Chapter 34

47 3 0
                                    

"Huwag niyo na silang idamay! Sasama na ako." Umiiyak kong sabi sa mga lalaking nang gagapos kina nay Marta at William.

"Nag mamakaawa ako sa inyo." Makaawa ko sa lalaking naka hawak sa mag kabila kong kamay sa likuran.

"It's too late Lily. Hindi ka na nakinig nung una pa lang." Nakangising sabi ng isang lalaki habang may hawak na baril kaya napahagulgol nalang ako.

"Sino kaya ang uunahin namin? Siya ba? O siya?" Turo niya kay nay Marta at William."

"Ako na lang. Labas sila dito, ako naman ang kailangan niyo di ba!?" Humahagulgol kong sigaw.

"Lily, huwag!" Alala namang tugon ni William.

"That's too easy naman Lily kapag ikaw ang inuna namin. Mag dusa ka muna kaya? Sa paraang pag masdang unti-unting nalalagutan ng hininga to." Tugon niya kaya nanlaki ang mga mata ko ng itutok niya ang baril sa bandang dibdib ni William.

"No! NO!" Umiiyak kong sigaw kasabay ng maingay na putok ng baril.

"WILLIAM!!" sigaw ko nalang.

"William!"

Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng pintig nito. Napaiyak nalang ako habang naka upo sa hinihigaan ko.

Napatingin ako sa higaan ni William at mahimbing lang siyang natutulog.

Okay lang sana kung panaginip lang yu'n eh. Papayag ako kahit araw-araw pa, kahit bangungutin pa ako, pero natatakot ako na baka dumating ang panahon at pati kayo saktan nila. Mahal na kita William at isa yu'n sa mga iniiwasan ko. Natatakot akong masaktan dahil alam ko na sa puso mo, si ate parin ang mahal mo. Ayoko ring sumapaw pa sa inyong dalawa. Hindi ko siya kayang pantayan dahil alam kong mas lamang at mas magaling si ate kaysa sakin sa lahat ng bagay. As what you said William. I'm just a pitiful actress. Pero itong pitiful actress na'to? Ito ang mag lalayo sayo sa panganib. Ayoko ng pati kayo nila nay Marta mawala rin sakin. Wala na si ate at mommy, kaya hindi ako papayag na pati kayo mawala rin.






William POV

"William?"

"William gising na."

Dahan-dahan akong napa mulat ng mata at si aling Marta ang nakita ko na ginigising ako.

Napa upo naman ako sa higaan.

"Bakit po aling Marta?"

"Si Lily....." Alala niyang sabi kaya agad akong napatayo at napatingin sa higaan ni Lily.

"Bakit po? Anong nangyari?" Kunot noo kong tanong kaya kita kong napa iyak lang siya.

"Napatungo ako sa labas at hinagilap siya sa paligid." Umiiyak niyang sabi na nag pagulo sa isipan ko.

"William, umalis si Lily. Wala na ang mga damit niya." Dugtong niya na ikinatigil ko. Niyakap ko sandali si aling Marta at napatingin sa mga batang kadarating lang na umiiyak.

"Anong nangyari?" Tanong ko sakanila kasabay ng pag kalas ko sa pag kakayakap kay aling Marta.

Inabot nila sakin ang isang maliit na papel habang umiiyak.

Nagdadalawang isip ko naman itong binuksan.

'Hindi na sana ako susulat pa, pero nakita ko ang mga crayons ng mga batang ito kaya sumulat nalang ako. Pasensya na kayo kung hindi ako nakapag paalam.'

Bahagya nalang akong napa iling sa nabasa ko.

'Gusto ko munang lumayo sa inyo dahil ayokong madamay kayo sa gulo ko. Marami na kayong naitulong para sakin kaya utang ko sa inyo ang buhay ko. Kayo ang pamilya ko at hindi ko yu'n makakalimutan. Pakisabi nalang kay William na maraming salamat dahil nakilala ko yung tunay na William. Pakisabi narin sakanya na sorry kung gumawa ako ng desisyon ng hindi nag papaalam. Gusto kong mag simula siya ulit ng bago niyang buhay ng hindi nadadamay sakin. Ayoko ng may mapa hamak pa sa inyo kaya ko to ginagawa. Mahal ko kayo at pangako ko na babalik ako.'

To Love Again (Fanfiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now