakanya kaya napa iling rin siya.

"So what are we going to talk about? Is this about kina William? Kay Lily? What?" Tanong ko sakanya.

"No Cristy, this is not about William, Lily or anything." Tugon niya kaya napa kunot noo naman ako.

"You see, mini concert ko na next next day. Magiging busy ako."

Oo nga pala. Nakalimutan ko. May mini concert pala siya sa makalawa.

"Alam kong busy ka rin o kayo, but i'm still hoping na makakapunta kayo kahit sa araw lang nayu'n." Pakiusap niya kaya sandali akong napa isip. Birthday narin pala ni Lily sa makalawa.

"Sige, pupunta kami for sure. Congrats nga pala and good luck." Nakangiti kong sabi sakanya kaya bakas sa mukha niya ang saya.

Bahagya nalang akong napatawa dahil para siyang bata na pinayagang mag laro sa peryahan.







Chloe POV

Kalalabas ko lang ng condo at natigilan nalang ako ng makasalubong ko ang maraming reporters na mukhang kanina pa ako hinihintay.

"Pwede po ba namin kayong ma interview Miss Chloe? Tungkol lang du'n sa scandal niyo ni Miss Lily na kumalat isang buwan na ang lumipas. Gusto lang namin makuha ang panig niyo." Tugon ng isang reporter kaya nag katinginan kami ni Tanya.

I think, this is the right time para gumawa ako ng tama as what William said. Ngayon ko lang naunawaan ang side ni Lily at hindi ko akalain na ganito pala kagulo ang buhay na meron siya. Habang wala siya, ako muna ang lilinis ng pangalan niya.

Napatingin ako sa mga reporters bago sagutin ang tanong.

"That scandal na nag viral four weeks ago, is true. Nag panggap lang kaming mag kaibigan ni Lily noon on cam, but it's not her fault. Nakipag kompetensya ako sakanya dahil ayokong masapawan niya ako but i suddenly realized na na misunderstood ko lang si Lily, na misunderstood lang natin siya. Sasabihin ko na ang lahat ngayon kahit ano pa ang sabihin niyo tungkol sakin. Lily is not a person that we thought." Tugon ko sa lahat kaya nag katinginan sila.

"She is an independent woman with a good heart, at yung video na nag viral noon between her and William? Totoo yu'n, pero yung inaakala niyong masamang Lily? Yu'n ang hindi totoo." Mariin kong sabi at napatingin kay Tanya. Napangiti siya at tumango sakin kaya napangiti rin ako bahagya.

"Hindi niya ginusto ang pagkamatay ng ate niya at hindi sila nag kaintindihan ni William that time. I'm not telling this para gumanda ako sa paningin niyong lahat. I'm doing this para iparating sa inyong lahat na hindi natin kailangan at dapat e judge si Lily. She deserve of what she is before. Kung nakikinig kaman o nanonood nito ngayon, please, bumalik ka na sa pagiging artista because you deserved it." Nakangiti kong sabi at hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

To Love Again (Fanfiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now