"Ate Lily! Kuya William!" Salubong ng mga bata samin kaya napangiti nalang ako.
"Ito ang pasalubong niyo galing samin at tig isa-isa kayo diyan huh?" Bigay ko sa kanila ng isang malaking plastic kaya napangiti nalang sila.
"Maraming salamat po." Tugon nila at nagsi takbuhan na palayo.
"Lily, William." Tugon naman ni nay Marta kaya napayakap ako sakanya.
"Kamusta ang taping?"
"Okay lang naman po." Nakangiti namang sagot ni William.
"Mag kasama kayong pumunta dito?" Tanong ni nay Marta kaya napatingin ako kay William.
"Opo, pinasakay ko nalang si Lily sa sasakyan ko since parehas lang naman kami ng pupuntahan." Nakangiti niyang sagot.
Dapat ko bang pag dudahan ang magandang pinapakita mo ngayon William?
Gustong-gusto ko tong mangyari kaya dapat paniwalaan ko na.
Akala ko hindi ka na mag babago.
Pag nag patuloy ka pa sa pagiging ganyan mo baka hindi ko na mamalayan na nahuhulog na ako sayo.
Sana hindi ka na mag bago.
"Ate Lily, kuya William. Pwede niyo po ba kaming samahang mag igib sa tabing ilog?" Tanong naman nina Ombok kaya nag katinginan nalang kami ni William.
"Oo naman, sasamahan namin kayo." Nakangiting tugon ni William at nag tungo na sa mga bata kaya napatingin ako kay nay Marta na ngayon ay nakangiti narin sabay tango sakin.
Palihim akong napangiti at sinundan na sina William at ang mga bata.
"Pag laki ko po kuya William, gusto ko pong maging artista katulad ni ate Lily at du'n po ako sa entertainment niyo." Rinig kong tugon ni Ashley.
"Talaga? Sige ba, kukunin kita bilang artista ko." Tugon rin sakanya ni William kaya bahagya akong napangisi.
"Akala mo ba madali lang maging artista?" Singit ko sa kanila dahilan para mapaharap silang lahat sakin.
"Ashley, kapag naging artista ka na, lahat ng galaw mo scripted at kontrolado. Kapag on cam, kailangan mong mag panggap na okay ka at masaya ka, pero off cam, nag sasawa ka na. Ang buhay kasi ng isang artista ay hindi masaya lang all the time, kaya hangga't kaya mo pang mabuhay ng normal, i-enjoy mo lang, okay?" Nakangiti kong sabi sakanya kaya nakangiti siyang napatango.
Napatingin naman ako kay William na nakatingin rin sakin na parang may sinasabi.
"Pag laki ko, gusto ko namang maging katulad lang ni kuya William. Presidente lang at director tsaka model. Okay na ako du'n." Tugon naman ni Tope kaya kita kong napangisi si William at hinimas sila sa ulo.
"Alam niyo kung ano ang mas maganda? Yu'n ay ang gawin niyo ang mga bagay na alam niyong makakapag pasaya sa inyo." Tugon niya sa mga bata.
Ito yung William na hindi ko pa masyadong kilala, pero ngayon, pakiramdam ko, kilala ko na siya.
Isa lang siyang ordinaryong lalaki na masayahin sa maliliit na bagay at may gintong puso.
"Nandito na tayo." Tugon ni Mak-mak at sumalok ng isang timbang tubig.
Kinuha ko naman ang timba ko at sumalok rin.
Natigilan nalang ako ng may humawak sa timba ko.
"Ako na." Tugon ni William sabay kuha ng timbang hawak ko.
"H'Hindi na, okay lang." Tugon ko sakanya.
"Ako na." Pumilit niya.
Napatingin naman ako sa sapatos na suot ko.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...