Chapter 17

44 2 0
                                    

>>>

Lily POV

"Anong oras nga pala ang taping mamaya?" Tanong ko kay Cristy habang nakatingin sa isang magazine.

"Wala ka kayang taping mamaya. Akala ko aware ka na?" Nagtataka niyang tanong kaya napa kunot noo akong napatingin sakanya.

"Bakit? Anong nangyari?" Taka kong tanong kaya napangisi naman siya.

"Nakalimutan mo na ba? It's holiday. Mother's day ngayon kaya free ka." Nakangiti niyang tugon kaya napa kulampag ako at napa tungo sa calendar.

Napatapal nalang ako sa noo ng makita kong mother's day nga ngayon.

"Nakalimutan ko na mother's day pala ngayon." Alala kong tugon kay Cristy.

"Cristy, i have to go, and you too. Puntahan mo si tita. For sure miss ka na nu'n." Tugon ko kay Cristy kaya masigla siyang napatayo.

"Really, really?" Excited niyang sabi kaya napatawa nalang ako.

"Oo nga, and please tell her, happy mother's day." Tugon ko sakanya.

"Yeah, pakibati narin ako ng happy mother's day kay tita huh?" Pahabol niya bago lumabas ng unit ko.

"I will." Sagot ko nalang at kinuha na ang susi ng sasakyan ko na naka patong sa lamesa.

Bumaba na ako ng condo unit ko at dumiretso sa sasakyan ko.

Nang makasakay ako ay agad ko itong pinaharurot paalis.

Marami pa pala akong daraanan.

Nag tungo muna ako sa isang flower shop at bumili ng dalawang bouquet.

Matapos ako du'n ay dumiretso naman ako sa bilihan ng cake at bumili din ng dalawa.

Nagtungo na ako sa bahay namin dala-dala ang mga pinamili ko.

Nang marating ko ang bahay ay nag doorbell muna ako at agad din naman itong binuksan ni Mommy kaya napangiti nalang ako.

"Happy mother's day mom!" Nakangiti kong bati sakanya kaya napangiti rin siya at niyakap ako.

"Thanks anak." Nakangiti niyang tugon sabay kalas sa pag kakayakap.

Napatungo ulit ako sa sasakyan ko at kinuha ang isang bouquet at cake.

"For you Mom, happy mother's day ulit." Abot ko sakanya ng flowers.

"Oh, thank you sweetie."

"Let's go inside." Aya ko sakanya sa loob kaya nag tungo na kami roon.

Naupo kami sa couch at nilagay niya ang bouquet sa isa pang........bouquet?

"Mom, kanino galing ya'n? Akala ko ako lang ang may fans." Natatawa kong sabi kay Mommy.

"Yu'n na nga anak, i was wondering kung kanino galing to kaninang umaga. Dineliver lang kasi to kanina at may sulat lang na naka lagay, happy mother's day."

Napataas naman ang isa kong kilay sa sinabi ni Mom.

Kanino naman galing ang bulaklak na'to?

Baka sa mga fans ko lang o isa sa mga fanclub ko. Well, siguro nga.

"Happy mothers day nga pala Mom sabi ni Cristy." Tugon ko kay Mommy kaya napangiti siya.

"Pakisabi thank you." Tugon niya.

"I will."

Napatayo ako at dinala ang cake sa kusina upang hiwain ito at dinalhan ko si Mom sa salah ng isang platito.

To Love Again (Fanfiction) COMPLETEDWhere stories live. Discover now