Lily POV
Padabog akong pumasok sa entertainment ni William at agad na nag tungo sa sixth floor.
Naglalakad ako sa hallway patungo sa office ni William ng maka salubong ko ang isang lalaking padabog na lumabas ng office ni William.
Natigilan siya sa paglalakad at tinignan ako sandali.
Bahagya siyang napa iling at nilagpasan rin ako.
Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko si William na naka upo sa swivel chair niya habang may iniisip.
"William, can we talk?" Pamungad ko kaya napatayo siya at nilapitan ako.
Bigla nalang namuo ang mga luha sa mata ko sa hindi malamang dahilan.
"Ano to?!" Singhal ko sakanya sabay tapon ng papel sakanya na nag papatunay na siya ang bumili ng lupa na tinitirhan nina nanay Marta.
"Anong ibig sabihin niyan William?" Mangiyak-ngiyak kong tanong sakanya ngunit pinulot niya lang ang papel at tinignan ito.
"Akala ko okay na tayo? Galit ka parin sakin, don't you?"
Tinignan niya ako sa mga mata kasabay ng pag tulo ng mga luha ko.
"Oo, galit parin ako sayo." Kalmado niyang sagot kaya napa punas ako sa mga luha ko na tuloy sa pag agos.
"Inuto lang kita. Nag panggap lang akong mabait sayo, pero ang totoo, galit parin ako sayo!" Singhal niya at mas nilapitan pa ako.
"Galit na galit parin ako SAYO!" Tulak niya sakin dahilan para mapa sandal ako sa pader.
"Kung ganu'n, bakit kailangan mo silang idamay? Those innocent people William!" Singhal ko sakanya.
Napa suntok siya sa pader na sinasandalan ko dahilan para mapa pikit ako ng mariin.
"Kasi kailangan ko sila sa plano ko! Nadamay lang sila Lily!"
"Pero utang mo sa kanila ang buhay mo William!" Singhal ko sakanya.
"Alam mo? Hindi ko alam kung anong kasalanan ang nagawa ko sayo para ganituhin mo ko. Hindi ko hinihingi sayo na maging mabait ka sakin. Ibalik mo lang ang lupa nila, yu'n lang."
Napa ngisi naman siya ng sarkastiko sa sinabi ko.
"Ano ka? Joke?" Natatawa niyang tanong at dumistansya sakin.
"William." Umiiyak kong hawak sa kamay niya.
"Nag mamakaawa ako sayo. Huwag mo na silang idamay." Pag mamakaawa ko sakanya kaya seryoso niya akong tinitigan.
"Ibalik mo na yung lupa. Humanap ka nalang ng ibang lupa." Humahagulgol kong sabi sakanya.
Hindi siya kumibo, sa halip ay winasli niya ang kamay ko dahilan para matumba ako.
"Ang isang katulad mo, hindi dapat kinakaawaan." Mariin niyang sabi kaya napa kunot noo naman ako at napatayo.
"Ano ba talaga ang kasalanan ko sayo William!? Bakit mo ko ginaganito?! Sabihin mo!" Sigaw ko sakanya.
"Gusto mong malaman?" Kalmado niyang tanong.
"Gusto mo talagang malaman huh!? Tignan mo ya'n!" Turo niya sa naka talikod na picture frame sa desk niya.
Nagsimulang tumulo na naman ang mga bwiset kong luha.
"Tignan mo!!" Sigaw niya dahilan para magulat ako.
Napatingin ako sa desk niya kung sa'n naka lagay ang picture frame at dahan-dahan akong nag lakad papalapit dito.
Nag dadalawang isip kong kinuha ang picture frame at napa awang nalang ang mga labi ko at napa hagulgol nalang ako sa nakita ko. Nanginginig ang mga kamay ko at naninikip ang dibdib ko sa sakit.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
Fiksi PenggemarKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...