Lily POV
"ANO!? Nay Marta, hindi ako papayag na manatili dito ang lalaking ya'n! For sure, gagawa na naman ya'n ng makakasira sakin." Galit kong turo kay William.
Pagkatapos ng mga ginawa niya sakin? Dito pa talaga siya mananatili?
"Lily, huminahon ka la--"
"Hindi nay Marta. Galit siya sakin at kinamumuhian niya ako! For what pa kung titira siya dito kasama tayo?" Putol ko sa sasabihin ni nay Marta.
"Lily, hindi ako pumunta dit---"
"SINUNGALING KA!!" Sigaw ko sakanya at tinulak siya palayo kaya agad naman akong pinigilan ni nay Marta at pumagitna.
"Pumunta ka dito para sa plano mo di ba? FINE! Gawin mo na! Ngayon na William para matapos na'to!" Singhal ko sakanya.
"Lily, hindi mo ko naiin---"
"Anong hindi William?"
"Lily makinig ka muna sakin." Tugon niya at akmang lalapitan ako ng itulak ko siya ulit palayo.
"Hindi ako makikinig sa taong sumira sa buhay ko!"
"Li--"
"Umalis ka na William!! Umalis ka na!"
"Makinig ka muna sakin Li--"
"Umalis ka na Wil---"
"HINDI AKO AALIS!" Sigaw niya na ikinagulat ko dahilan para matigilan ako.
"Huminahon kayong dalawa." Nag aalala namang tugon ni nay Marta.
"Makinig ka Lily. Hindi ako pwedeng umalis dahil kailangan mo ko." Tugon niya na nag pangisi sakin ng sarkastiko.
"Wow William! After all? Sasabihin mong kailangan kita? Oo! Hindi ako independent, but i'm learning it, kaya hindi kita kailangan!" Mariin kong sabi sakanya.
"Kahit na nasa panganib ang buhay mo?" Tanong niya na ikinatigil ko. Napa kunot noo nalang ako sa narinig.
Anong panganib ang sinasabi niya?
"Kahit na maraming tao ang gusto kang makuha? Hindi lang mga reporters at bashers ang humahabol sayo! May gustong pumatay sayo, naiintindihan mo ba yu'n!?" Sigaw niya sakin.
Kung ganu'n bakit niya pa ako kailangang bantayan?
"Kung ganu'n, ano naman sayo? Yu'n naman ang gusto mo di ba? Ang mawala ako?" Tanong ko sakanya kaya rinig ko ang pag hinga niya ng malalim.
"Dahil concern ako."
Dahan-dahang napa awang ang mga labi ko sa sinabi niya. Ramdam ko rin ang pag tibok ng puso ko ng napakalakas na parang sasabog.
Bakit William?
"Kapatid ka ni Scarlet, may responsibilidad rin ako sayo." Dugtong niya.
"Lily, pumayag ako dahil alam kong mas magiging ligtas ka kapag nandito si William." Tugon ni nay Marta pero di nalang ako sumagot, sa halip ay nagtungo ako sa ilalim ng puno at naupo.
William POV
"Bakit ka nga ba hinahabol ng mga taong yu'n Lily? May nagawa ka bang kasalanan?" Tanong ni aling Marta kay Lily.
"Wala naman po, bukod sa......" Napatingin si Lily sakin ng sandali bago sumagot.
"Bukod po sa kasalanan ko kay ate." Dugtong niya.
"Naka usap ko po kanina yung kaibigan kong detective. Yung tao pong gustong ipakuha si Lily ay hindi basta-basta. Mayaman siya at maraming koneksyon kaya mahirap siyang matukoy, pero sabi naman ni Ashton, gagawin niya ang lahat upang matukoy ito." Tugon ko kay aling Marta.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...