Chapter 3

91 3 0
                                    

Scarlet POV

Alam ko pong marami na akong kasalanan sa inyo, pero para po ito sa kapakanan ng marami. Patawarin niyo po sana ako.

"Mawawala nga pala si Mommy ng one month o baka matagalan pa para mag hanap ng mag do-donate sayo ng heart." Kalmado kong tugon kay Lily.

"Ate, kahit umalis pa si mommy ng one month para mag hanap ng heart na ipapalit sakin, alam kong hindi aabot. Sino ba ang mag lalakas loob na mag donate ng heart? Eh halos lahat ng tao sa mundo gustong mabuhay." Walang pag asa niyang sabi.

"Meron Lily, huwag kang mawalan ng pag asa." Sabi ko nalang sakanya. Ngumiti lang siya at pinikit ang mga mata. Lumabas na ako ng silid ni Lily at napa sandal nalang ako sa pader sa isang gilid kasabay ng pag tulo ng mga luha ko. Napatapal nalang ako ng kamay ko sa bunganga ko para pigilan ang pag hagulgol ko.

Pinahidan ko ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko at lumakad na.

"Doc!" Habol ko sa Doctor ni Lily na papasok ng office nito. Napatigil siya sa pag lalakad at hinarap ako.


"Yes, Miss Jimenez. Is there something wrong?" Tanong niya ng makalapit na ako sakanya.

"May sasabihin po ako sa inyo." Maluha-luha kong tugon sa Doctor ni Lily.

"Ano yu'n miss Jimenez?"

Humugot muna ako ng lakas ng loob bago sabihin sakanya ang gusto kong sabihin.

"Nakahanap na po ako ng...........mag do-donate ng heart kay Lily."

Pagka sabi ko nu'n ay kasabay ng pamumuo ng mga luha mula sa mata ko.

"Really? That's great. Can i see her or him?" Malawak na ngiti nito. Napa yuko nalang ako at napa hagulgol.


Gusto ko nang matapos ang pag hihirap ng kapatid ko. Alam kong marami kaming hindi pagkaka intindihin before, but still, she's my sister. At kung alam niya lang kung gaano ko siya kamahal.

"A'Ako po." Humagulgol ko ng tugon na halatang ikinagulat ng doctor.

"Are you sure Ms. Jimenez? Hindi biro ang pag do-donate ng heart. Alam mo namang buhay ang kapalit pag ginawa mo yu'n."

"Ano po ang gusto niyong gawin ko? Pagmasdan lang ang kapatid kong nag durusa?!" Umiiyak kong singhal sa Doctor.

"It's not like that Ms.Jimenez. Baka pag sisihan mo ang desisyon naya'n. Buhay mo, kaligayahan mo mismo Scarlet."

"Doc, i have no choice, unti-unti ng humihina si Lily, at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala siya." Pag mamakaawa ko sa Doctor.

"Scarle---"

"Doc, please. Please i'm begging." Humagulgol kong makaawa.

"You know what Scarlet? Kung may kilala lang talaga akong pwedeng mag donate kay Lily, tutulungan ko talaga kayo. But if that's what you want, then let's do it." Mangiyak-ngiyak na sabi ng Doctor kaya bahagya akong napangiti habang umiiyak parin.

"Scarlet, i really salute you. Pinatunayan mo talaga na isa kang mabuting anak at ate."

"Sana ganyan rin ang nakikita ni Mommy." Sagot ko sakanya at napa iling nalang.

To Love Again (Fanfiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now