>>>
Lily POV
"Lily, uwi na tayo." Aya ni Cristy kaya napatingin ako sa kanila at bahagyang ngumiti.
"Mauna na kayo. Susunod ako." Tugon ko sa kanila.
"Sigurado ka?" Tanong niya kaya napatango ako.
"Pakihatid nalang sa sakayan ng bus sina nay Marta." Bilin ko sakanya.
"Lily, ang bilin ko sayo." Tugon naman ni nay Marta at niyakap ako kaya napangiti naman ako.
"Opo, mag iingat kayo." Tugon ko sa kanila kaya napatango sila at lumakad na paalis.
Napatingin ulit ako sa puntod ni mommy at napatingin rin sa puntod ni ate.
"Ang daya niyong dalawa, iniwan niyo ko dito nang nag iisa." Mangiyak-ngiyak ko na namang tugon.
"Pero siguro, this is the best way para makapag spend kayong dalawa together." Dugtong ko.
"Ma mi-miss ko kayong dalawa. Mahal na mahal ko kayo." Tugon ko at pinunasan na ang mga luha sa pisngi ko.
"I have to go now." Paalam ko at lumakad na paalis.
Napatingin ako sa paligid at walang katao-tao.
Nang marating ko ang sasakyan ko ay kinuha ko ang susi sa bag ko at akmang bubuksan ang pinto nito ng may humawak sa braso ko kaya gulat akong napatingin dito.
Agad kong kinuha ang braso ko nang makita ko si William.
"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ko sakanya.
"Pinag mamasdan kang nahihirapan at nasasaktan." Tugon niya kaya sarkastiko akong napangisi.
Iba talaga siya! Iba siya sa William na nakilala ko noon na may puso kahit mapag panggap lang.
Hindi ko na lang siya pinansin at sa halip ay binuksan ulit ang pinto ng sasakyan ko ng bigla niya itong itulak pasara at sinandal ako sa sasakyan na ikinagulat ko.
Akmang kakawala ako sa pagkakasandal ng harangan niya ang bawat side gamit ang mga kamay niya.
Tinitigan niya ako sa mga mata at ganu'n din ang ginawa ko.
"Hindi pa ako tapos sayo." Mariin niyang sabi.
"Yes! Satisfied yourself." Tugon ko nalang sakanya at tinapi ang isa niyang kamay.
Tinulak ko siya palayo at binuksan na ang pinto ng sasakyan ko.
Bago pa man ako makapasok sa loob ay tinignan ko muna siya ulit.
"Gawin mo na lahat ng gusto mong gawin dahil wala ka narin namang makukuha pa sakin. Walang-wala na ako." Tugon ko sakanya at sumakay na ng sasakyan.
Napa hinga nalang ako ng malalim at tinitigan siya mula sa labas ng sasakyan ko.
Bwiset talaga!
Pinaandar ko na ang sasakyan at napatingin nalang ako sa pinto ng front seat ng bumukas ito.
Nanlaki ang mga mata ko ng pumasok si William at nilapit ang mukha sa mukha ko dahilan para mapa sandal ako sa pinto ng sasakyan ko.
"Anong ginagawa mo?" Pilit kong tulak sakanya.
"Bayad na ako sayo kaya umalis ka na!" Singhal ko sakanya.
Kita ko namang sarkastiko siyang napangisi.
"Akala mo ba, pwede na yung sakto lang? Sorry huh? Marumi kasi akong mag laro. Gusto ko kasi yung exaggerated." Bulong niya sa tenga ko at bahagya nang lumayo kasabay ng pagsuot niya ng seatbelt sa katawan ko.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...