Lily POV
Nang magising ako ay napa hawak nalang ako sa ulo ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Aishh!! Na sobrahan talaga ako ng alak kagabi. Baka kung ano na ang mga nagawa o nasabi ko kay William. Wala pa naman akong may maalala ngayon. Teka, si Chloe? Wala na naman siya sa higaan niya? Ang aga naman niyang magising.
Bumangon na ako at dumiretso sa labas.
Natigilan ako ng makita ko sina William at Jimin na palabas ng kubo habang bihis na bihis kaya napatungo ako sa kanila.
"Sa'n kayo pupunta?" Pamungad ko dahilan para matigilan silang dalawa. Nagkatinginan sila bago ako sinagot.
"M'May kailangan lang kaming bilhin." Sagot ni Jimin kaya napa kunot noo ako.
"Bilhin? Eh di ba, sa bayan na kayo nanggaling kahapon?" Tanong ko sa kanila.
"Ahh, oo. Yu'n na nga, nakalimutan namin." Natatawa namang sagot ni William kaya bahagya akong napatango.
"Nga pala, nag luto na kami ng hangover soup diyan at breakfast para sa inyo ni Chloe. Mag iingat kayo dito huh?" Tugon ni William kaya napangiti ako bahagya sabay tango.
"Huwag muna kayong lalabas ng kubo hangga't wala pa kami. Kapag may tao, mag tago lang kayo dito sa loob."
Napangisi nalang ako habang pinag mamasdan siyang O.A kung mag bilin.
"Tapos, huwag kayong lalayo, naiintindihan mo? Baka makapunta dito yung mga mokong nayu'n." Dugtong niya at napatingin sakin.
"Oh? Bakit?" Tanong niya ng makita niya akong nakangisi.
"Ani, sige na." Nakangiti kong sambit kaya bahagya silang napatango at nag lakad na paalis.
"Jalga!" Sigaw ko kaya kita kong napataas ang mga kamay nila.
Nakangiti akong pumasok sa loob at naabutan ko si Chloe na kalalabas lang ng banyo.
"Good morning Chloe." Bati ko sakanya kaya napangiti naman siya.
"Let's eat?" Aya ko sakanya kaya naupo narin siya sa hapagkainan at sinimulan na naming kumain.
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ko sakanya kaya napatingin naman siya sakin.
"A'Ah, o'okay na ako." Sagot niya at nag patuloy sa pagkain.
Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang hindi siya tignan habang kumakain.
Ba't kaya ang tahimik niya ngayon?
"Nga pala, about pala du'n sa kagabi Chloe. Pasensya ka na sa mga pinag gagawa ko huh? Ngayon lang nag pop out sa mind ko ang mga nangyari." Nahihiya kong paumanhin kay Chloe kaya kita kong bahagya siyang napangiti.
Nakakahiya talaga! Yung girlfriend pa talaga ang hinarap mo kagabi Lily.
"Ano ka ba Lily? Sinagot ko naya'n kagabi at sinagot narin ya'n ni William." Tugon niya kaya muli akong napatingin sakanya.
"Walang may namamagitan saming dalawa, at totoo yu'n." Nakangiti niyang dugtong na ikinatigil ko.
Hindi sila? P'Pero----
"Pero hindi ko itatago sayo na naging kami three years ago." Dugtong niya na ikinatigil ko sa pagkain at nag hintay pa ng sasabihin niya.
"Two years ago ng mamatay si Scarlet, we've met and nag kasama kami sa isang movie, he's the director, but we've broke up because of me. Hindi ko rin naman siya masisisi. Spoiled ang girlfriend niya eh, and i think that time, mahal niya parin si Scarlet. Mukhang wala na atang makakapalit kay Scarlet sa puso niya."
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanficKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...