MAKALIPAS ANG ILANG ARAW......
Bryan POV
"Ikaw talaga ang mahal ko Reign." Tugon ko kasabay ng pag hawak ko sa mag kabilang pisngi ni Lily at dahan-dahang nag lapit ang mukha namin.
"CUT!" Sigaw ni William ng hindi pa nag kakalapit ang mga labi namin ni Lily.
"Break muna. Mamaya nalang ang kissing scene. Pwede naman nating ibahin yung scene." Tugon ni William kaya nag katinginan kaming lahat. Anong problema sa scene nayu'n? Natural naman saming mga artsita yu'n huh?
"Jagi!"
Napatingin ako sa tent namin at bahagyang napailing ng makita ko si Cristy. Naglakad naman siya papalapit sa tinatayuan ko. Desidido talaga siya na bumalik kami sa dati.
Actually, mahal ko parin siya at hindi nayu'n mag babago. Pero ginagawa ko lang to para mapansin niya rin ang halaga ko. Nagtatampo parin kaya ako sakanya after all. Pero wala eh, mahal ko siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya kaya kita kong napa pout siya. Ayokong mag pakita ng pag aalala o pag suyo sakanya.
"Ba't kailangang may kissing scene tong role mo?" Tanong niya kaya sandali ko siyang tinitigan.
"Hindi ako papayag, kahit na si Lily pa ya'n. Ipapa iba ko ang scene kay William. Mag mamakaawa ako sakanya." Saad niya kaya patago akong napangisi.
"Ano bang akala mo? Cristy, artista ako at hindi mawawala sa role ko ang mga ganitong scene."
"Kahit na! Ni hindi mo nga nahalikan ang girlfriend mo kahit isang beses manlang!" Singhal niya sakin habang naka busangot parin.
"Hindi lang ako nag karoon ng thrice kissing scene, marami na akong artistang nahalikan kaya dapat expect ka na du'n dahil artista ang boyfriend mo." Paliwanag ko ngunit hinampas niya lang ako sa kaliwang braso.
"At proud ka pa talaga!?" Singhal niya kaya mukhang pinagkakatinginan na kami ng mga tao sa set.
"Nag seselos ka?" Tanong ko sakanya habang pinipigilan ang hindi matawa.
"Sa tingin mo matutuwa ako!?" Galit niyang tanong kaya bahagya akong napangisi at agad siyang hinawakan sa mag kabilang pisngi at agad na hinalikan sa labi.
"CUT!" Nakangiting sigaw ni William kaya inilayo ko ang mga labi ko sa labi ni Cristy at napatingin sa paligid na ngayon ay fini-film pala nila.
"Nakuha namin ang kissing scene niyong dalawa kaya yu'n nalang ang e a-add namin sa movie since nakatalikod naman si Cristy at hindi siya makikilala. Ang team na ang bahalang mag edit para mag mukhang si Lily siya." Tugon ni William kaya kita kong napangisi sina Chloe at Lily.
Napatingin naman ako kay Cristy na ngayon ay namumula na.
"Ano? Gusto mo pa bang halikan ka ng boyfriend mo?" Nakangisi kong tanong sakanya.
"H'Hindi na. A'Alis muna ko. H'Hintayin nalang kita sa tent." Nauutal niyang sabi at lumakad na paalis. Sumenyas naman sakin si William na 'Okay ba?' kaya natawa nalang ako bahagya at napailing.
Loko-loko talaga.
Lily POV
Pasakay na ako ng sasakyan ko ng may biglang pumigil sa pinto nito at nung tignan ko kung sino ay si William ang nakita ko. Napairap nalang ako at taas kilay siyang tinitigan.
"Ano bang kailangan mo? Di ba sinabi ko na sayong tigilan mo na ako?" Inis kong sabi sakanya at napatingin sa paligid kung may tao, pero wala naman.
"Ito na ang huling mangungulit ka sakin Mr.Kim!"
"Teka nga miss Lily Collins. Hindi mo manlang ba ako tatanungin kung ano ang pakay ko?" Nakangiti niyang tanong kaya natigilan naman ako.
"Pinapatawag ka lang naman ng CEO ng ECS entertainment or should i say, director ng new movie mo." Tugon niya kaya napa buntong hininga nalang ako. Napangiti siya at nilahad ang kamay patungo sa tent niya kaya naiiling nalang akong sumunod.
Nakakainis talaga kapag siya ang kasama ko sa trabaho!
Nang marating namin ang loob ng tent niya ay naupo siya sa swivel chair niya.
"Ano na? Anong kailangan mo?" Diretso kong tanong kaya parang may kinuha siya sa maliit niyang drawer.
"Script mo ya'n for tomorrow." Abot niya sakin ng mahabang papel kaya agad ko itong tinanggap at tumalikod na tsaka akmang lalabas na ng tent ng mag salita siya ulit.
"Meron pa akong ibibigay sayo."
Napairap nalang ako sa kawalan at napailing habang naka talikod parin sakanya.
"Ayaw mo bang malaman kung ano ang hawak ko ngayon?" Pang aasar niya kaya padabog akong napaharap.
"Ano ya'n?" Inis kong tanong habang nakatingin sa isang plastic na hawak niya.
"Niluto ko to kaninang umaga. Oh, kunin mo na. Baka mag bago pa ang isip ko."
Napairap naman ako sa sinabi niya. Nonsense talaga tong lalaking to. Ba't ko kaya minahal to?
"No thanks! Sayo nalang ya'n!" Naka peke kong ngiti at tumalikod na ulit.
"Ayaw mo ng preskang dahon na may malinamnam na sauce?"
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
Omoo! Matagal-tagal narin since last akong nakatikim nu'n. Arghh! I'm craving.
"Still no? Okay. Itatapon ko na la----"
"No!" Putol ko sa sasabihin niya at agad na hinablot ang plastic.
Shit! Ang sarap ng amoy.
Kita kong napangisi siya kaya napaayos naman ako.
"Thank you?" Pang aasar niya kaya napairap nalang ako.
"Thank you mo mukha mo! Dapat mo lang akong bigyan nito kapalit ng pangungulit mo sakin!"
"Kung ganu'n, araw-araw akong mag dadala niyan sayo bilang kabayaran sa pangungulit ko araw-araw." Pang aasar niya kaya napailing nalang ako at tuluyan ng lumabas ng tent niya.
Aishh! Nakakainis ka talaga! Gusto mo talaga akong ma fall sayo huh!? Pasalamat ka dahil paborito ko tong niluto mo.
Hayst! Gusto ko na talaga tong kainin.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...