Chapter 18

38 2 0
                                    

>>>

Lily POV

"Iba talaga kanina ang interview sayo. I LOVE it." Natatawang sabi ni Cristy kaya napatawa narin ako ng bahagya habang inaayos ang make up ko para sa next scene.

"Akalain mo yu'n? Pag dating mo pa lang sa set sinalubong ka na agad ng maraming reporters para lang alamin ang tungkol sa bago mong advertisement." Dugtong niya.

"Nagulat nga ako eh." Tugon ko sakanya.

"Huwag kang mag alala Lily. Hindi sa lahat ng oras na sa ibabaw ka. I will bring you down, tandaan mo ya'n. Inagaw mo sakin ang pwesto ko kaya babawiin ko rin ya'n sayo." Singit ni Chloe kasama ang assistant niya.

"Alam mo Chloe? Hindi ka naman mapapa ibabaw kung ganyan ang ugali mo." Tugon ko sakanya.

"Talaga lang?" Mariin niyang tanong at mas nilapitan pa ako.

"Sisirain kita Lily, hindi lang sa buong Pilipinas, kundi sa buong mundo." Pag babanta niya at nilagpasan na kami ni Cristy.

"Problema nu'n?" Tugon naman ni Cristy.

Akala niya siguro makukuha niya ang lahat.

Hindi ako mag papatalo sayo Chloe!

"Don't mind her." Tugon ko nalang kay Cristy at nagtungo na sa set.

"Are you ready guys?" Tanong samin ni William kaya napatango kami.

"Bryan, usog ka konti." Tugon ni William kay Bryan na nasa bandang likuran ko.

"Alright, and take 1! ACTION!" Sigaw ni William.

"Ito ba ang pinag palit mo sakin Paul?" Singhal ni Chloe kay Bryan.

"Pwede ba Hannah? Tigilan mo na kami. Mahal ko si Reign." Tugon sakanya ni Bryan at hinawakan ako sa isang kamay.

"Hannah, hindi ko siya inagaw sayo." Hawak ko sa isang kamay ni Chloe kaya tinulak niya ako at pinag sasampal.

"Sinungaling ka!" Sigaw niya habang tuloy parin sa pag sampal sakin.

"CUT!" Sigaw ni William at akmang sasampal pa si Chloe nang saluhin ko ito at itulak siya palayo.

"Itulak siya kay Bryan ang usapan Chloe, hindi pag sasampalin!" Sigaw ni William sa malayo.

"A'Ahm, pasensya na. Nakalimutan ko kasi." Pa inosente niyang sagot kaya patago akong napa irap.

"From the top." Tugon ni William kaya inayos ko na ang sarili ko at bumalik na kami sa posisyon.

"Mapapahiya ka ngayon Lily." Nakangising bulong ni Chloe kaya napa kunot noo ako.

Anong mapapahiya?

"Take Two! ACTION!"

"Ito ba ang pinag palit mo sakin Paul?" Singhal ni Chloe kay Bryan.

"Pwede ba Hannah? Tigilan mo na kami. Mahal ko si Reign." Tugon naman sakanya ni Bryan at hinawakan ako sa isang kamay.

"Hannah, hindi ko siya inagaw sayo." Hawak ko sa isang kamay ni Chloe kaya tinulak niya ako nang bigla nalang akong natisod sa isang tali ngunit bigla akong hinila ni Bryan nang biglang bumuhos ang isang pintura.

Napatingin ako kay Chloe na puno ng takot ang mukha.

"CUT!" Sigaw ni William at nilapitan kami ng mga staff.

Ano to? Bakit may pintura? Kasama ba to sa script?

"Sino nag lagay nito dito!?" Inis na tanong ni William.

To Love Again (Fanfiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now