>>>
Lily POV
Kinuha ko na ang bulaklak at ang susi ng sasakyan ko at akmang lalabas ng unit ko nang may tumawag sakin.
"Li, sa'n ka pupunta?" Tanong ni Cristy habang nag lalagay ng mga pagkain sa lamesa.
"You're here?" Takang tanong ko sakanya.
"Yeah, pumasok ako kanina dito para sabayan kang kumain."
"Ganu'n ba? Pero dadalawin ko pa si ate eh." Tugon ko naman sakanya.
"Ganu'n ba? Sasamahan nalang kita." Alok niya sabay hubad ng apron na suot niya.
"Hindi na Cristy. Gusto kong mapag isa."
"P'Pero---"
"Please Cris?"
Nagdadalawang isip niya naman akong tinignan.
"Sige na nga. Mag iingat ka huh?" Tugon niya kaya bahagya akong napangiti.
"Nga pala, bilisan mo diyan at baka malaman ni manager Dee na nandito ka, puputok na naman yu'n." Natatawa kong sabi kay Cristy kaya napatawa rin siya.
"Arraseo." Tugon niya tsaka na ako lumabas ng tuluyan.
Nang marating ko ang sasakyan ko ay agad ko itong pinaandar at umalis na.
William POV
"Sa'n naman kaya siya pupunta at mag isa lang siya?" Tanong ko nalang sa kawalan habang nakatingin sa papalayo niyang sasakyan.
Agad akong sumakay ulit ng sasakyan ko at sinundan ang sasakyan ni Lily.
Mga ilang minuto lang ay tumigil na ang sasakyan ni Lily at ganu'n din ako.
Napatingin ako sa paligid at nandito kami sa sementeryo.
Ibig sabihin dadalawin niya si Scarlet ngayon.
Nakita kong bumaba na ng sasakyan si Lily dala ang isang bulaklak.
Bumaba rin ako ng sasakyan ko at nag tago lang sa isang puno upang pag masdan siya.
Lily POV
Napa upo ako sa damuhan sa harap ng puntod ni ate at bahagyang napangiti.
"It's been a long time." Tugon ko habang naka tingin sa puntod niya.
"Jal jinaeseyo?"(Kamusta ka na?) Tanong ko nalang at mapait na napangiti.
"Ako kasi hindi okay."
Napa yuko nalang ako ng maramdaman ko ang mga luha kong pabagsak.
"Jeongmal bogo ssipeoyo."(I really miss you)
"Jeongmal bogo ssipeoyo." Humahagulgol ko nang sabi.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...