Chapter 24

48 2 0
                                    

William POV

"Matagal kong tiniis ang lahat ng sakit. Hindi lang si Lily ang kinuha sakin, pati mundo ko kinuha narin simula nung mawala siya ng dahil sayo!"

"W'William, maniwala ka. Pinag sisihan ko nayu'n."

"Huwag mo yang sabihin dahil ang mga taong katulad mo ay hindi dapat pinaniniwalaan!"

"Alam kong kasalanan ko!"

Nang matapos ang video ay binaba ko na ang phone ko.

Napatingin ako sa resignation paper niya at hinagis yu'n.

Kung sino man ang nag pakalat ng video nayu'n, sigurado akong isa nayu'n sa mga karma ni Lily. Hindi ko nayu'n kasalanan at dapat lang sakanya yu'n.

Pero sino ang nag pakalat ng video nayu'n?

Napailing nalang ako at kinuha ang susi ng sasakyan ko.

Dumiretso muna ako sa isang flower shop at matapos akong bumili ng bulaklak ay nagtungo ako sa libingan ni Scarlet.

Nang marating ko ang puntod ni Scarlet ay napa upo ako sa damuhan at nilagay ang bulaklak.

Napa buntong hininga nalang ako at napangiti.

"Na miss kita." Tugon ko sakanya at kinuha ang isang dahon na nasa pangalan ng puntod niya.

"Pasensya ka na kung naging busy ako this past few days."

"Sapat na kaya ang pag hihiganti ko sa kapatid mo? Sapat na ba lahat ng yu'n para maka bawi sa mga nagawa niya sayo o sakin?" Naguguluhan kong tanong sakanya.

Hindi ko na ngayon maintindihan ang sarili ko. Dapat kulang pa yu'n eh, pero bakit may iba akong nararamdaman? Dahil ba yu'n sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko? Nina manager Dee, Bryan at Ashton?

Kaya ko namang mag patawad Scarlet eh, pero kapag naiisip ko ang pangalan ni Lily nagiging mahirap yu'n.

Natigilan ako sa pag iisip ko ng maramdaman kong parang may nag mamasid sakin mula sa likuran.

Napatingin ako sa di kalayuan at may nakita akong babaeng nag lalakad patungo sa sasakyan niya at may dalang bulaklak.

Si Lily yu'n. Hindi ako pwedeng mag kamali.

Nang makaalis ang sasakyan niya ay agad rin akong nagtungo sa sasakyan ko.






Lily POV

Nang makarating ako sa condo ay agad akong nagtungo sa unit ko.

Hanggang kailan ako iiwas sa mga reporters na humahabol sakin?

Napatingin ako sa bitbit kong bulaklak na para sana kay ate. Ayoko ng makita ang lalaking yu'n o makatabi man lang. Wala ng rason para makita pa siya. Galit ako sakanya dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Nang marating ko ang sixth floor ay nag lakad na ako patungo sa unit ko.

Natigilan nalang ako ng makita ko si Chloe at ang assistant niya na nakatayo sa labas ng unit ko habang nakikipag talo kina Cristy at manager Dee.

Nilapitan ko sila dahilan para matigilan ang dalawang iskandalosa.

"Anong kailangan niyo?" Tanong ko sa kanila kaya napangisi naman si Chloe.

"Ano Lily!? Masakit ba ang sampal ng pag bagsak mo?" Nakangisi niyang tanong.

"Tumigil ka na nga Chloe! Umalis na kayo!" Singhal sa kanila ni manager Dee.

"Hindi pa ako tapos manager." Tugon niya at nilapitan pa ako.

"Wala akong panahon para makipag talo sayo. Sigurado akong busy ka sa mga schedules mo Chloe, kaya kung ako sayo, umalis ka na. We're both wasting our time." Seryoso kong sabi sakanya at akmang papasok na sa unit ko ng hilahin niya ako pabalik at biglang sinampal ng malakas.

Napa awang nalang ang mga labi ko at napahawak sa pisngi ko.

"Para ya'n sa pag agaw ng kasikatan ko noon!" Singhal niya sakin sabay sampal ulit sa kabila.

"Tama na Chloe!! Ano ba!?" Pigil sakanya nina manager at Cristy.

"Para naman ya'n sa pag papahiya mo sakin noon!" Singhal niya ulit at nilapitan pa ako tsaka ako sinabunutan.

"HOY CHLOE!" Awat sa kanya ni Cristy at manager.

Natumba nalang ako sa sahig at hindi pumasok sa isip ko ang lumaban.

From the start, talo na ako. Para sa'n pa para lumaban kung ganu'n parin naman?

Pinag sasabunutan niya ako at pinag sasampal.

Tiniis ko lang ang sakit hanggang sa maramdaman kong tumulo na ang mga luha mula sa mata ko.

"Tumigil ka na Chloe!" Awat sakanya ni manager habang nasa ibabaw ko siya at sinasabunutan ako.

"Para ya'n sa pag loko sa mga tao at pagiging plastic mo!" Singhal niya sakin habang tuloy sa pag sampal.

"Tama na ya'n!" Sigaw naman ni Cristy.





William POV

"Sasakyan ya'n ni Mr.William Kim!" Rinig kong sigaw nila mula sa labas ng sasakyan ko.

Nang itigil ko ang sasakyan ko sa harap ng condo ay agad akong sinalubong ng limang security at hinarangan ang mga reporters.

Nang makababa ako ay dali-dali akong pumasok sa loob.

"Mr.Kim!" Sigawan nila sa labas.

"Sandali lang Mr.Kim!"

Hindi ko na sila pinansin pa at agad akong nagtungo sa sixth floor.

Inikot ko ang paningin ko sa paligid upang hanapin si Lily ngunit hindi ko siya mahagilap.

"Ano Lily? Masarapa ba?"

Natigilan nalang ako ng marinig ko ang boses ni Chloe.

Agad akong napatakbo at nagtungo sa unit ni Lily.

Natigilan nalang ako ng makita kong nag kakagulo sila habang nasa ibabaw ni Lily si Chloe na sumasampal at sumasabunot. Ganu'n din ang awat nina manager Dee at Cristy.

Sasampal pa sana si Chloe ng hawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya patayo.

"Walang hiya kang babae ka! Hindi pa tayo tapos!" Singhal niya kay Lily at akmang susugod ng itulak ko siya.

"Tama na Chloe!" Sigaw ko sakanya at inalalayan si Lily patayo.

"William, yang babaeng ya'n dapat ang pinag sasabihan mo! Siya ang pumatay sa girlfriend mo!" Singhal niya kaya natigilan nalang ako at napatingin kay Lily na gulo-gulo ang buhok habang pinupunasan ang mga luha niya.

"Let's go inside Lily." Rinig kong sabi ni manager Dee kasabay ng pag wasli ni Lily ng braso niya na hawak ko.

"Manager Dee." Pigil ko kay manager sa isang braso ngunit tinitigan niya lang ako sa mga mata.

Agad niyang kinuha ang braso niya sa pagkakahawak ko.

"Mabuti pa, samahan mo nalang ang babaeng ya'n sa labas." Walang emosyon niyang sabi at sinarado na ang pinto ng unit ni Lily.

Napa buntong hininga nalang ako at akmang aalis ng pigilan ako ni Chloe.

"William." Tugon niya sabay hawak sa kamay ko.

"Pwede ba Chloe? Kung ano man ang problema sa pagitan namin ni Lily, akin nalang yu'n at huwag na huwag ka nang mangingialam!" Singhal ko sakanya at nag lakad na paalis.

"TALAGA WILLIAM?" Sigaw niya kaya natigilan ako at hinarap siya.

"You should thank me dahil tinulungan kita!" Singhal niya sakin.

Anong sinasabi niya?

"I'm the one na nag pakalat ng video tapos ngayon ako pa ang itataboy mo? Seriously!?" Singhal niya sakin at binangga ako sa balikat at tuluyan ng umalis.

Napahilot nalang ako ng sentido at napa suntok sa pader.

DAMN IT!

To Love Again (Fanfiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now