>>>
Cristy POV
Hay naku! Na'san na kaya si Lily?
Nag alala pa naman ako sakanya kagabi.
Mabuti nalang nandiyan din si Bryan para tulungan ak------para tulungan siya. Haysst.
Teka, ano pa kaya ang kulang sa mga susuotin ni Lily?
"Kompleto na ba lahat?" Tanong ko sa mga stylist ni Lily.
"Yes ma'am." Sagot naman nila kaya napangiti ako sa kanila.
Siya nalang pala ang hinihintay.
Lily POV
Bawasan mo muna ngayon ang stress Lily okay?
Mag focus ka muna sa fan meeting mo ngayon. Huwag mo silang biguin.
Kringggg Kringggggg
Napatingin ako sa phone ko at sinagot ko ito ng makita ko ang pangalan ni Cristy sa screen.
"Hello?" Bungad ko.
[Li? Asa'n ka na? Kailangan mo nang ma ayusan.] Pag mamadali niya sakin.
"Okay Cristy. Paalis na."
[Sige sige, bilisan mo huh? Mag iingat ka, Jalga.] Paalam niya kaya bahagya akong napangiti at pinatay na ang tawag.
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng unit ko.
Naabutan ko namang nakatayo ang limang bodyguard sa Gilid ng pinto ko.
Anong meron? Sino ba tong mga to?
"Excuse me? M'May kaylangan po ba kayo?" Taka kong tanong sa kanilang lima. Baka mag pa-pa autograph lang sila o mag pa-pa picture? Pero pa'no sila naka pasok?
"Ms.Lily, may nag padala po samin dito upang bantayan kayo." Tugon ng isang bodyguard.
"Huh? I thought yung driver ko lang ang kasama ko? Wala namang masang mangyayari sakin para bantayan niyo ko. Tsaka sino nag padala sa inyo dito?" Kunot noo kong tanong.
"Si sir Bryan, Miss. Maraming fans ang nag aabang sa inyo sa parking area at pati sa baba ng building. Pero du'n na'po ang sasakyan sa baba susundo."
Si Bryan ang nag padala sa kanila dito?
Napangisi nalang ako habang naiiling.
Hayst..
"Ganu'n ba? Sige, let's go." Aya ko na sa kanila at nag simula nang mag lakad.
Nung makababa na kami ng building, nakita ko ang napakaraming nag hihiyawang fans sa labas.
Halos dumugin na nila ang mga bodyguard na nakapalibot upang pigilan sila dahil gusto talaga nila akong lapitan.
Nakita ko rin ang mga paparazzi galing sa iba't ibang station. Ang dami nila.
Yung iba namang mga fans may dalang poster na may nakalagay na 'We love You Unnie'. Ang cute naman ng iba dahil naka headband sila ng bunny.
Ganu'n kasi sa seoul pag nag fan meeting.
Ang kinaiba nga lang dito sa Pilipinas ay hindi pwedeng makalapit o makausap lahat ng fans mo kahit five minutes lang. Sabi kasi nila sobrang dami daw ng tao dito. Mahihirapan ako kaya yung VIP lang ang pwedeng makausap ko sa backstage.
Pero pag sa Seoul, pag naka bili ka ng album ng idol mo pwede kang makapasok sa loob pero may maximum lang kung ilan ang pwedeng makapasok.
"WE LOVE YOU MISS LILY!" Sigaw ng isang grupo ng kababaihan.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...