"Sorry pala kanina huh? Akala ko kasi ibang tao eh." Tugon ko sa kanila habang naka upo kami sa salah ng maliit na kubong to.
"Okay lang, ang importante nahanap ka na namin kaya makaka uwi na tayo." Nakangiting sabi ni Jimin kaya napatingin naman ako kay William sandali.
"Bakit? May problema ba?" Tanong nalang ni Jimin ng mapansing tumahimik kami sandali.
"K'Kasi Jimin, a'ano kasi-----a'ahm---"
"Bakit Lily?" Alala niyang tanong sabay hawak sa isa kong kamay.
"Hindi pa ako sigurado kung kaya ko na silang harapin. Yung mga reporters, yung mga bashers pati narin yung mga taong humahabol sakin, sat'in." Sagot ko sakanya.
"Wala ka ng dapat pang alalahanin about sa mga bashers at reporters." Tugon ni Jimin kaya napa kunot noo nalang ako.
"Tama si Jimin, Lily. Hindi na sila galit sayo. Nalinis na ang pangalan mo." Nakangiti namang sagot ni Chloe.
Teka. Ngumiti ba siya sakin? Tsaka nalinis na ang pangalan ko? How?
"Actually Lily, kaya ako sumama kay Jimin para makita talaga kayo. Specially you." Tugon niya sabay hawak sa isa kong kamay.
"I know this is unexpected, but believe me. Nagsisisi na ako sa lahat ng nagawa ko sayo, hindi ko alam kung pa'no ako babawi, but since sinabi sakin ni William na gumawa ng tama, nung makasalubong ko ang mga reporters, i grabbed the opportunity para matulungan ka sa issue since may kasalanan rin ako sa pagpapakalat nu'n. I know hindi pa yu'n sapat but just tell me kung ano ang gusto mong gawin ko, i'll do para lang makabawi sayo."
I can see the sincerity on her eyes at hindi naman ako stone hearted para hindi siya mapatawad.
"Okay lang yu'n Chloe, mahigit one month narin ang nakalipas, pero may video ka ba about du'n sa sinabi ng mga reporters at netizens?" Tanong ko sakanya kaya napangiti naman siya at kinuha ang phone niya sa bulsa niya.
"Maraming pumuri sakin dahil sa ginawa ko at nagsisi ang karamihan sa bashers mo dahil mali ang akala nila sayo. Trending rin sa twitter ngayon ang iba't ibang positive hashtags para sayo." Nakangiti niyang sabi kaya napatingin ako sa mga comments.
Napangiti nalang ako dahil sa mga good comments. Gusto nila akong bumalik.
"So Lily, did you made up your mind?" Tanong ni Jimin na nag paisip sakin sandali.
"I'm sorry Jimin, but i think this is not the right time para mag pakita na ako. Nandiyan parin ang mga armadong tao na gusto akong makuha."
"Yeah, i think Lily is right. Actually, kaya kami napadpad dito dahil hinabol kami ng isang armadong lalaki kanina. Nakakatakot nga eh." Tugon naman ni Chloe kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Talaga? Mabuti nalang walang nangyaring masama sa inyo." Alala ko namang sabi. Hindi talaga sila titigil hangga't hindi ako nakukuha.
"Hindi lang pala kami ang habol dito eh. Namukhaan narin kayo kaya hindi na kayo pwedeng mag palaboy-laboy pa sa labas." Tugon naman ni William kaya napatango ako bilang pag sang ayon.
"Mas makabubuti kung dirito muna kayong dalawa. Mas delikado sa labas. Hintayin nalang natin na mag karoon ng lead tungkol sa taong gustong mag pakuha sakin." Saad ko kaya napatango naman sila.
Bahagya akong napailing ng mapansin kong may mga putik ang dalawa sa pisngi. Kumuha ako ng isang tabo ng tubig at pamunas para sa mga putik sa pisngi nila.
"Linisin niyo yang mga dumi sa mukha niyo." Tugon ko sa kanila kaya kita kong masamang napatingin si Chloe kay Jimin.
Nag away ba sila?
"By the way, kamusta sina manager, Cristy at Bryan? Okay lang ba sila?" Tanong ko kay Jimin.
"Okay lang sila........physically, pero yung utak at puso nila, hindi. Nag aalala parin sila sayo." Sagot niya kaya napatingin nalang ako sa kawalan.
Pasensya na kayo huh? Kung pwede ko lang silang harapin ng hindi ako napapahamak siguro matagal ko nang ginawa para lang matapos na'to.
"Teka William, inaalagaan mo ba tong si Lily habang wala kami huh? Hindi mo ba siya inaaway o sinasaktan?" Tanong ni Jimin kay William kaya napailing nalang ako.
Ano ba sa tingin niya? Overprotective nga tong si William. O.A pa nga sa O.A!
"Tumigil ka nga Jimin, kita mo namang parang tumaba nga si Lily eh, tapos kahit wala siyang make up maganda parin." Saad naman ni Chloe kaya napangisi naman ako.
"Naninigurado lang." Tugon sakanya ni Jimin.
"Teka, ibig sabihin kayong......" Sumesenyas na sabi ni Chloe habang may paturo-turo samin ni William kaya napakunot noo naman ako.
"Dalawa lang ang nakatira dito? Mahigit tatlong linggo?" Taka niyang dugtong kaya napatingin ako kay William at kita kong napa lunok naman siya at nag iwas ng tingin.
"W'Well, w'wala namang ibang t'tao dito." Nauutal kong sagot kaya kita kong napatango-tango sila ni Jimin.
"Nga pala, mag kasama kayong napunta dito?" Pag iiba ko ng topic kaya nag katinginan silang dalawa at nag irapan.
Anong atmosphere ba ang meron sila?
"Obviously, mapumilit kasi ang isa dito." Parinig ni Jimin kaya kita kong napa irap si Chloe sakanya.
"Akala mo gusto kitang makasama? Sina Lily at William ang pinunta ko dito!" Singhal sakanya ni Chloe pabalik.
Oo nga pala, mukhang-------teka, di kaya girlfriend ni William si Chloe at tinatago lang nila?
Noong nag away kami, nasabi niya na may William Kim na siya. So ibig sabihin-----girlfriend niya talaga si Chloe? Pero yung nangyari samin ni William last night------Shit! Malaking kasalanan to! Ang dami mo nang gulo Lily! Tama na!
"Ano sa tingin mo Lily?" Natatawang pukaw ni Chloe ng atensyon ko.
"N'Ne?-----I'I mean oo naman." Pagsisinungaling ko kahit naman na wala akong naiintindihan sa mga pinag usapan nila.
"Nice one, na miss ko narin kasing uminom." Nakangiting sabi ni William kaya napa kunot noo naman ako.
"Oo nga, excited na ako bukas." Sang ayon ni Jimin.
Pinag uusapan ba nila ang birthday ko kanina lang?
Pati ako muntikan ng makalimot na birthday ko pala bukas. Haystt!
"Bale, maaga pa kaming pupunta ng bayan ni William upang bumili ng mga kakailanganin bukas." Tugon ni Jimin kaya napatango nalang ako.
"Tsaka bibili nalang rin kami ng mga groceries." Tugon naman ni William.
Napatingin ako sa labas at mukhang pagabi na. Mag hahanda nalang muna ako ng makakain namin ngayon.
"Mag luluto lang ako." Tugon ko sa kanila at napatayo na.
"Tulungan ko lang si Lily." Tugon naman ni William kaya napatingin ako sakanya at napatingin rin kina Jimin at Chloe na ngayon ay walang imik na nag papabalik-balik ng tingin samin ni William.
"H'Huwag na William. Dito ka nalang muna kina Chloe." Tugon ko nalang.
"I insist." Pumilit niya kaya napalingon ako sa dalawa, specially kay Chloe.
"Oo nga naman Lily. Nag pupumilit namang tumulong si William eh. Why not?" Nakangiting sabi ni Chloe na ikinatigil ko sandali.
Pinapahiram niya ba ang boyfriend niya?
"A'Ah, s'sige na nga." Tugon ko nalang at naunang nag tungo sa kusina.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...