19

10.3K 250 10
                                    

Zeine pov.

Nakaupo kaming lahat ngayon dahil sa pagod ayun nagkatuwaan kasing maglaro kasama ng mga bata. Nalaman ko rin na isa pala itong mansion na pinatayo ng mama ni Kelvin para sa mga bagong rescued na mga bata. they are well taken cared rito. May mga bata ring pinapaampon nila at gaya ng sabi ni tita kanina this place is a private property for them at tinayo nila ito para mas mapalawak ang pamilya nila, they treat every child as their own
at gusto nilang ipagtanggol ang mga batang inaabuso at inaabandona kaya namangha ako kay tita ni hindi ko man lang napansin ang oras at nakita ko na lang ang sarili ko na nag-eenjoy.

"Kuya kanina ko pa po napapansin 'yang mapula n'yong tenga may kumagat po ba sa inyo." Napamulagat ako at napalingon sa kinaroroonan ni Kelvin na may nakaupong bata sa gilid nito at nakatingin ng inosente kay Kelvin.

Shit sinamaan ko ng tingin ang likod ni Kelvin subukan niya lang sumagot ng mali mapapatay ko talaga siya.

"Naku may kumagat lang atang lamok mukhang nagwapuhan sa'kin." Sabi nito ng nakakaloko habang ako ito nagagalaiti sa galit ang kapal ng mukha akala mo ang gwapo niya talaga e' pangkaraniwang mukha lang naman siya meron.

"Ija anak can you come with me." Nagulat ako nang bigla kong naramdaman ang isang tapik sa aking braso ngunit nang makilala ko kung sino ang gumawa no'n ay malugod akong ngumiti saka tumango.

Naglakad kami ni tita,

"Alam mo you look familiar." Niglang basag ni tita sa katahimikan kaya napatingin ako rito.

"At ngayon ko lang napagtanto na ikaw 'yung dating kakompetensiya ng anak ko pagdating sa grades lagi ka no'n kinukwento sa'kin na kesyo hindi ka raw tumitigil sa pakikipaglaban pagdating sa grades at sabi niya gagawin niya raw ang lahat matalo ka lang ng tuluyan pero alam kong matalino ka at mahirap na kalaban hindi ko naman sineryoso ang sinasabi ni Kelvin nagulat pa nga ako nang malamangan ka niya noong college at here are you hanggang sa business ay naging magkalaban kayo ng ilang taon and I was shocked that you are now happily with each other alam mo humahanga ako sa'yo at ang saya ko na kayo ang nagkatuluyan." I gape at her teka ang hirap iproseso sa utak ko ang mga sinabi nito pero ang alam ko gusto ako ng mama ni Kelvin at ayoko ko ito na magpatuloy because she should know that I am a rival, kalaban ako noon at hanggang ngayon ay mananatili akong kalaban gusto kong sabihin na tama ang sinabi ni Kelvin hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ako natatalo.

He used his tricks just to make me fall for him hindi ko siya tinuring na kalaban noon pero ngayon natauhan na ako! I will never let him win tama na ang matalo ako ng isang beses, tama na 'yon.

"Tita I am not his girlfr-" Hindi ko natuloy ang pagtatapat ko dahil nakarinig kami ng isang mahinang pag-iyak mula sa isang puno at doon nga nakita namin ang isang batang babae.

Nagkatinginan kami ni tita at nakita kong bumuntong-hininga ito.

"Si Beanie 'yan isang half american child na narescue namin pinaglulupitan sila ng kanilang ama." Malungkot na saad ni tita.

"Sila?" Tanong ko,

"Sila ng ate niya she is just a 5 years old at 10 years old 'yung ate niya." Tiningnan ko ang bata na patuloy lang sa pag-iyak.

"Asan po ang ate niya?"

"Namatay na noong nirescue namin sila nakita namin na patay na ang ate niya dahil nahuli kami ng dating samantala ang ina niya naman ay matagal ng patay noong isang taon pa lang siya. Unang kita namin sa kaniya ay nasa sulok lang siya ng bahay nagtatago dahil sa takot ni ayaw nga sumama sa'min palabas dahil sa takot. Pinahuli rin namin ang ama nito na drug addict but Beanie suffer from trauma ayaw nitong makihalubilo kahit nga sa'min ayaw lumapit parati lang siyang nasa isang sulok na umiiyak ni hindi nga sumasabay sa ibang bata na kumain kailangan pang dalhan siya sa kwarto niya kaya naaawa talaga ako sa batang 'yan." Parang may pumiga sa puso ko dahil sa sinapit ng bata gusto ko itong aluhin at patahanin.

Hate Series 3: CARZEINE FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon