Chapter 37

48 3 0
                                    

Third Person POV

Mag uumaga na ng maka uwi sina Ashton, Bryan at Jimin sa condo. Nakatakas ang mga pinupuntirya nilang tao at sinubukan rin nilang hanapin sina William at Lily sa kagubatan pero mag uumaga na hindi parin nila nahahanap kaya nag pasya silang umuwi muna at ibalita kina manager Dee at Cristy ang nangyari.

Nang marating nila ang condo ay nag tungo na sila sa sixth floor at dumiretso sa unit ni Lily kung saan sila laging nag uusap-usap.

"Ano ng balita?" Salubong sa kanila ni manager Dee ngunit nag katinginan lang sila ng malamang hindi natulog ang dalawa sa kakahintay.

"Bakit gising kayo? Sana natulog muna kayo." Tugon sa kanila ni Bryan tsaka tumuloy sa loob.

"Nag aalala kami sa inyo. Si William?" Kinakabahang tanong ni manager Dee dahil alam nito sa sarili na may nangyaring masama dahil tila inabot ang tatlo ng umaga sa labas at hindi pa nila kasama si William.

Napayuko ang tatlo bago sumagot si Ashton.

"Nakita namin si Lily."

Bakas sa mukha ni Cristy at manager Dee ang gulat.

"Sa'n na siya? Ligtas lang ba siya? Okay lang ba siya? Bakit hindi niyo kasama?" Sunod-sunod na tanong ni Cristy.

"Nagkagulo sa palengke dahil dumating yung mga taong humahanap kay Lily." Paliwanag naman ni Jimin kaya napabuntong hininga nalang sila at tila dismaya sa narinig.

"Tinakas siya ni William pero akala ko dadalhin niya sa kotse. Tumakas ulit silang dalawa at hindi natin alam kung na'san sila ngayon!" Inis na tugon ni Jimin at napa hampas nalang sa pader.

"Pakiramdam ko si William talaga ang pahamak kay Lily eh! Kung dumiretso sila dito, eh di sana, kasama na natin ngayon si Lily at natitiyak na ligtas!" Dugtong nito kaya nag katinginan ang apat.

"Di ba nga dapat mag pasalamat pa tayo kay William dahil tumutulong siya?" Tugon naman ni Bryan.

"Pasalamat? Bakit? Dahil du'n sa kasalanang binibintang niya kay Lily na hindi naman ginusto ni Lily?" Singhal naman sakanya ni Jimin pabalik kaya napatayo nalang sina Cristy ng maramdaman ang galit sa dalawang panig.

"Oo nagkasala si William kay Lily! Pero nag babago na nga siya at gusto niya tayong tulungan!" Pasugod namang sigaw ni Bryan ng harangan siya ni Cristy at pagitnaan ni Ashton.

"Tumigil na nga kayo! Nawawala na nga sila, dumadagdag pa kayo!" Singhal sa kanila ni manager at nag tungo sa terrace.







Lily POV

Nagising nalang ako dahil sa ingay ng mantikang pinriptituhan ng kung ano ang narinig ko.

Napatingin ako sa kumot na nakabalot sa katawan ko habang wala akong saplot na suot. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Hindi pala ako nananaginip. Totoo pala talaga ang mga nangyari.

Naka kumot akong bumangon at pinulot ang mga damit ko sa sahig tsaka ko ito sinuot. Nang matapos akong mag bihis ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina kung saan ko nadatnan si William na nag luluto habang walang damit pang itaas at may panyong naka tali sa kaliwang braso niya malapit sa baga niya kung saan siya tinamaan kahapon.

Kumuha siya ng pinggan at dinala ang niluto niya sa lamesa tsaka niya ako nakita. Tinitigan niya ako sandali at napa iwas naman ako ng tingin.

Bakit ang tanga ko para patulan siya kagabi? Dapat nilabanan ko ang nararamdaman ko! Dapat tinulak ko siya palayo, hindi tumugon! Nakakadiri ka Lily! Pumatol ka sa boyfriend ng kapatid mo!

Pakiramdam ko, ang sama-sama ko para mangyari ang bagay nayu'n. Arghh!!

"Have a seat." Tugon niya na ngayon ay naka upo na sa hapag kainan. Dahan-dahan akong napa upo at pilit iniiwasan ang mapatingin o mapadikit sakanya.

"I'm sorry about last nigh--"

"You don't have to." Putol ko sa sasabihin niya habang nakatingin sa labas.

"Hindi ko sinasadya ang nangyari kagabi."

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Tama siya, hindi niya yu'n sinasadya kaya pakiramdam ko, ako talaga ang may kasalanan.

"Yeah, pareho tayong hindi sinasadya ang mga nangyari kagabi." Pag sang ayon ko kahit naman na ginusto ko yu'n dahil mahal ko na siya.

Napangiti nalang ako sakanya ng magkaroon ng konting katahimikan sa pagitan namin.

"Let's eat?" Nakangiti kong tanong kaya napangiti rin siya at sinimulan na naming kumain.

Mag papanggap nalang ako na hindi ako naapektuhan sa lahat para maging maayos parin ang pag sasama namin.

A/N: Nagustuhan niyo ba yung mga nag daang chapter? Maiksi lang itong chapter na'to dahil hindi ko na alam ang idadagdag ko! Sasabog na ulo ko HAHAHA lol.
Sana nagustuhan niyo kahit papaano.:}

To Love Again (Fanfiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now