Chapter 21

42 2 1
                                    

***

Malayo palang ang sasakyan sa entrance ng St. Ives company ay sinalubong na agad ng napaka raming reporters at mga fans ang sasakyan na sinasakyan ko kasama sina Cristy at manager Dee.

"Si miss Lily!"

"Miss Lily!!"

Rinig ko ang pag tawag nila mula sa labas ng sasakyan.

Nang huminto na ang sasakyan sa harap ng entrance ng company ay pinag buksan kami ng isang security ng pinto ng sasakyan.

Napangiti naman ako ng makababa ako ng sasakyan kasabay ng pag lapit ng mga reporters ngunit hinarangan sila ng mga security upang hindi sila makalapit sakin.

"Miss Lily, pwede po ba kaming mag tanong ng ilang katanungan?" Tanong nung isang reporter.

"Pwede kayong mag tanong ng tatlong tanong lang dahil nag mamadali kami." Sagot naman sa kanila ni manager Dee.

"Miss Lily, ano po ang nararamdaman niyo dahil kayo po ang kauna-unahang pilipina actress ang kinuha ng St.Ives incorporated upang mag endorse ng bago nilang labas na sabon?" Tapat ng isang reporter ng mic sakin.

Napangiti naman ako bago sinagot ang tanong.

"Actually, sobrang saya ko nung nalaman ko na ako ang kinuha nila bilang endorser ng bago nilang soap. Talagang tinitingala ko ang mga tao na parte ng St.Ives incorporated." Sagot ko.

"How about po sa new movie niyo? Ano pong masasabi niyo?"

"Abangan niyo nalang po yung bago naming movie, makakasama ko po diyan sina Bryan Khon and Chloe Chen, directed by Mr.William Kim, at siya rin po yung nag sulat. Sana po magustuhan niyo yu'n." Nakangiti kong sagot.

"May balak pa po ba kayong bumalik ng korea after po ng mga nangyari o dumating na blessings sa inyo dito?" Tanong nung isang reporter kaya napa isip naman ako bago ito sagutin.

"Let's see." Natatawa kong sagot dahilan para mapatawa rin sila.

"Miss Li--"

"Diyan nalang muna po. We have to go now." Harang naman ni manager at tumuloy na kami sa loob ng company.

"Grabe, akalain mo yu'n Lily? Sinundan ka talaga nila dito para lang sa isang interview? Iba talaga."

Natawa naman ako sa sinabi ni Cristy.

"Natural, artista ako, kahit sino naman." Natatawa kong sagot sakanya.

"Halina nga kayo. Baka ma late pa tayo." Aya samin ni manager kaya nag lakad na kami patungong elevator.

Natigilan nalang kami ng bumukas ang elevator at si Chloe at ang assistant niya ang sumalubong samin.

Kita ko ang ngiting ahas niya kasabay ng pag labas nila sa elevator.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryoso kong tanong sakanya kaya kita kong napangisi siya.

"I am supposed to ask you that Lily. Ano nga ba ang ginagawa mo dito?"

Sarkastiko naman akong napangisi sa tanong niya.

"Hindi mo ba alam? Wala ba kayong t.v?" Tanong ko pabalik sakanya.

"Ako ang endorser ng St.Ives soap." Dugtong ko kaya napahalakhak sila ng assistant niya.

"Are you dreaming Lily? Wake up, ako kaya ang endorser nila." Natatawa niyang sabi kaya napatawa naman ako.

Sobra talagang mangarap ang babaeng to.

"Still can't believe?" Tanong niya kaya napataas ang isa kong kilay.

To Love Again (Fanfiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now