>>>
Maaga akong nagising kanina at nagtungo muna ako sa hospital upang kamustahin si William at dinalhan ng regalo, pero hindi parin siya nagigising kaya naisipan ko namang mag tungo dito sa puntod nina ate at mommy. Matagal narin akong hindi nakabalik dito kaya gusto ko lang mag sindi ng kandila.
Napangiti ako sa mga puntod nila at napatayo na.
"Mom, ate, i have to go na. May prescon pa ako bukas. Babalik na lang ulit ako dito pag may time." Paalam ko sa kanila at nag lakad na pabalik ng sasakyan ko.
Gusto ko naman ngayong puntahan sina nay Marta at ang mga bata.
Napangiti na lang ako at nag simula ng bumiyahe.
William POV
Dahan-dahan akong napamulat ng mga mata at napatingin sa kisame.
"William!"
Dahan-dahan akong napatingin sa tumawag ng pangalan ko. Bumungad sakin ang nakangiting mukha nilang lahat.
"Okay ka lang? May masakit ba?" Tanong ni manager ngunit bahagya lang akong napailing.
"Mabuti naman nagising ka na." Tugon naman ni Bryan.
"Oo nga, sa mahigit limang taon ka ba namang naka higa lang diyan at walang malay." Naiiling na sabi ni Jimin kaya bahagya akong napabangon at ramdam ko ang pananakit ng tagiliran ko.
"Dahan-dahan." Alalay nila sakin na mapa sandal sa head border ng higaan ko.
"L'Limang taon?" Tanong ko sa kanila. Kita ko namang napahalakhak sina Jimin at Bryan.
"Ano ka ba? Huwag mo silang pansinin. Binibiro ka lang nila." Tugon ni manager kaya bahagya akong napailing.
Bwiset! Akala ko totoo na. T'Teka, bakit wala si Lily?
"Si Lily?" Tanong ko sa kanila dahilan para mag katinginan sila.
"Okay lang ba siya?" Tanong ko ulit.
"Ganyan na nga ang lagay mo pero nauna mo pang kamustahin si Lily? Huwag kang mag alala, okay lang siya." Sagot ni Bryan.
Kung ganu'n, ba't wala siya dito? Halos lahat sila nandito maliban kay Lily. Natigilan na lang ako ng maalala ko ang mga taong gustong pumatay kay Lily.
"Yung mga taong humaha---"
"Nahuli na." Putol ni Ashton sa sasabihin ko.
"Ano ka ba William? Lily is doing great right now. Hindi siya nakapunta dito kasi after ng lahat ng nangyari kailangan niyang mag pahinga." Singit naman ni Chloe.
"Kailan ako makakalabas?"
"Kagigising mo pa lang kaya sa tingin mo makakalabas ka agad?" Tanong naman ni manager kasabay ng pag bukas ng pinto kaya napatingin kami rito.
"Good morning everyone, good morning William." Bati ng isang matandang doctor na may kasamang nurse. Bahagya lang akong napangiti sa kanila.
"Mabuti naman at nagising ka na. Congrats Mr.Kim." Nakangiti niyang dugtong kaya napangiti rin ako sakanya.
"Thank you Doc." Saad ko.
"After two days na wala kang malay matapos ang nangyari, wala ka namang ibang nararamdaman na something sa katawan mo right? Maayos ba ang pag galaw mo sa mga kamay mo? Sa mga paa mo?"
"Medyo okay naman Doc, yung sugat lang sa tagiliran ko ang masakit." Tugon ko kaya napangiti siya at napatango.
"Ya'n ang maganda sayo William. Malakas ang katawan mo at wala namang ibang masama sa resulta ng una mong examine."
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...