Chapter 39

46 3 0
                                    

Chloe POV

"Chloe, talaga bang pati dito tutulong ka? Di ba sabi naman sayo ni William na huwag na? Sapat na siguro yung pag linis mo sa pangalan ni Lily." Kinakabahang sabi ni Tanya bago ako lumabas ng sasakyan.

"Narinig ko kina Ashton na sa lugar na'to nila hahanapin sina William at Lily, at gusto kong tumulong dahil hindi pa yu'n sapat sa kabila ng mga nagawa ko kay Lily." Tugon ko at bumaba ng sasakyan. Bago ko pa man tuluyang maisara ang pinto ng sasakyan ko ay napatingin ulit ako kay Tanya.

"Kung ayaw mong sumama, maiwan ka nalang dito. Babalik naman ako." Bilin ko sakanya at tuluyan nang umalis.

Nagtungo na ako sa loob ng public market at napatakip nalang ako ng ilong ko dahil sa mabahong amoy ng kung ano-anong paninda. Sinuot ko rin ang sombrero ng hoody ko kaya hindi ako mamumukhaan ng mga tao dito.

Asa'n ka na kasi Lily? Aish! Marami nang tao ang nag aalala sa inyo ni William.

Napatingin ako sa di kalayuan at nakita kong nag kakagulo ang mga tao.

Anong meron?

Nagulat nalang ako ng may isang lalaking tumatakbo ang naka bangga sakin.

"Sorry Miss." Hinihingal niyang sabi at tumakbo paalis.

Teka, si Jimin ba yu'n?

Napatingin nalang ako sa lalaking humahabol kay Jimin at may hawak siyang baril. Malamang hinahanap nila ngayon sina William at Lily.

Napatakbo ako pasunod kay Jimin at ganu'n din ang habol ng armadong lalaki samin. Napasigaw nalang ako sa malakas na putok ng baril. Binilisan ko pa ang takbo hanggang sa maabutan ko si Jimin. Nang makita kong nakalayo na kami sa lalaking yu'n ay hinawakan ko sa isang braso si Jimin dahilan para mapatigil siya.

Aakmang susuntukin niya ako ng matigilan siya ng liparin ng hangin ang sombrero ng hoody ko. Tila nabigla naman siya.

"Chloe?" Kunot noo niyang tanong.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam na delikado!?" Hinihingal niyang tanong.

"Gusto kong tumulong." Tugon ko sakanya kaya kita kong inis siyang napa iling.

"HOY PAKIALAMERO! LUMABAS KA NA DIYAN!"

Nagkatinginan kami ni Jimin at agad niya akong hinila sa kakahuyan at nag tago kami sa isang liblib na sulok.

"Bakit ba ka--"

Naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang tinakpan ng kamay niya ang bibig ko.

Napatingin ako sa isang maliit na butas kung saan kita ko ang lalaking may hawak na baril habang dahan-dahang nag lakakad at patingin-tingin sa paligid. Sobra pa siguro sa ganito ang nararamdaman ni Lily nung hinahabol sila ng mga taong to. Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko dahil sa takot.

"Bwiset! Nakatakas na naman!" Rinig naming galit na sabi nung lalaki at tuluyang umalis. Tinapi ko naman ang kamay ni Jimin at lumabas na kami sa pagkakatago.

"Umalis ka na." Seryosong sabi ni Jimin kaya napa kunot noo ako.

"B'Bakit?"

"Ayokong madamay ka pa kaya bumalik ka na." Saad niya at nag lakad paalis. Dali-dali naman akong nag lakad at bumuntot lang sa likod niya. Napatigil ako sa paglalakad ng mapatigil siya at tignan ako sa mga mata.

"Anong ginagawa mo!?" Inis niyang tanong.

"Sumusunod?"

"Y'Yes, i know." Naguguluhan niyang sagot at napakamot nalang sa ulo.

To Love Again (Fanfiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now