***
Naka bathrobe akong lumabas ng c.r at nag tungo kay Cristy na naka upo sa sofa.
"Oh, gusto mo ng makakain? Maiinom? O baka may iba ka pang gusto?" Tanong ni Cristy ng makalapit ako sakanya. Sa halip na sumagot ay tinabihan ko siya sa pagkakaupo.
"Cris? Tama ba ako na iwasan na lang muna si William?" Tanong ko kay Cristy na ikinatigil niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sa mahigit na isang buwan na nakasama ko siya hindi niya ako pinabayaan, at dahil du'n napalapit na ang loob ko sakanya, actually hindi lang napalapit, nahulog na ang loob ko sakanya."
"Y'You mean, you love him already?" Naguguluhan niyang tanong.
"Alam ko namang mali kasi alam kong mahal parin siya ni ate at mahal niya parin si ate. Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa gitna nilang dalawa. Ayokong pilitin si William na kalimutan si ate. Alam kong mali kaya gusto kong lumayo, pero tama ba ako?"
Bigla nalang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
"L'Lily, p'pa'no ka mag mamahal ng lalaking puno ng ka misteryohan? You don't even know his whole background. Pa'no kung may galit parin sa puso niya?" Tanong niya na ikinatigil ko nalang.
"Okay Lily, let's say na binuwis niya ang buhay niya para sayo, pero baka nakakalimutan mo ang nagawa niyong dalawa sa isa't isa. Malaki ang kasalanan mo sakanya before at gumanti siya. Nang dahil sakanya naging miserable ang buhay mo."
Tama si Cristy, pa'no ko nga ba nasisigurado na okay na kami ni William? Pa'no kung totoong galit parin siya katulad nung nangyari noon? Pano kung may binabalak pala siyang masama kaya siya nag babait-baitan?
"Pero Cristy, mahal ko siya eh."
"Yeah, you love him, pero minsan ka na niyang niloko."
"Pero ramdam ko naman na mahalaga ako sakanya, na nag bago na siya."
"Oo nga Lily, pero ni minsan ba sinabihan ka niya na mahal ka rin niya? Sa loob ng mahigit isang buwan, maraming oras para sabihin niya ang tunay niyang nararamdaman pero narinig mo ba na sinabi niyang mahal ka niya Lily, huh?"
Napahagulgol naman ako dahil sa sinabi ni Cristy.
Bakit ko pa ba pinag lalaban ang nararamdaman ko para sakanya kung tama naman si Cristy? Ni hindi niya sinabi sakin na mahal niya ako kahit na may nangyari na samin.
"Hindi ko sinasadya ang nangyari kagabi."
Oo nga pala, nakalimutan ko na hindi niya pala yu'n sinasadya, pero para sak'in pagmamahal yu'n.
"Hindi sa sinisiraan ko si William sayo, but i want you to see the reality behind those lies na pinaniniwalaan mo sa sarili mo." Hawak niya sa mag kabila kong kamay.
"Lily, honestly, hindi ko gustong masaktan ka na naman ng dahil kay William, kaya kung ano man ang nararamdaman mo para sakanya, kalimutan mo na. Matatapos na ang lahat at hindi niyo na kailangang mag tago pa kaya alisin mo na siya sa buhay mo."
Tama si Cristy, dapat noon palang naging aware na ako para hindi na ako nahulog pa sakanya, pero sana makaligtas parin siya dahil hindi ko parin kakayanin kapag nawala siya.
"Gusto ko ng matulog." Walang gana kong sabi sabay pahid sa mga luha ko at napatayo na.
"Don't worry, nandito lang kami ni manager para sayo." Tugon ni Cristy kaya bahagya akong napangiti at napatingin sa bandang terrace kung saan puno ng kumikislap na bituin ang langit.
Cristy POV
Napatingin ako kay Lily na mahimbing sa pag tulog. Masyado na kaya akong kontrabida sakanya? Ayoko lang naman na masaktan pa siya ulit. Masyado ng madaming luha ang lumabas sa mga mata niya at baka dumating ang panahon na wala na siyang maiiyak pa. Masaya na ako ngayon na kasama namin siya ng ligtas, pero hindi parin maaalis samin ang malaking utang na loob kay William dahil sa pag tulong niya kay Lily.
Kinumutan ko na si Lily at nag tungo ako sa salah. Napatingin naman ako sa pintuan ng unit ni Lily ng bumukas ito. Napangiti ako ng makita ko si Bryan.
"Kamusta babe? Si Lily? Okay na ba siya?" Tanong ni Bryan kaya napatingin ako kay Lily at bahagyang napangiti.
"Magiging okay rin." Sagot ko sakanya.
"Bakit? May nangyari ba?"
Napailing naman ako sa tanong ni Bryan.
"Si William, kamusta?"
"Stable na ang lagay niya pero hindi parin siya nagigising. Sabi ng doctor baka after two days magising na siya." Sagot niya kaya napanatag naman ang loob ko.
"Mabuti kung ganu'n." Tugon ko at naupo sa sofa, ganu'n din siya.
"Mukhang problemado ka. Is there something bothering you?" Tanong niya kaya napatingin ako sakanya.
"Bryan, mahal na ni Lily si William." Nag aalala kong sabi sakanya kaya kita kong kumorte sa mga labi niya ang saya.
"That's great." Nakangiti niyang sabi kaya napakunot noo ako.
"Anong great Bryan? It's not." Inis kong sabi sakanya kaya natigilan naman siya.
"Baka nakakalimutan mo Bryan ang mga ginawa ni William kay Lily before." Dugtong ko.
"Pero Cristy, he even catch the bullet na para sana kay Lily. Pakiramdam ko mahal na nila ang isa't-isa kaya why not?" Paliwanag niya kaya bahagya akong napailing.
"Hindi ganu'n yu'n Bryan. He's like a brother to you kaya dapat mas kilala mo siya. He once hurt Lily, he even ruined her life!"
"Hindi ba siya pwedeng mag bago?"
"Sa tingin mo sa sobrang laki ng galit niya kay Lily, nasa isip niya pa ang mapanatag? Halos lahat ginawa niya para sirain at durugin si Lily."
Kita ko namang bahagya siyang napailing.
"I just want to ask a little favor Bryan. Get William out of her life. Please, stop involving him with Lily. Para narin to sa kapakanan nilang dalawa." Pakiusap ko kay Bryan.
"Why are you acting like this?" Seryoso niyang tanong.
"Dahil kapakanan ni Lily ang iniisip ko Bryan."
Sarkastiko naman siyang napangisi at napatayo.
"Eh na'san na yung relationship nating dalawa?"
Napa kunot noo naman ako sa tanong niya. Kita kong namuo ang mga luha sa mata niya na nag pagulo sa isip ko.
"Cristy, this past few days na naging tayo naiintindihan ko na wala ka munang time sakin kasi alam kong nag aalala ka kay Lily. I even helped you right? Yesterday, pinipilit ko paring intindihin kasi gusto kong maging maayos na ang lahat and we're trying our best to solve the case about sa mga taong humahabol kay Lily."
Namuo nalang ang mga luha sa mata ko ng umiyak siya mismo sa harapan ko. Unang beses ko siyang nakitang umiyak ng walang camera. He's crying for real.
"But now, sa pinapakita mo? Mas lalo mong pinamukha sakin na wala nga akong girlfriend. You are physically present but mentally absent." Umiiyak niyang dugtong kaya napa pahid nalang ako sa mga luha ko.
"Hindi ko na maintindihan." Tugon niya at tuluyang lumabas ng unit ni Lily. Napahagulgol na lang ako at napatakip sa bunganga ko.
Nakalimutan ko na may priority pa pala ako. Ang tanga ko talaga. Bakit ko pa siya sinagot kung pababayaan ko lang naman pala siya at ipapamukha sakanya na wala siyang girlfriend? Napabayaan ko na ang boyfriend ko dahil sa mga nangyayari.
I'm sorry Bryan, i'm so sorry.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...