Isang linggo makalipas.....
William POV
Agad akong nagtungo sa sasakyan ko upang pumunta sa public market sa kabukiran sa kung saan posibleng doon nag tatago si Lily.
Isang linggo na ang nakalipas pero wala paring nagbabago. Walang balita kay Lily at pati sa utak ng lahat ng to.
"William."
Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Chloe na palapit sa kinatatayuan ko.
"Anong kailangan mo?" Seryoso kong tanong sakanya.
"I was looking for you since last five days." Tugon niya.
"Wala akong panahon para makipag sayang ng oras sayo. May mas importante pa akong kailangang gawin." Sagot ko sakanya at akmang sasakay na ng sasakyan ng pigilan niya ako sa braso.
"I know kung sa'n ka pupunta at gusto kong sumama."
Napa kunot noo naman ako sa sinabi niya.
"What do you mean?"
"Sinabi sakin nina manager Dee at Cristy ang tungkol kay Lily at gusto kong tumulong. I know mahirap paniwalaan dahil sa mga nangyari before but i suddenly realize na hindi madali ang buhay niya."
So ibig sabihin alam na niyang nawawala si Lily? Alam na niya na hindi pala talaga nag ibang bansa si Lily?
"Chloe, i appreciate that pero marami ang kalaban at ayaw kong madamay ka." Kuha ko sa nakahawak niyang kamay sa braso ko.
"But what can i help?"
"Gawin mo ang sa tingin mo tama Chloe." Tugon ko sakanya at tuluyan nang sumakay ng sasakyan at umalis na.
Lily POV
Napatungo ako sa kusina at tinignan kung ano nalang ang natitirang pagkain na pwede kong makunsumo habang nandito ako, pero sa kasamaang palad. Wala ng pagkaing natira. Tanging isang lata ng corned beef nalang.
Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang wallet ko. Nang buksan ko ito ay napabuntong hininga nalang ako. Two hundred pesos nalang ang natitira na cash ko. Hindi naman ako pwedeng mag widraw sa mall. Kailangan ko munang bumili ng gulay sa palengke at mag experiment ng luto.
Inayos ko na ang pag di-disguise ko at pag katapos ay lumabas na ako upang magtungo ng palengke. Medyo hindi ako mamumukhaan ng mga tao dito dahil bukid ang lugar na'to at walang masyadong mga t.v.. Tanging mga diyaryo lang.
Nang marating ko ang palengke ay sobrang ingay at sobrang dami rin ng tao, tsaka hindi maiiwasan ang masamang amoy ng paligid, but i need to do this para ma save ang sikmura ko. After ng two hundred na'to, hindi ko alam kung sa'n pa ako kukuha ng pera.
"Miss, magkano to?" Turo ko sa mga bangus.
"150 kilo miss." Tugon niya kaya napatingin ako sa hawak kong two hundred.
Sige na Lily. Bilhin mo na, para naman ya'n sa health mo.
"Bibili ka ba?" Tanong niya kaya bahagya akong napangiti.
"Sige po. Ito yung 150." Abot ko ng bayad kaya binigay niya rin sakin ang isang malaking bangus na naka plastic.
Matapos nu'n ay nag tungo na ako sa bilihan ng petchay.
"Excuse me, excuse me." Tugon ko sa mga taong nag sisik-sikan.
"Ale, magkano tong petchay?" Tanong ko sa nag babantay.
"Sampo, isang tali." Saad niya kaya napatingin ako sa 50 pesos na natitira sakin.
"Pabili ng isa." Tugon ko sabay abot ng 50. Inabot na niya sakin ang naka plastic na petchay at pati yung 40 na sukli.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanficKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...