>>>
Cristy POV
Palabas kami ni manager Dee ng condo ng matigilan nalang kami sa nakita. Maraming reporters ang naka harang sa sasakyan namin at marami ring mga taong nag aabang.
Nagkatinginan naman kami ni manager.
"Anong gagawin natin?" Tanong ko kaya nag aalala niya lang akong tinignan.
"We need to face them, we have no choice." Tugon niya kaya bahagya akong napatango at nag lakad na kami palabas.
"Ayan na sila!" Rinig kong saad nila at nag tutulakang lumapit samin.
"Manager Dee, totoo po bang wala na diyan si Lily sa condo?" Tanong nung isa reporter kaya nag katinginan kami.
"Ahm, y'yeah." Sagot ni manager.
"Sa'n na po siya ngayon?" Tanong nung isa.
"I think hindi ko naman kailangang sagutin ya'n. It's up to us kung na'san man siya ngayon. Nag pahinga lang siya out of country." Tugon ni manager.
"Totoo po ba ang sinasabi nila na kaya siya umalis dahil tinatakasan niya ang katotohanang siya ang dahilan ng pag kamatay ng kapatid niya?"
Napa kunot noo naman ako sa tanong nung isang reporter.
"Hindi naman po ata tama na e judge natin siya. I know her ever since, hindi niya sinasadya ang mga nangyari." Singit ko kaya nag katinginan silang lahat.
"SINUNGALING!" Sigaw ng isang babae mula sa likuran at kita kong kumuha siya ng isang itlog kaya napa pikit nalang ako ng mag akma siyang itapon ito sakin.
Ramdam ko nalang na may yumakap sakin kaya dahan-dahan akong napa dilat at tumambad agad sakin ang mukha ni Bryan.
"Are you okay?" Bulong niyang tanong pero hindi manlang ako naka sagot.
"Pwede ba? Tumigil na kayo! Nasagot na nila ang mga katanungan niyo kaya hindi naman ata patas na saktan niyo sila physically. Baka hindi kami makapag timpi at kasuhan namin kayo." Tugon naman ni Ashton na kasunod lang pala ni Bryan.
"Let's go." Aya nina Bryan at hinawakan ako sa kamay.
Nang makarating kami sa sasakyan ay nagulat nalang ako ng hawakan ako ni Bryan sa chin at ininspeksyon ang mukha ko.
"Nasaktan ka ba? Sa'n masakit? Dito? Dito? O baka dito?" Alala niyang tugon.
Bakit parang iba ata ang kinikilos niya.
"Ahm Bryan, yung itlog na ibabato sana kay Cristy, ikaw ang sumalo. So, obviously, okay lang si Cristy." Singit ni manager kaya natigilan siya at nauutal na akong tinignan.
"A'Ahh, p'pasensya na." Tugon niya at dumistansya sakin.
"Maraming salamat sa tulong niyo huh?" Tugon ni manager kaya napatango naman sila.
Bago ko isara ang pinto ng sasakyan ay napatingin muna ako saglit kay Bryan.
"Aalis na kami." Tugon ko nalang at tuluyan nang sinara ang pinto.
Bago pa man kami tuluyang makaalis ay kinuha ko ang extra shirt ko na big size shirt. Pwede siyang panglalaki kaya pwede ko itong ipasuot muna kay Bryan.
Binuksan ko ang window ng sasakyan at inabot yu'n kay Bryan.
"Palitan mo ang polo mo. Salamat kanina." Nakangiti kong tugon at tuluyan nang pinaandar ang sasakyan.
Lily POV
Nang magising ako ay agad akong nagtungo sa labas.
"Kamusta ang tulog mo?" Nakangiting tanong ni nay Marta kaya napangiti rin ako sakanya.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...