Chapter 11

47 2 0
                                    

***

Cristy POV

Ano kayang magandang e-post?

Napa isip nalang ako at nagtungo sa terrace ng unit ko.

"What if---"

Natigilan nalang ako ng makita ko sa kabilang terrace si Bryan na walang damit at naka pajama lang habang tinatapat niya ang kanyang palad sa langit.

A'Anong ginagawa niya?

"Hey!" Nakangiti niyang sigaw na ikinagulat ko.

"A'Ahh---h'hey?"

Napatawa naman siya at lumapit ng bahagya sa pagitan ng unit namin.

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" Nakangiti niyang tanong.

"A'Ano kasi..... Ahm, n'nag papahangin." Tugon ko sabay pilit na ngumiti.

"Ahh, okay." Tugon niya at napatingin ulit sa kalangitan.

"Sige Bryan, pasok na ako sa loob." Tugon ko sakanya at dali-daling pumasok sa loob.

Arghhh! Ano ka ba Cristy?

Para ka talagang timang!

"Ano nalang kaya ang iisipin ni Bryan?" Tanong ko nalang sa sarili ko at napasilip ng bahagya sa pintuan ng terrace ko para tignan kung nandun pa si Bryan.

Teka nga!

Bakit ko naman kailangang bigyan ng atensyon kung ano man ang sasabihin niya sakin?

Wala siyang nararamdaman para sayo Cristy kaya tumigil ka na, okay?

"Aishh!" Napasabi ko nalang at napabuntong hininga.

Naupo ako sa sofa at tinignan ulit ang instagram ko.

Natigilan nalang ako ng tumigil sa isang post ang pag s-scroll ko sa news feed ko.

Napatakbo nalang ako palabas ng unit ko at dumiretso agad sa unit ni Lily.

"Lily? Are you still awake? Unnie?" Katok ko sa pintuan niya at di kalaunan ay bumukas rin ito.

"Oh? Bakit? May problema?" Bungad niya kaya pumasok naman ako sa loob at naupo sa sofa.

"You need to see this." Tugon ko sakanya kaya naupo siya sa tabi ko.

"Nakauwi na ng Pilipinas si Chloe Chen, and guess what----same entertainment pa talaga kayo." Pakita ko sakanya ng post nung Chloe.

"Hindi niya talaga ako titigilan. Gusto niya paring bawiin ang kasikatan ko na akala niya sakanya dapat." Inis na sabi ni Lily.

"So ano na?"

"Hayaan nalang natin siya Cristy. Magsasawa rin ya'n sa kasusunod sat'in." Tugon niya kaya napangisi nalang ako.

"Bakit?" Takang tanong niya kaya napakawit ako sa mga braso niya.

"Kahit na mas lamang sa mga role mo ang nag tataray ka, lagi kang nasa taas at nang aapi ka, hindi mo naman ginagawa yu'n sa totoong buhay. Gusto ko ang totoong Lily." Nakangiti kong sabi kaya niyakap niya naman ako.

"Siyempre, natutunan ko yu'n kay ate. Kahit aping-api na siya sakin that time at nasasaktan na siya hindi parin siya nag sasawang pakisamahan ako."

Bahagya akong napangiti sa sinabi niya.

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya sa bawat maaalala niya ang ate niya.

"Pero kapag sumosobra na, hindi ko yu'n palalampasin, dahil galit ako sa mga nang aapi at nananapak ng tao, galit ako sa sarili ko. Walang pwedeng mang api kay Mommy at pati narin sayo at kay manager Dee." Tugon niya kaya napangiti nalang ako at hinigpitan ang pagkakayakap sakanya.





To Love Again (Fanfiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now