Lily POV
"Walang hiya talaga yung babaeng yu'n!" Tugon ni Bryan.
"Akalain mo? Ang lakas ng loob na sumugod dito? Kung lalaki lang talaga yu'n--naku, babasagin ko talaga ang mukha niya!" Dugtong niya kaya napa buntong hininga nalang ako.
"Okay ka na ba talaga Lily?" Tanong ni Jimin kaya napatango nalang ako bilang sagot.
Naalala ko na naman ang pag tulong sakin ni William na makatayo kanina.
Nakakainis lang, bakit kailangan ko pa siyang maisip?
"Mabuti nalang dumating si William kanina. Hindi kasi talaga namin kayang pigilan si Chloe kanina eh." Tugon ni Cristy kaya napatingin kaming lahat sakanya dahilan para mapangiti siya bahagya at mapa yuko.
"Bakit ba kasi hindi ka lumaban? Hindi ikaw yu'n eh." Tugon ni Cristy na ikinabaling ko ng tingin sa kawalan.
"Para sa'n pa kung tama naman sila? At talo narin naman ako. Tanggap ko nayu'n at nag papasalamat pa ako sa kanila. Atleast makakaalis na ako sa buhay artista. Pagod narin naman kasi ako eh." Sagot ko nalang.
Pagod na rin kasi ako sa mundong to.
"Pero hindi kami mapapagod na damayan ka." Tugon naman ni manager kaya bahagya akong napangiti at niyakap siya sandali.
"Napag isip-isip ko narin na, since hindi na ako artista, pwede niyo nang gawin ang gusto niyong gawin o humanap ng bagong trabaho, pero masaya ako na naging parte kayo ng buhay ko. Hindi ko yu'n malilimutan." Mangiyak-ngiyak kong tugon sa kanila kaya kita kong nag katinginan sila.
"Lily, hindi lang trabaho ang nag bubuklod satin dito. Pamilya ang turingan natin kaya artista ka man o hindi, hinding-hindi ka namin iiwan." Tugon ni Cristy at niyakap nila akong apat.
"Tama yu'n. Nandito lang kami upang damayan ka at pasayahin ka." Nakangiti namang sagot ni Bryan kaya mariin akong napa pikit at napangiti.
"Gusto ko munang mapag isa. Gusto ko ring mag isip-isip." Tugon ko sa kanila kaya napangiti sila at napatayo.
"Alright, kung ya'n ang gusto mo. But if you need us, tawagan mo lang kami, nasa dining hall lang kami." Tugon ni manager Dee kaya nakangiti akong napatango at lumabas na sila ng unit ko.
Napa buntong hininga nalang ako at nagtungo sa terrace.
Napatingin ako sa isang building at hindi na 'Gorgeous Lily' ang naka lagay sa malaking billboard.
Bahagya akong napangiti at napatingin sa pagabing langit.
I know, this is one of the challenges na kailangan kong lagpasan, but how can i kung maraming pumipigil sakin?
Is this the karma kapalit sa mga nagawa ko noon kay ate? Is it too much para mangyari sakin to?
Do i even deserve of what i am right now? Pakiramdam ko, no. Mas deserve mo tong buhay ko ngayon ate eh. You deserve to live again, to be happy again and to love again.
Cristy POV
"Nakakaawa na talaga si Lily." Tugon ni Bryan sabay inom ng isang basong tubig.
"Oo nga eh. Nakakainis na makitang malungkot at nahihirapan siya." Tugon naman ni Jimin.
Tama sila, hindi naman siguro deserve ni Lily ang ganito ka grabeng karma dahil lang sa mga nagawa niya noon.
"Napa isip ako, hindi matatahimik ang buhay ni Lily kapag alam ng mga reporters ang tinitirhan niya." Tugon naman ni manager Dee.
YOU ARE READING
To Love Again (Fanfiction) COMPLETED
FanfictionKakayanin mo kayang mapatawad pa ang babaeng mismong dahilan nang pagkawala ng mahal mo? Ng kasiyahan mo? Ng mundo mo? Kakayanin mo kayang paniwalaan ang mga taong nag sasabi sayo na patawarin na siya kahit na masakit parin? Kakayanin mo kayang pa...