50

9.9K 258 33
                                    


Zeine pov.

Nakatanaw ako sa tanawing nasa labas ng kotseng kinalalagyan ko. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko yon kanina. Nagawa ko siyang halikan sa harap ng madaming tao. Shit nakakahiya talaga at naiinis ako dahil kanina pa ako pinagatatawana ni Kelvin. May pasipol-sipol pa ito ngayon habang nagdradrive. Shit anong katangahan ba kasi ang sumanib sa'kin ng mga oras na 'yon?

"Mahal? Ano ba 'yang iniisip mo. Ang lalim ata hindi mo na naman kasi ako pinapansin baka 'yung kiss na naman 'yang binabalik tanaw mo." Asar na sinamaan ko ng tingin si Kelvin na tumawa lang bwisit. Kanina ko pa napapansin na mas naging sweet pa ito sa sweet. May pamahal-mahal pang nalalaman sinabihan ko na siya na tumigil siya sa kalokohan niya pero hindi ito nakinig sabi niya 'yun na raw tawagan namin.

"Huwag kang masyadong hambog iniisip ko lang ang mga bata kanina. Naaalala ko kasi sa kanila ang sarili ko at ang ate ko." Totoo naman yon.. Nanghihinayang ako at nadidismaya ako sa sarili ko dahil nagawa kong pagsalitaan ng masama ang ate ko. I should have listen to her. Naging bingi kasi ako sana pinag-usapan namin ng maayos ang lahat. Bago kami nagsigawan ang tagal ko pa naman siyang hinintay na makasama ulit pero eto kami ngayon may tampuhan.

Kaya nang makita ko kanina ang mga bata naisip ko na dati ganon din si ate isasakripisyo ang lahat para lang sa'kin. Para maibigay ang lahat ng bagay na aking gugustuhin and that made me thought how wrong I am.

"Maayos n'yo rin yan ng ate mo. Ang kailangan n yo lang ay mag-usap ng masinsinan." Napabuntong-hininga ako sana nga at maayos namin ang problemang ito umiling ako saka tinignan si Kelvin.

"Nga pala bakit mo binigyan ng business card ang mga bata? Pinabigay mo pa sa ina nila." Sandali akong tinapunan nito ng tingin saka tinuon muli ang tingin sa kalsadang tinatahak namin.

"I want to offer their mother a job. Tinext ko na ang sekretarya ko na bigyan ng trabaho ito para hindi na matangkang tumugtog ang mga bata para lang mag-kapera at dahil natuwa ako sa galing na pagtugtog ng bata. Naisip ko na she can play the flute on one of my restaurant." Napatango ako mabait din pala ang ugok na ito pero saan pa ba magmamana syempre sa mama nito. Ang bait-bait ni tita nakakalungkot lang dahil I made her disappointed.

"Really so angel kana pala ngayon tsk." Ngumisi ito at napasuklay pa ng buhok na waring gwapong gwapo sa sarili baliw na ugok.

"Yep ako ang angel na magsasagip lagi sa'yo kapalit na hahayaan mo 'kong panain 'yang puso mo para naman mahulog ka sa'kin." sa lahat ng pagbabago ni Kelvin ang pinakaayaw ko ay ang mga corny nitong banat. Nakakairita lang pakinggan.

"Huwag mo 'kong pinagtritripan." Humalukipkip ako ngunit hindi nito pinansin ang asar ko na bagkus pangisi-ngisi lang ito.

"T-Teka Kelvin pwede bang sa condo mo na lang tayo dederetso?" Ayoko pa kasing umuwi dahil hindi ko pa ata kayang harapin ang ate ko nakakahiya kasi ang inakto ko kanina.

"P-Per--"

"Sige na Kelvin ngayon lang naman hindi ko pa kasi mahaharap ang ate pagkatapos nang nangyari kanina. " Napabuntong-hininga ito saka hinawakan ang kamay ko habang ang isa nitong kamay ay nasa manibela.

"Okay pero maayos n'yo rin 'yan huwag ka nang mag-alala."

----------++++++++++

Pagdating namin sa condo nito ay ayun deretso kami sa kusina. Siya raw kasi ang magluluto ng aming pananghalian. Wala na akong sinabi baka nga marunong ito magluto kaya hahayaan ko na lang pero nagkamali ata ako dahil sa nakikita kong pagkain na nakahain ngayon sa hapagkainan ay parang maduduwal ako sa sama ng itsura. Ang itlog at hotdog ay sunog habang ang isang ulam na 'di ko mawari kung ano ay may lumulutang na malaking hiwa ng carrots. Teka ano ba 'tong niluto niya? Para sa baboy? E ni aso nga di ata ito masisikmura.

Hate Series 3: CARZEINE FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon