>>>
Cristy POV
Nang magising ako ay nagtungo agad ako sa banyo ng maramdaman kong masusuka na ako. Nang makarating ako sa banyo ay napahawak nalang ako sa ulo ko.
Nasobrahan ata ako sa alak kagabi. Grabe, nakaka enjoy pero ang sakit rin sa sikmura.
Si Lily kaya? Kamusta? Baka masakit rin ang ulo niya dahil sa hangover.
Naisapan kong mag timpla ng mainit na gatas para kay Lily at agad itong dinala sa unit niya.
"Lily? Unnie?" Tawag ko sakanya pero walang sumasagot.
Nilapag ko ang gatas sa lamesa at nag tungo sa kusina upang ipag handa siya ng breakfast.
"Lily?" Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Bryan.
"Cristy? Okay ka na? Masakit parin ba ang ulo mo?" Tanong ni Bryan ng makalapit siya sakin.
"Okay na ako, medyo masakit nalang." Tugon ko sabay kuha ng pinggan.
"Ako na diyan. Mag pahinga ka nalang o puntahan mo si Lily. Ipagluluto ko kayo ng breakfast." Nakangiti niyang sabi sabay kuha ng pinggan na hawak ko kaya bahagya akong napangiti at napatango.
"Hey! Si Lily?" Tanong naman ni Jimin na kapapasok lang kasama si manager Dee.
"Mukhang tulog pa." Nakangiti kong sagot.
"Ganu'n ba? Mukhang napagod kagabi huh." Tugon nanan ni manager.
"Tignan ko lang siya huh." Tugon ko sa kanila at naglakad na ako papunta sa kwarto ni Lily.
"Lily?" Nakangiti kong tawag at nagtungo sa higaan niya.
Natigilan nalang ako ng makapa kong makapal na kumot nalang ang nasa higaan.
Sa'n naman siya nag punta?
"Manager Dee." Tawag ko.
"Bakit Cris---ASA'N SI LILY!?" Gulat na tanong ni manager Dee.
"Masyado pa tong maaga para mag ikot-ikot siya." Tugon naman ni Bryan.
"Wala ang mga bag niya." Tugon naman ni Jimin kaya napatingin kami sa lamesa at wala nga du'n.
Nag tungo ako sa walk in closet niya at wala na ang mga damit niya. Nagsimula ng mamuo ang mga luha ko.
Umalis ba siya? Hindi pwede.
"Manager, wala na ang mga damit niya." Mangiyak-ngiyak kong tugon.
"Sa'n naman siya nag punta?" Alalang tanong ni manager.
Natigilan ako ng may makita akong isang sulat sa upuan, sa isang sulok. Kinuha ko ito at naupo sa kama.
"Dear my heroes,
I'm sorry kung pinag alala ko kayo ngayon at noon. Nakakatawang isipin na simula nung una pa lang, lagi niyo na akong binabantayan na parang bata. I also want to become independent."
Tumulo nalang ang mga luha ko sa nabasa at ganu'n din si manager Dee.
"Ayokong mag alala kayo kaya ako sumulat. Umalis ako hindi dahil ayoko na, napagod lang ako ng konti. Huwag kayong mag alala, nasa ligtas na lugar ako ngayon. Sa lugar kung sa'n kaya kong maging masaya, maging malaya at mamuhay ng normal. Ayokong pati kayo nadadamay pa sa problema ko. Malaki ang utang na loob ko sa inyong apat, at hindi ko pa yu'n nababayaran. Babalik ako sa tamang panahon at babawi ako. Nag enjoy ako yesterday. Mahal ko kayo, mwahh.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...