>>>
Lily POV
Napaharap ako sa mirror at nilagyan ng lipstick ang labi ko. Matapos akong mag lipstick ay nag tungo na ako sa salah.
"Good morning Miss Lily, nilagay ko na sa bag na ito ang mga kakailanganin mo at sa isang bag naman na ito nakalagay ang phone, wallet at mga cards mo." Nakangiting bungad ni Cristy sabay lapag ng mga bag sa sofa.
Napangiti naman ako at nilapitan siya.
"Thank you talaga Cristy." Pisil ko sa pisngi niya kaya inis niyang tinapi ang kamay ko.
"Bilisan mo na kasi ma le-late na tayo sa meeting with Mr. President. Tumawag narin si manager Dee at nandun na daw siya kaya kailangan na nating mag madali kung ayaw mong ma late, okay?" Tugon niya habang busy sa pag che-check ng mga laman ng bag.
"Cristy?"
"Ano na naman? Anong favor na naman ya'n? Naku, no more trouble na. Hindi mo lang ako assistant, para mo narin akong kapatid kaya ayokong malagay ka na naman sa trouble." Tugon niya kaya napayakap ako mula sa likuran niya.
"Mabilis lang naman ako. May pupuntahan lang ako tapos susunod narin ako du'n. Sige na." Pag lalambing ko sakanya kaya hinarap niya ako.
"Lily, sinabi ko naman sayo na kailangan mong mag ingat muna. Sikat na artista ka at hindi natin alam kung sino ang naiinggit sayo at baka ipa kidnap ka nalang. Naku, hindi ko kakayanin. Lalo na si Tita." Tugon niya kaya napa buga nalang ako ng hangin.
"Cristy, kaya ko ang sarili ko. May dadalawin lang ako. Mabilis lang, promise."
"Alam mo naman na mainit ang ulo sayo ni Sir William diba? Kapag na late ka sa meeting ano nalang ang sasabihin niya? Kailangan mo munang maging malamig sa mga mata niya."
Natigilan naman ako sa sinabi ni Cristy at napa upo nalang sa sofa.
"Kahit anong gawin ko mukhang hindi niya naman ako magugustuhan." Walang gana kong tugon kay Cristy kaya tinabihan niya ako sa pag kakaupo at inakbayan.
"Magugustuhan ka niya the way you are. Mabait ka at madaling pakisamahan. Oo, noon hindi, as what you said, pero ngayon Lily nag bago na ang lahat."
"Hindi ko naman sila masisisi Cristy."
Napayakap nalang siya sakin kaya bahagya nalang akong napangiti.
"That's why i'm doing this para makagawa ng mabuti." Dugtong ko kaya napaharap naman sakin si Cristy.
"What do you mean?" Takang tanong niya.
"May nakilala akong mga tao. They love me kaya gusto ko silang tulungan." Nakangiti kong tugon sakanya.
"But Lily, nandito naman kami. Mahal ka naman namin huh."
"I know Cristy, pero hindi ka ba masaya dahil nakakita ako ng mga tao na kahit hindi nila ako kilala ng lubos kaya nilang sabihin na mahal nila ako?"
"Masaya ako Lily pero ayokong mapahamak ka." Alala niyang tugon kaya napahawak ako sa dalawa niyang kamay.
"Malaki na ako Cristy. Kaya ko ang sarili ko, hmm?"
Nag dadalawang isip niya naman akong tinitigan.
"Ano pa nga bang magagawa ko? May sarili ka nang prinsipyo at hindi ko yu'n kayang diktahan." Tugon niya kaya napangiti nalang ako at niyakap siya.
"Kamsahamnida Cristy." Tugon ko sakanya.
"Basta, kapag nagka problema tawagan mo ko agad huh?"
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...