Chapter 46

46 3 0
                                    

>>>

Lily POV

Dahan-dahan akong napamulat ng mga mata at napa upo sa kama ko. Inikot ko ang buong paningin sa loob ng kwarto ko. Nasa malambot at malaking higaan na ako, nasa malapad na kwarto at maaliwalas na paligid, pero hindi ko na makakasama pa si William sa iisang bahay. Sana okay na siya ngayon.

Napabangon na ako at nagtungo sa c.r upang mag sipilyo at mag hilamos. Matapos ako sa c.r ay nag tungo na ako sa labas ng kwarto.

"WELCOME HOME LILY!!!!"

Nagulat nalang ako sa sigawan nila. Kita ko ang masasayang mukha nina manager, Cristy, Ashton, Jimin, Chloe, Tanya at Bryan. Napangiti nalang ako at nilapitan sila.

"Nag handa kami ng mga pagkain na paborito mo." Turo ni Cristy sa lamesa kaya napa distansya ako dito at patagong napa takip ng ilong dahil sumama ang pakiramdam ko.

"A'Ahm, a'ayoko pang kumain. Busog pa ako." Tugon ko sa kanila kaya sandali naman silang natigilan at nag katinginan.

"G'Ganun ba?" Nauutal na tanong ni manager.

"Pero masaya parin kami na mag kakasama na tayong lahat." Tugon naman ni Cristy.

"Teka, nandito kayong lahat? Sino naman ang nag babantay kay William?" Tanong ko sa kanila kaya nag katinginan na naman sila.

"Huwag kang mag alala, pinabantayan namin siya sa mga bodyguards niya at nandun din ang assistant niya, tsaka babalik rin kami du'n maya-maya." Sagot ni manager kaya bahagya akong napatango.

"Mag saya muna tayo ngayon dahil marami tayong dapat e celebrate." Tugon ni Ashton kaya nag ingay na naman sila.

"Oo nga, at babalik narin sa showbiz si Lily, yey!!" Sigaw ni Chloe kaya nag tawanan silang lahat.

Babalik na ako sa pagiging artista?

"Tama si Chloe, may prescon ka after four days." Singit ni Jimin.

"Tsaka, malalaman na natin ang mastermind ng gustong mag papatay sayo Lily." Tugon naman ni Ashton kaya napangiti naman ako.

"Tsaka malapit naring magising si William." Tugon ni manager kaya napangiti nalang ako.

Bibisitahin ko siya mamaya. Wala namang masama siguro du'n. Gusto ko lang matiyak na okay lang siya.

"Tsaka, hindi pa siguro alam ni Lily. Dapat rin nating e celebrate ang pagiging two weeks na mag kasintahan nina Cristy at Bryan!!"

Natigilan naman ako sa sinabi ni manager at napatingin sa dalawa.

"Teka, kayo na?" Nakangiti kong tanong at kita ko ang bahagyang pag yuko ni Bryan.

Pero bakit ata parang may mali sa kanilang dalawa?

"Gutom na ako! Kain na tayo!" Sigaw ni Jimin kaya napatawa naman kami at sinimulan na nilang kumain. Mukhang kailangan ko munang dumistanya dahil parang masusuka ako sa amoy ng pagkain. Nakakapanibago talaga tong sarili ko. Paborito ko naman to before pero bakit parang may mali? Siguro dahil matagal akong hindi nakatikim ng ganitong mga pagkain.

May kailangan pa pala akong puntahan.

Pumasok muna ako sa kwarto at nag bihis. Matapos kong ayusin ang sarili ko ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Natigilan naman silang lahat at napatingin sakin.

"Sa'n punta mo?" Tanong Jimin.

"Ahh, may importante akong lakad." Sagot ko sakanila.

"Nang walang kasama?" Tanong naman ni Ashton. Napangiti naman ako.

To Love Again (Fanfiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now