Lily POV
Nakangiti kong narating ang isang maliit at lumang kubo sa kalagitnaan ng gubat. Medyo malayo sa baryo kaya walang masyadong tao dito. May madadaanan ka ring ilog bago makarating sa kalsada.
Nagtungo ako sa loob ng maliit na kubo at napangiti nalang ako ng may ilaw.
Bakit kaya may kuryente dito? Nasa gitna ito ng gubat pero may kuryente? Baka naman may nakatira dito noon at umalis lang. Well, pansamantala lang naman akong mananatili dito hangga't wala pa ang may ari.
Nilagay ko na ang mga gamit ko sa isang upuan at nilinis ang mga alikabok dahil sa matagal na itong hindi natitirhan.Napatungo naman ako sa kwarto ng kubo.Napangiti nalang ako ng marealize ko na may bahay rin palang ganito. Maliit lang siya pero kompleto. May salah, kusina, kwarto at c.r. Ang sarap rin sa feeling ng bahay na'to dahil bukod sa tahimik, mahangin rin kaya hindi ko na kakailanganganing mag electricfan.
Napa upo nalang ako sa single size na kama at mapait na napangiti. Hanggang kailan kaya ako mag tatago ng ganito? Hanggang kailan kaya?
Lumabas muna ako ng kubo at bumaba upang tignan ang mga tanim.
"Kulang lang kayo sa dilig." Tugon ko habang nakatingin sa mga lantang bulaklak.
"Huwag kayong mag alala. Ako na ang mag aalaga sa inyo. Pagagandahin ko to." Nakangiti kong dugtong at bumalik na sa loob.
Matapos kong linisin ang buong bahay ay inayos ko naman ang mga gamit ko.
"Kamusta na kaya sina William? Sina nay Marta? Sina Cristy at manager?" Napatanong ko nalang sa sarili.
Siguro bumalik na sa dating buhay niya si William. Mabuti narin yu'n para tantanan na siya ng mga taong yu'n. Kailangan ko naring mabuhay mag isa.
"Hay naku Lily, pakiramdam ko hindi mo talaga kayang mabuhay without someone else sa tabi mo."
Napangisi nalang ako bigla ng maalala ko ang sinabi ni William noon sakin nung lagi akong nag he-heels kahit na mag iigib ako o makikipag laro sa mga bata.
Patutunayan ko sayo William na kaya ko na.
William POV
"Ano? May nakita kayo?" Tanong ko kina Bryan at Jimin na kadarating lang.
"Wala eh." Inis nilang sagot kaya napa upo nalang ako sa unahan ng sasakyan ko.
Sa'n ka na ba Lily?
"Oh, kumain muna kayo." Abot samin ni Ashton ng mga pagkaing pinamili niya.
"Sa'n pa kaya siya pwedeng mag punta?" Tanong ko sa kanila kaya nag katinginan naman sila.
"Wala na kaming alam kung sa'n pa. Halos naikot na kasi namin ang mga kaibigan niya eh." Sagot ni Bryan kaya bahagya nalang akong napatango.
"Kailangan na talaga natin kasing malaman kung sino talaga ang mastermind dito." Tugon ko sa kanila.
"Yeah, exactly, pero kahit sinong tauhan niya na nahuhuli ng team ko ayaw talagang umamin. Mas pipiliin pa nilang mamatay. Ganu'n sila ka loyal." Saad ni Ashton.
"Sigurado ako na hindi nakakalayo si Lily. Nandito lang siya at alam kong pupunta siya sa market na'to." Tugon ko sa kanila.
"May point ka William. Ito lang ang nag iisang market o bilihan sa bukid na'to kaya dito talaga siya pupunta kapag may kailangan siya." Sang ayon ni Jimin.
"Pero kailangan nating maging alisto. Siguradong ang lugar ring ito ang pinupuntirya ngayon ng mga taong yu'n. Kailangan natin silang maunahan." Tugon naman ni Ashton.
"Hindi ako aalis dito." Tugon ko nalang dahilan para matigilan sila at mapatingin sakin.
"Bakit?" Tanong ko nalang.
"W'Wala naman." Nagtatakang sagot nina Bryan kaya bahagya nalang akong napa iling.
Cristy POV
"Hindi ako pwedeng tumunganga lang dito na walang ginagawa. Hahanapin ko rin si Lily, manager." Tugon ko at lumabas na ng unit.
"Sasama ako Cristy." Habol ni manager kaya napangiti nalang ako at nag lakad na kami pababa ng hagdan.
"Teka, mukhang nag mamadali kayo. Sa'n punta niyo?" Tanong naman ni Chloe na nakaharang sa daraanan namin kasama si Tanya.
"Wala ka na du'n." Pagtataray ko.
"Diba nag out of country na si Lily? So ano pang obligasyon niyo?"
Napa irap nalang ako sa tanong niya.
"Hindi ka lang pala inggitera. Saw-sawera karin!" Tugon ko kaya kita kong napangisi siya.
"Hindi kayo makakadaan kapag hindi niyo sinabi sakin kung sa'n kayo pupunta. Baka mamaya may binabalak na naman kayo para gantihan ako dahil laos na yang Lily niyo." Saad niya kaya napa iling nalang ako.
"Pagkatapos mo kay Lily, samin naman? Iba karin eh noh? Such an immature."
"Kung hindi ya'n private, at wala kayong tinatago, sasabihin niyo." Nakangisi niyang sabi kaya napa kuom nalang ako ng kamao.
Sinasagad na talaga ako ng babaeng to eh!
"Sabihi---"
"GUSTO MO TALAGANG MALAMAN!?" Gulat akong napatingin kay manager ng bigla niyang sinigawan si Chloe.
"Gusto niyo talagang malaman ang totoo?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni manager sa dalawa kaya pinigilan ko naman siya.
"Oo! May tinatago kami." Umiiyak na niyang saad kaya ramdam ko rin ang pamumuo ng mga luha sa mata ko.
Kita ko namang natigilan ang mga mukha ng dalawa.
"Lumayas si Lily at may gustong pumatay sakanya." Umiiyak na dugtong ni manager kaya mariin nalang akong napa pikit.
"What!?" Gulat na tanong ni Chloe.
"S'So William is right? Talagang may gustong pumatay kay Lily??" Dugtong niya kaya napatingin ako sakanya.
"Oo Chloe! Halos ilang beses na siyang lumayas para lang matakasan ang mga taong tumutugis sakanya." Umiiyak kong sagot.
"Hindi lang reporters at mga bashers ang kalaban niya. Naiinggit ka kay Lily dahil iniisip mo na napaka ganda niya, matalino, mabait, mayaman, sikat, almost perfect, pero sana tinanong mo rin siya kung gusto niya ang buhay niya! Ikaw Chloe! Kung nasa sitwasyon ka niya, gugustuhin mo pa ba ang buhay na meron siya? Halos isuka na niya ang naging buhay niya tapos ito kayong mga taong mapang husga! Ni hindi niyo siya kilala ng lubos!" Humahagulgol kong singhal sakanya.
"I'I'm so sorry." Nauutal niyang sabi na tila hindi makapaniwala.
"Ngayon hindi na namin alam kung sa'n siya namin hahanapin."
"Kung gusto mong iparating to sa social media, go ahead. Kung gusto mo siyang siraan, sige. Walang pipigil sayo dahil matagal ng nasira ang buhay niya." Umiiyak namang tugon sa kanila ni manager.
"N'Nagawa ko lang naman to dahil akala ko inaagaw niya ang dapat na para sakin."
Bahagya akong napalapit kay Chloe.
"Chloe, alam mo naman na sa industriyang ito, pagalingan. Kapag magaling ka, nasa taas ka, pero kapag hindi nasa ibaba ka. Ikaw ang kumokontrol ng buhay mo hindi sila." Tugon ko sakanya.
"I'I know." Nakayuko niya nalang na sagot.
"Umalis na kayo para mahanap si Lily." Dugtong niya pa at nag bigay daan kaya agad na kaming umalis ni manager.
Lily, alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyon mo ngayon, pero sana isipin mo rin na nandito pa kami nina manager. Umuwi ka na please. Tutulungan ka namin. Hindi ka namin pababayaan.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...