Chapter 53

51 2 0
                                    

Chloe POV

"Kawawa naman si Lily noh?" Tugon ko kay Jimin habang nakahawak ako sa isang kamay ni Lily. Mahimbing siya ngayong natutulog dahil kailangan niya ng rest. Bumili ng mga pagkain sina manager at Cristy kasama si Ashton kaya dalawa kami ni Jimin ang naiwan dito.

"Oo nga eh. Tapos ngayon lang natin nalaman na ayaw niya na palang makita si William." Sagot naman ni Jimin.

Ba't kaya ayaw na niyang makita si William? Mabait naman sakanya si William at over protective. Nung last na ginawa ni William ang bagay nayu'n ay sa taong mahal niya. Nung unang naging kami ni William naramdaman ko yu'n dahil alam kong minahal niya ako nung mga sandaling yu'n, pero nag bago lang ang lahat nung mag bago rin ako. Kung ako kay Lily, iisipin ko talaga na may gusto sakin si William dahil sa mga pinapakita niya.

"Oh? Bryan?" Tugon ni Jimin kaya napatingin ako sa bandang pintuan at kita ko si Bryan na nakatayo du'n.

"Ba't bigla ka nalang nawala kanina?" Tanong ni Jimin sakanya ngunit natigilan lang kami ng biglang mag pakita si William.

"W'William?" Tugon ko naman at alanganing napatingin kay Jimin.

Hindi talaga gugustuhin ni Lily na makita dito si William.

Napatayo ako at sumenyas kay Bryan.

"Pasensya na kayo kung sinabi ko kay William. He's still the father at sa tingin ko, mas kailangan siya ng mag ina niya."

Actually, may point si Bryan. Sinong anak ang gugustuhing walang ama?

Bahagya kaming napatango kahit na hindi ako sigurado sa mangyayari kapag nagising na si Lily at makita si William dito.

"Go ahead William." Tugon ni Jimin tsaka ako umalis sa tabi ni Lily.

Napa upo si William sa tabi ni Lily at kita kong hinawakan niya sa kamay si Lily.

Ang cute nilang tignan.

Natigilan kami ng mapa harap si Lily kay William at dahan-dahang napa mulat. Shit!

Nagulat siya na tila nakakita ng multo at agad na kinuha ang kamay sa pagkakahawak ni William.

"A'Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kay William kaya napatayo naman si William.

"G'Gusto ko l'lang--"

"Sinabi ko na sayo na ayaw na kitang makita di ba? Ano bang mahirap du'n!?" Putol niya sa sasabihin ni William.

"Umalis ka na." Taboy niya kay William kaya nilapitan ko si Lily at sinubukan siyang pakalmahin.

"Hindi ako aalis." Saad ni William kaya tinignan ko siya ng masama at sinenyasan na 'umalis na muna'.

"Hindi ka aalis?"

"Fine! Ako ang aalis." Dugtong ni Lily at akmang huhugutin ang mga karayom sa kamay niya ng pigilan namin siya.

"Lily huminahon ka. Makakasama ya'n sa baby mo." Pag papakalma ni Bryan sakanya.

"I can't! Hangga't nandito ya'n hindi ako kakalma!" Tugon ni Lily kaya kita kong napa buntong hininga si William.

"Mas mabuti pang umalis ka muna William." Tugon ni Jimin kay William.

"Sige na William." Tugon rin ni Bryan kaya kita kong bahagyang napailing si William.

"Ihahatid nalang namin ni Jimin si William sa labas. Ikaw nalang muna Bryan ang mag bantay kay Lily." Tugon ko kay Bryan at lumabas na kaming tatlo ng silid.

"William, alam naming mahirap para sayo, pero kung mahal mo ang mag ina mo, sundin mo nalang si Lily." Tugon ko kay William habang nag lalakad kami pababa ng hospital.

To Love Again (Fanfiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now