>>>
William POV
Krinngggg Krinnngggg
Napatingin ako sa phone ko at nakita kong si Ashton ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
"Ano nang balita?" Bungad ko sakanya.
[Nagtungo ako sa mga kalapit na bahay du'n upang tanungin kung may pamilya bang artista ang mga taong nakatira du'n sa riles.].
"Eh anong sabi nila?"
[Sabi nila, wala daw at wala naman silang nakikitang artista na dumadalaw kina aling Marta at sa buong pamilya nito.]
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.
Pero hindi pwede. Anong ginagawa niya araw-araw sa lugar nayu'n? Hindi siya mag sasayang ng oras para lang sa wala.
Agad kong pinatay ang tawag at nag tungo sa sasakyan ko.
Nang makapasok ako sa loob ng sasakyan ko ay kinuha ko agad ang phone ko at dinial ang number ni Bryan.
Mga ilang ring lang at agad niya rin itong sinagot.
"Aalis muna ako ng taping dahil may importante akong aasikasuhin." Tugon ko sakanya.
[Ano? Asa'n ka ngayon? Iiwan mo ang taping?]
"Paalis na ako. Nandiyan naman si Linda." Tugon ko at binaba na ang tawag.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko at agad na nag tungo sa tabing riles.
Pagbaba ko ng sasakyan ay nag tungo ako sa tabing ilog kung saan rinig ko ang tawanan ng mga bata na nag lalaro sa tubig.
Dahan-dahan akong nag lakad kunwari ay patawid ng tulay.
Natigilan ako ng makita kong marupok at maliit ang tulay.
It doesn't matter, hindi naman ako sobrang bigat.
Dahan-dahan akong tumawid sa tulay at tanaw ko ang rumaragasang tubig ng ilog mula sa ilalim.
Napa hinga ako ng malalim habang tuloy sa pag tawid.
Laking gulat ko nang biglang lumusot ang isa kong paa pag hakbang ko dahilan para mahulog ako sa tubig.
"TULONG---" Sigaw ko habang sinusubukan kong lumutang.
"TULON---"
"TULUNGAN NIY----"
"TULONG---"
Dahan-dahan akong nawalan ng malay ng may humawak sa isa kong kamay.
Marta POV
"Inang! Inang! Inang!"
Agad naman akong natigilan sa pag sasampay ng marinig ko ang boses nina Ombok at ng mga bata.
"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko sakanila ng makita ko silang hinihingal.
"Yung gwapong lalaki po na nasa news nung nakaraang gabi at kasama ni ate Lily nung nakaraang araw, muntikan na po siyang malunod." Tugon nila kaya nanlaki naman ang mga mata ko.
"Talaga? Eh asa'n na siya?"
"Nasa tabing ilog po. Sinagip po namin siya dahil hindi siya marunong lumangoy."
Napatingin naman ako sa mga kapatid kong lalaki na natigilan rin sa pag bibisak ng kahoy.
"Puntahan natin." Tugon ko sa kanila at dali-dali kaming nag tungo sa tabing ilog.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...