3 the past

11.6K 293 11
                                    

Zeine pov

"Faith," Natulos ako sa aking kinauupuan nang biglang may sumulpot na rosas sa aking harapan ng tingnan ko ang taong nagbigay no'n ay nagulat ako na nanggaling pala ito kay Kelvin ang katunggali ko sa loob ng room,

he's genius kaya madami rin ang nahuhumaling dito kasama na 'ko roon, pero isinawalang bahala ko iyon dahil alam kong hindi nito ako mamahalin dahil na rin sa ayos ko a nerdy type,
and in addition we're enemy in ranks since we're elementary until now that we are in college ngunit parati itong nangunguna.

Ngunit ngayon ng dahil sa pagsisikap ko ako naman ang nanguna rito, kaya nga ilang araw ko rin tiniis ang mga masasama nitong tingin na pinupukol sa'kin because I need to do this to make my ate proud, siya na lang kasi ang kasama ko at sobra na ang paghihirap nito dahil sa pagtayo bilang magulang sa'kin at ngayon ang ate ko ay 26 years old na at idolo ko talaga siya, she's smart and kind and I will be like her.

"Hey there natulala ka ata hey!" Pumitik si Kelvin sa harap ko kaya nagising ako mula sa malalim na pag-iisip at bumalik muli ang pagkalito sa sistema ko, bakit ako nilapitan ng isang Kelvin Reed Cajes? At ang malala bakit inaabot nito ang isang rosas sakin is he out of his mind? E' kahapon lang galit ito.

"A-ahhm ako ba?" Nauutal na sambit ko kaya nakatanggap ako ng tawa bilang sagot mula dito, shit napagtripan ako.

"It's yours stupid." Napanganga ako, hindi ba siya nagjojoke? Tiningnan ko ang pulang rosas na hawak nito saka kinuha iyon I was shock! Anong nangyari nauntog ba siya?

"So tambayan mo rin pala ang library?" nahihiyang napayuko ako, at tumango, kinuha nito ang librong binabasa ko.

"Philosophy? Nice!" Nakangiting inayos ko ang salamin ko at tiningnan ito ibinigay nito muli sa'kin ang libro saka seryoso akong tiningnan, may dumi ba ako sa mukha bakit ganiyan siya kung makatingin waring binabasa ang buong pagkatao ko,

Inalapit nito ang mukha nito sa aking mukha na kinagulat ko kaya natulala ako sa gwapo nitong mukha.

"Faith my rival can I court you?" Para akong nabibingi sa sinabi nito? Is he crazy? E' noon nga ni hindi ako nito pansinin at sinusungitan pa lagi pero ngayon sasabihin nitong he will court me!

"Ha?" Para akong bobong natulala at hindi naintindihan ang tinuro ni teacher Fuckshit!

"Liligawan kita. CARZEINE FAITH MONSERATT because I want you to be mine.." Sabi nito sabay ngisi at ninakawan ako ng halik sa pisnge then he ran away habang naiwan akong nakatulala kung saan ito tumakbo at hawak-hawak ang pisnge na ninakawan nito ng halik.

... dug... dug dug.....

Fuck kinikilig ako..

---------

Ang araw ay mabilis na lumipas tulad ng sinabi ni Kelvin nanligaw nga ito and now he was asking me for a dinner date excited na excited ako wala akong pakealam kung finals namin bukas dahil para akong nililipad sa ulap dahil sa saya.

Isa pa ngayon ko rin planong sagutin si Kelvin its been 5 months ng ito'y nanligaw at grabe ang mga effort nito kaya gusto ko na itong sagutin.

Gusto kong tumili sa kilig pero hindi pwede dahil nandito ako sa loob ng restaurant baka pagalitan ako ng manager.

Nakangiti lang ako habang tinitingnan ang mga tao sa loob ng restaurant pero hindi ko namalayan na 1 hour na pala ang nagdaan at malamig na ang mga pagkain, kinakabahan na'ko at nalulungkot.

"Ma'am mukhang hindi po pupunta 'yung kasama n'yo." Sabi ng waitress ako naman ay nanlulumong tiningnan ang mga inorder ko, I sigh gusto kong umiyak, hindi siya sumipot pero bakit?

Binayaran ko na lang ang mga inorder ko at lumabas na lang ako mula sa restaurant.

Nang marating ko ang parking lot nakita ko ang kotseng kilalang-kilala ko, he came! Masayang nilapitan ko iyon ngunit napahinto at napatago ako sa kotse ko nang makita kong kasama ni Kelvin ang mga kaibigan nito, hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Naaanigan ko sila dahil katabi lang ng kotse ni Kelvin ang kotse ko.

"So ano sisiputin mo ba?" Tanong ng isa na alam kong Roux ang pangalan.

"Of course no! Gusto kong makita ang paghihirap nito sa paghihintay she deserve it, saka kapag hindi ito nakapag-review ngayon tiyak na bababa ang grade nito." para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko how dare him? Bakit niya ako ginaganito? Akala ko totoo ang pinapakita nito pero hindi pala! Nagsilaglagan ang mga luha mula sa aking mga mata hanggang sa napahagulgol na ako ngunit tinakpan ko ang bibig ko para hindi umalpas ang mga hikbi.

"Grabe ka pre. Tiyak na iiyak 'yung si Faith aba mukhang hulog na hulog na ito sa'yo pero ginagano'n mo lang." Dagdag ni Roux ngunit tinawanan lang ito ni Kelvin.

"Problema ko bang tanga-tanga siya?!" Hindi ko na nakayanan at lumabas na ko sa pinagtataguan ko.

"K-Kelvin h-how can you do this to me?" Nanghihina kong sambit sa nagulat na Kelvin para itong nakakita ng multo, habang ako ay parang gusto ng mamatay sa sakit ngunit agad na nagbago ang emosyon nito at naging mapang-asar at mapang-insulto.

"Masyado ka kasing panira! Ako lang dapat ang manguna pero nagpasikat ka kaya bagay lang yan sa'yo saka kasalanan ko bang madali ka lang nagpauto?"

"M-minahal kita." Para akong nanliit nang lahat sila ay tumawa napakasakit he doesn't love me habang ako ay patay na patay sa kaniya, lahat lang pala ay laro rito. Plinano niya lang ang lahat I hate him!

"Akala mo ba mamahalin ko ang itsurang ganiyan napaka-assuming mo naman miss Monseratt."

I smile bitterly oo nga naman bakit naman ako mamahalin ng tulad niya? 'Di ba dapat alam ko na kung hanggang saan lang ako pero ako kasi si dakilang assumera nag-assume na gaya sa wattpad ang sobrang perfect na guy ay kayang mainlove sa nobody na katulad ko.

Pinunasan ko ang mgs luha ko saka tiningnan sila isa-isa they are looking at me like I am a dirt at isa lang ang naisip ko may araw rin na makakarma kayo.

"Tanga nga ako para mahalin ka kaya tandaan mo 'to simula ngayon wala na ang Faith na nagpatanga sa'yo! Kung ayaw mo akong kalaban pwes kailanman hindi 'yan mangyayari I will be always your rival." Tumakbo ako papunta sa kotse ko at pinatakbo iyon iyak ng iyak ako habang nagdadrive masakit ang ginawa nito at ang araw na ito ay hindi ko makalakalimutan I'll make sure you'll suffer KELVIN REED CAJES.

Hate Series 3: CARZEINE FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon