Zeine povAndito ako ngayon sa opisina while scanning some files mas okay pa ito kaysa makipagkita sa taong wala namang kwenta, pinag-isipan ko na ito kagabi at naisip ko na hinding-hindi ako magpapatalo kay Kelvin. Tinext niya ko na pumunta ako sa restaurant ng 10:00am pero ngayon ay 3:00 pm na at alam kong umuusok na ang ilong nito dahil sa Hindi ko pagsipot bahala siya! Iisip na lang ako ng solusyon kapag naikalat na niya ang record na 'yon.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at mga yapak.
"M-Ma'am andiyan po si MR. Cajes." Natatarantang sabi ng sekretarya ko pero hindi ko inangat ang ulo ko at nagpatuloy lamang sa pagbabasa ng papeles.
"Then tell him I'm busy." Malamig kong saad, saka tinanggal ko ang salamin ko at hinilot ang noo ko, nananakit kasi iyon kaya hindi mapigilan na napapikit ang mga mata ko ngunit sa 'di mawaring dahilan ramdam ko pa rin ang presensya ng tao bwisit na sekretarya.
"I told you to tell him that I'm busy!" Galit na pahayag ko at napadilat na ngunit napaawang ang labi ko nang makita ko ang matiim na titig ni Kelvin. He's glaring at me while my secretary is biting her fingers because of nervousness, I sigh.
Sinenyasan ko ang sekretarya ko na umalis na. Sinunod naman nito iyon narinig ko pa ang pagsara ng pinto bago ko balingan ng tingin ang lalaking nasa harap ko.
"Naligaw ka ata Mr. CAJES?" Nang-uuyam na pahayag ko ngunit parang wala lang na lumapit at umupo ito sa visitor's chair na nakapwesto sa harap ng mesa ko. Ang kapal ng mukha 'di ba? Akalain mo parang hari kung umupo, parang sa kaniyang sa kaniya ang buong lugar.
"Hindi ka pumunta?" Matigas na pahayag nito kaya hindi ko na natiis na umirap rito. Anong ineexpect niya na pupunta ako at magmamakaawa sa kaniya? O 'di kaya sasabihin kong oo payag na 'kong maging slave mo? Wow grabe! Singkapal ng semento ang mukha ng taong ito! Sarap pagsampal-sampalin.
"May usapan ba tayo? Ayy oo nga pala nakalimutan ko blinakmail mo pala ako! Hayy naku nakalimutan ko Mr. CAJES pasensiya na." Kinuha ko ang cellphone ko at kunwaring may tinitingnan.
"Naghintay ako doon! Zeine inakala kong dadating ka!" Sigaw nito at napahampas sa mesa ko. Inis na tiningnan ko ito ng masama.
"Problema ko bang tanga-tanga ka?! Kasalanan ko bang nagpauto ka? Akala mo ba magugustuhan kong makapartner sa kama ang ganiyang kaliit na titi? Napaka-assuming mo naman MR. CAJES." Nakangising tiningnan ko ito pagkatapos ko sabihin ang mga katagang dati ay sinabi rin nito sa'kin. Those words when he insulted me and now siya naman ang nakatikim ng mga salitang 'yon. Siya rin ang nakaramdam kung paano pinaghintay sa wala.
He's gaping at me like a fish lost of oxygen and then his face became stoic wala itong emosyon.
"What the heck! So ito pa rin pala ang rason, you are bitter of what happened in the past and it only means na apektadong-apektado ka pa rin Zeine. Maliit? Then let me fuck you para malaman mo kung paano ka mapapasaya ng sinasabi mong maliit." Ibinaba ko ang phone ko sa mesa saka ngumisi na tiningnan ang gitna nito na para bang iniinsulto ko itong tiningnan
"Hmm paano ba 'yan ayoko talaga na makapasok sa'kin ang ganiyang kaliit na bulate saka Mr. CAJES let's face the reality na I get over you, nagmove on na ako." He smirk saka tumayo.
"Okay kung 'yan ang sabi mo pero dahil sa ginawa mo ngayon sa'kin! You should face my punishment bye for now Faith hintayin mo ang higanti ko. Sinabi ko na sa'y iba ako maging kalaban." Then he walk away habang ako ay naiwan na tinitingnan ang nilabasan nito.
BINABASA MO ANG
Hate Series 3: CARZEINE FAITH
Romance"I made you bitter then I'll be the one to make you sweeter again by making you feel the sweetest pleasure that only me can give. I own you just like you own me." -Kelvin Reed Cajes.. "I hate love because of you! And no one!, even you can make me ch...