Kelvin pov.
Napabitaw ako sa seradura ng pinto at nagsibagsakan ang mga luha sa aking mga mata. Masakit na hindi na ako magawang paniwalaan ni Faith hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko I am lost.
"Ijo ba't ka andiyan akin na nga 'yang hawak mo. Nasa baba ang mga kaibigan mo puntahan mo na lang at naghihintay ang mga ito." Dali-dali kong pinunasan ang aking luha ng marinig ko si manang. Inabot ko rito ang hawak kong tray na malugod nitong kinuha bago ako tinalikuran para umalis doon ko napansin na may kasama pala ito kanina
Si Zyn na nakatingin sa'kin na puno ng kalungkutan. Kagabi nag-usap na rin kami nito. Nagtampo kasi ito nang Hindi ko na ito binisita at ng ibigay ko rito ang reason ko ay agad nitong tinanggap. Lahat naman daw ay may rason. Sana gano'n din si Zeine I want to have her forgiveness but it felt like a star difficult to reach.
"Dad I will go to mom. You should not cry. Be a fighter dad I know she loves you." Ngumiti ito saka nilampasan ako nito at binuksan ang pinto ng kwartong pinanggalingan ko. Sana nga Zyn sana nga mahal niya pa rin ako.
Sana...
I comb my hair with my hand at lumakad pababa mula sa hagdan. Pagdating ko sa sala ay nakita ko nga ang mga kaibigan ko na preteng nakaupo at hinihintay ako. Buti pa sila nakuha na nila ang kapatawaran at ang puso ng mga babaeng mahal nila samatalang ako ang hirap makuha. Si Roux at Gideon kinasal na. Si Kaino ayon nagkakamabutihan na pati si Cane. Ako ito hindi ako makaalis sa zero zone.
"Hey bro! Anyare sa'yo? What's with that ugly face?" Tanong ni Roux hindi ko ito pinansin at napasalampak na lang sa isang upuan wala kasi ako sa mood na makipaglokohan sa kanila. Masyado pang magulo ang utak ko para sabayan ang trip nila.
"Hulaan ko tungkol ba 'yan kay genuis queen na nuknukan ng sama ng ugali at sa sobrang seryoso sa buhay ay hindi na makuhang mag-enjoy so ano bro hindi ka ba binigyan ng isang orgasm?" Sarap talagang sapakin nitong si Gideon walang ibang nasa isip kundi ang kabastusan nito. Oo nga wala akong sex life hindi naman yon importante lalo pa't ang usapan dito ay ang mahal ko na lubhang mas importante kaysa sa anumang bagay.
"Pwede ba kayong dalawa huwag niyong guluhin yang si Kelvin kita n'yo na ngang may pinagdadaanan gaganiyanin n'yo pa. Napasugod kami rito dahil-"
"Sa merienda!" Sigaw ni Gideon at Roux kaya pinagsasapak sila ni Kaino.
"Mga ulol!" Napadaing lang ang dalawa at napanguso mga isip bata talaga.
"So ayun nga napapunta kami rito dahil gusto namin mangrescue ng gagong subsob na subsob na sa problema. We will offer a little help. Just ask and will do it right away para naman hindi ka na hagard pre." Masaya ako dahil madami ang tumutulong sa'kin at pinipilit akong huwag bumitaw. Una ang pamilya ko, si Xyn at ngayon ang mga kaibigan ko. Kung kanina gusto ko sila sapakin ngayon gusto ko silang yakapin.
"Kaya ka hindi sineseryso ni Faith dahil para kang clown. Ano ba 'yang balbas mo ang haba na.Para kang rebelde saka 'yang mata mo mas lulalim na. Shit bawas pogi points 'yan pre. Sabihin mo nga nakakaya mo talagang humarap sa babaeng supladang 'yun ng nakaganiyan? Tsk, Kawawang Kelvin matalino nga tanga-tanga naman sa gawa." Oo na ako na ang tanga. Napahawak ako sa may baba ko at naramdaman ko ang humahaba kong balbas. Did she find me ugly? Kaya ba 'di ito makatingin sa'kin kanina? Ngayon lang ako muling nag-alala sa itsura ko.
"Sarap kang ihulog sa pacific ocean para matauhan kana pre kapag na sa ligawan stage ka pa lang dapat hindi ka hagard tapos dapat parating mabango para naman mapaamo mo 'yung dragonang 'yun naku sa lahat siya ang mahirap pakisamahan at ang mga ganiyang babae na amazona ay syempre titiklop yan kapag sa akto na.. Alam ko yan pre, trust me I am an expert." Wow nagmalaki pa ang ulol. E' sa aming lahat siya ang pinakagago. Oo Tanggap ko na mukha akong hagard pero 'yung mabaho shit pinipigilan ko ang sarili ko na huwag suntukin ito grabe! Kaibigan ko ba ito? Sobra ito kung mang-asar parang bumabawi ito sa ginawa ko noong katatawanan ang situation niya. Karma nga naman ngayon ako naman itong nagpapakahirap. Isa pa sa totoo lang hindi naman masyadong amazona si Faith sa pagkakaalala ko noon she's a sweet girl lalo na kapag ikaw ay isang importanteng tao sa buhay niya, she would do her best to protect you. Gagawin ang lahat para hindi masaktan ang mga ito. That's what she is, nagmumukha lang siyang mataray sapagkat gumagawa siya ng mga bagay para sa kaibigan niya. Saka I deserve this kind of treatment from her. Sinaktan ko ba naman siya. Syempre magagalit 'yon, dalawang beses ko siyang pinagmukhang tanga. Tapos isa pa 'tong si Thunder. Kaya pala gano'n na lang ang galit ni Zeine sa pamilya namin. 'Yon pala may nakatagong madilim na nakaraan. All I've heard was her sister died that day when I first broke her but I didn't know that my cousin was the reasin. Sabay pala kaming naging gago ng pinsan ko noong araw na 'yon.
Kagabi kita ko ang lungkot sa mga mata ni papa sa kaalamang may isang Cajes ang nawala. Na sana ay dagdag ito sa pamilya namin ay hindi nangyari. Nalaman na rin ni tito Raul ang mga nangyari dahil sinabi ni papa. Ang saya nga noong una ni tito dahil may apo na siya pero nang malaman nitong namatay. Ay halos sakluban ng langit at lupa ito. Sobrang galit ang naramdaman nito kay Thunder. Hindi ito makapaniwala na nagawa iyon ng anak niya.
"Nababaliw na ba itong kasama natin? Tingnan mo nga parang nagdra-drama na ang ulol. Hindi na nga ata 'yan nakikinig sa atin tila bang may sariling mundo." Tinapunan ko ng masamang tingin si Gideon kanina pa 'to 'a!
"Hey Gid stop that nagpunta tayo rito para tumulong hindi makipag-asaran hindi na kayo naawa riyan?" Umiling sina Roux at Gideon aba't 'tong dalawa hindi ko na nakayanan at tinapunan ko na ang dalawa ng unan na nasa likod ko. Nakaiwas lang ang dalawa at dumila sa'kin. Mga isip batang kung umakto parang wala pang asawa. Tsk, nakadami na nga sila ng anak tapos ang mga ugali pang grade 1 student.
"Shit boys stop that!" Napatungo kami dahil sumigaw na si Kaino. Nagagalit na si dad! Pero hindi ako papayag na hindi ko nakukuha ang ganti ko sa dalawa kaya pasimple kong itinaas ang kamay ko and I show them my middle finger. And mouthed 'fuck you' ngumisi lang ang dalawa habang si Gideon naman ay bumuo ng maliit na bilog gamit ang daliri and mouthed 'put it in babe'.
"Pwede ba kayong magseryoso kahit ngayon lang. Ikaw Kelvin kailangan mo ba ng tulong o hindi dahil aalis na ako. Tapos pag nagkataon hindi mo 'yan mababawi si Zeine ay huwag na huwag kang tatakbo sa akin at ipapakita 'yang mukha mo!" Natigilan ako at napalunok I look at Kaino alam kong may balak ito kaya naging seryoso na rin ako. I need to this for Faith. Hindi ko man ugali ang humingi ng tulong ay ngayon kakapalan ko na ang mukha ko. I need them.
"Sige Kaino kakapalan ko na ang mukha--"
"Matagal na 'yang makapal." Tawa ng dalawang ugok binalewala ko na lang at tinuon ko ang atensiyon ko kay Kaino.
"I need your help hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto kong mapatawad niya na ako." Ngumisi si Kaino para itong halimaw na may binabalak na masama pero kahit gano'n ito ay ito pa rin ang tumatayong kuya namin saka sa amin lang niya nagagawa 'to sapagkat tiklop naman ito sa reyna nitong kasing lamig ng yelo
"Okay ready yourselves guys. We have a mission." Napangiti kaming lahat.
"Pero bago ang lahat pwede magmerienda muna tayo?" Sabi ni Gideon na kinatawa namin baliw talaga kahit kailan. Kinukunsinti rin kasi ng baliw na asawa nito kaya ayan mas lumalala.
😍😘😘😘😚😚😚😚😍😗😙😁😁😍😉
Join force na ang mga pre! Ano kaya plano ng mga ulol?
BINABASA MO ANG
Hate Series 3: CARZEINE FAITH
Romance"I made you bitter then I'll be the one to make you sweeter again by making you feel the sweetest pleasure that only me can give. I own you just like you own me." -Kelvin Reed Cajes.. "I hate love because of you! And no one!, even you can make me ch...