Cristy POV
"Bryan, pansinin mo na kasi ako. Promise, hindi na kita pababayaan. Hmm?" Pag papacute ko sakanya habang siya naman busy sa panonood ng NBA at hindi manlang ako magawang tignan sa mga mata.
"Jagi! Jagi! Jagi!" Pangungulit ko pero umaakto parin siya na hindi niya ako nakikita. Ganito na ba kalala ang kasalanan ko sakanya at ginaganito niya ako?
"Baby? Babe? Love? Mahal? Moo? Boo? By? Sweetie?"
"Aishh! Pansinin mo naman ako!" Singhal ko sakanya kaya napatingin naman siya sakin.
"What?" Walang emosyon niyang tanong.
Wow! Yu'n lang yu'n!? Eh halos kanina pa ako dito nag sasayang ng laway.
"Bahala ka sa buhay mo!" Tapon ko sakanya ng unan at lumabas ng unit niya. Nakakabwiset talaga! Pakiramdam ko hindi niya na ako mahal. Kasalanan ko naman talaga eh. Aishh! Naman eh!
Padabog akong pumasok sa unit ni Lily at natigilan nalang ako sa nadatnan ko.
"L'Lily, a'ano ya'n?" Tanong ko sabay turo sa pagkaing kinakain niya.
Para siyang bata na hindi nakakain sa loob ng tatlong buwan.
"Ano ka ba? Ang sarap kaya nito." Confident niyang sagot kaya nandidiri ko siyang tinignan at tinabihan. Pa'no naging masarap ang pagkaing ganyan? Sa pagkakaalam ko, mga ethnic people lang ang kumakain niyan. Tsaka, hindi kaya siya kumakain ng ganyan.
Kinuha ko nalang ang phone ko at nag tungo sa twitter. Hayst! Natigilan ako sa ikatlong trending na hashtag. #ChloeMin
Teka---Pinindot ko ang hashtag nayu'n at iba't ibang picture nina Chloe at Jimin na na-capture ng mga fans at dating sila? So kalat na sa lahat na nag de-date sila? Mabuti pa sila. Both artist, both rich, both famous.
"Wait lang, kukuha lang ako ng tubig." Paalam ni Lily kaya napatango lang ako sakanya.
Ba't kaya hindi parin nag te-text ang mokong nayu'n? Kahit message manlang wala. Uupakan ko talaga ang actor na'to eh.
*Boogsh*
Nanlalaki ang mga mata akong natigilan at agad na nag tungo sa kusina dahil sa ingay.
"Lily?" Alala kong tawag at nadatnan ko nalang siyang walang malay sa sahig.
"Li?" Gising ko sakanya.
"Lily, wake up!"
Anong nangyari sakanya? Bakit nalang siya nag collapsed? Sa'n na kaya si manager? Hayst! Ano bang nangyayari?
Patakbo kong kinuha ang phone ko at agad na dinial ang number ni manager.
Lily POV
DAHAN-DAHAN kong dinilat ang mga mata ko at napatingin sa right side ng hinihigaan ko. Bahagya naman akong napangiti ng sumalubong sakin ang mga expression less nilang mga mukha.
"Kamusta ka na?" Seryosong tanong ni manager.
"Okay na ako. Pwede na ba tayong lumabas?"
"Kailangan mong mag pahinga." Tugon naman ni Cristy.
"Bakit? Okay naman na ako ah. Ano ba ang sabi ng doctor?" Tanong ko sa kanila at sumandal sa head border ng higaan ko. Nagkatinginan sila sandali bago ako sagutin.
"Dahil makakasama sa inyo ang masyadong pagod at stress." Tugon ni Cristy kaya napa kunot noo ako.
Napatingin ako kay Chloe at bahagya lang siyang ngumiti at tumango.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...