Three months after....
Sobrang saya ko ngayon, sa sobrang saya ko, pakiramdam ko ako na ang pinaka masayang babae sa buong mundo. Yung pinlano namin nina manager noon na kapag lumaki na ang tiyan ko mag iibang bansa muna ako hanggang sa mapanganak ang anak namin ni William, hindi na natuloy. Si William mismo ang nag pasya na sabihin sa lahat ng tao na ikakasal na kami at may anak na kami. Four months and three weeks na akong buntis kaya medyo malaki na talaga ang tiyan ko. Yung ine-expect ko na e ba-bash kami ng mga tao ay nag kamali ako. Natuwa sila at masaya sila para samin, pero siyempre, hindi talaga maiiwasan ang ibang mga bashers.
Masaya at kuntento na ako kung ano ang meron ako ngayon.
Nag leave muna ako sa pagiging artista as what William pleased to me. Gusto niya akong mag pahinga kaya anong magagawa ko?
Si Cristy? Well, hindi ko na siya magiging assistant kapag bumalik na ako sa pagiging artista. Pero kaibigan ko siya at masaya ako du'n.
Katulad naman namin ni William, alam narin ng publiko ang tungkol kina Chloe at Jimin. Well, marami ring nag chi-cheer sa kanila.
"Andito na tayo. Let's go?" Aya ni William ng marating namin ang sementeryo. Napangiti nalang ako at napatango. Nang makababa siya ng sasakyan ay umikot siya sa kabila at pinag buksan ako ng pinto tsaka ako inalalayang makalabas ng sasakyan.
Nag lakad na kami patungo sa puntod nina mommy at ate.
"Magandang hapon po ma, and Scarlet." Bati ni William kaya napangiti nalang ako habang pinag mamasdan siyang nag sisindi ng dalawang kandila.
"Nandito na naman kami para bisitahin kayo. Hindi na po kami mag tatagal dahil may dadalawin rin kami." Dugtong niya.
"Oo nga mom tsaka ate. Babalik nalang ulit kami sa susunod." Tugon ko rin at napangiti naman sakin si William.
"Pregnancy update. Four months and three weeks na siyang buntis." Hawak ni William sa tiyan ko kaya napangiti ako sakanya.
"Four months and one week nalang ang hihintayin natin at isisilang na ang makulit na batang laging sumisipa sa tiyan ng mommy niya." Dugtong ni William kaya napangisi naman ako.
"Aya'n nga. Sumipa siya." Saad ko naman.
"Oo nga. Naramdaman ko." Tugon ni William habang nakahawak parin sa tiyan ko.
"Narinig niya kasi ang sinabi mo." Natatawa ko namang sabi.
"Joke lang yu'n baby. Hindi ka makulit. Very very light lang." Natatawa niyang sabi kaya napatawa narin ako.
"Oh baby, mag ba-bye ka na kay mommy la mo at tita Scarlet." Tugon ni William sa tiyan ko kaya napatawa nalang ako bahagya.
"Say bye bye." Natatawa niyang sabi kaya napailing nalang ako.
"Halika na?" Aya ko sakanya kaya nakangiti siyang napatango at hinawakan ako sa kamay tsaka kami nag lakad pabalik ng sasakyan.
Nagsimula na kaming bumiyahe ulit at this time, papunta kami ng jail. Dadalawin namin si Mr.Salve.
Nang marating namin ang jail ay agad kaming nag tungo sa visitors room. Du'n kami sa VIP room kung saan walang ibang tao sa kwarto kundi kami lang tatlo para mag karoon kami ng time na makapag usap ng mabuti. Naupo kami ni William sa couch at hinintay si Mr.Salve.
"Dala mo ba yung mga pagkain William?" Tanong ko kaya napatango naman siya at pinakita sakin ang dala niyang lunch bags.
"Lily, William."
Napatingin kami kay Mr.Salve na kapapasok lang ng room kaya napangiti kami at sinalubong siya. Niyakap ko siya sandali at ganu'n rin si William.
"Kamusta na po?" Tanong ko sakanya.
"Okay lang ako. Eh kayo?"
"Okay lang rin po kami." Nakangiting sagot ni William tsaka kami naupo sa bakanteng upuan sa harap ng isang lamesa.
"Mr.Salve, dinalan po namin kayo ng mga pagkain para kahit papaano, hindi niyo ma miss ang mga pagkain sa labas." Nakangiti kong sabi at hinanda ang mga pagkain.
"Ano ka ba Lily? Stop calling me Mr.Salve, i want you to call me papa or daddy nalang. Mas prefer ko pa yu'n dahil parang anak narin ang turing ko sayo. After all hindi mo parin ako kinalimutan." Tugon niya kaya napangiti naman ako.
"Well, kung ya'n po ang gusto niyo, sige ba......dad." Natatawa kong sabi kaya napatawa rin sila.
"Ikaw rin William."
"Yes po, dad."
"How about ang magiging apo ko? Kamusta na kaya sa tiyan ng mommy niya?"
"Naku, sobrang takaw." Sagot ni William.
"Slight lang naman." Singit ko.
"Talaga bang yung baby ang matakaw o yung mommy?"
Natawa naman kami sa sinabi ni dad.
"Both ata dad." Saad ni William.
"Grabe kayo samin ni baby huh." Reklamo ko kaya tuloy lang sila sa pag tawa.
"Let's eat?" Aya ko sa kanila kaya napatango naman sila at sinimulan na naming kumain habang nag ku-kwentuhan.
William POV
Matapos kaming dumalaw sa presinto ay dumiretso naman kami sa grocery store upang bumili ng mga pasalubong na dadalhin para sa mga bata at kina aling Marta. Gusto namin silang dalawin ngayon ni Lily.
Nang matapos kaming mamili ay dumiretso na kami sa tabing riles at agad na sinalubong ng mga bata ang sasakyang sinasakyan namin. Pinag buksan nila ng pinto si Lily kaya napatawa nalang kami bahagya.
"Oh, alalayan niyo ng mabuti ang ate Lily niyo at si baby huh?" Nakangisi kong sabi kaya napatango naman sila.
"Sige po kuya William.... Dahan-dahan lang po ate Lily." Alalay nila kay Lily pababa ng sasakyan kaya kinuha ko naman sa backseat ang mga pinamili namin at sumunod na sa kanila.
"Lily, William." Salubong samin ni aling Marta kaya napangiti naman kami at humalik sa pisngi niya.
"Kamusta na kayo? Kamusta ang baby?"
"Okay naman po kami. Ang lala lang mag lihi ni Lily, napaka moody rin po." Naiiling kong sabi kaya napangisi naman bahagya si aling Marta.
"Iba iba kasi ang mga nanay kapag nag bubuntis."
"Ako na nga lang po ang nag aadjust eh. Tsaka si baby, ang likot sa tiyan ng mommy niya." Natatawa ko namang sabi kaya napatungo naman kami kay Lily na nakikipagtawanan sa mga bata.
"So kailan niyo balak mag pakasal?" Tanong naman samin ni aling Marta kaya napatingin ako kay Lily.
"Gusto po namin na bago ako manganak, makapag pakasal na kami."
"Nag pa plano narin po kami tungkol diyan." Tugon ko naman kaya napatango-tango si nay Marta.
"Kumain na ba kayo? Nag luto ako ng hapunan sa loob."
"Kumain na po kami kasama si daddy, pero since niluto niyo, kakain nalang kami ulit." Natatawang sabi ni Lily kaya napangisi nalang ako.
"Ang sabihin mo, matakaw kalang talaga." Pangbabara ko kaya napabusangot naman siya dahilan para yakapin ko siya at halik-halikan sa ulo.
"Biro lang." Saad ko nalang at inalalayan siya patungo sa loob.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...