33

10.5K 259 13
                                    


Zeine pov

"Ano ateng kailan ka babalik ng pilipinas?" Napaismid ako baka nga babalik na rin ako sa pinas dahil ano pa ba ang dahilan ng pagstay ko dlrito kung nahanap na rin naman ako ni Kelvin at ano mang oras nitong gustuhin na guluhin ako ay magagawa nito ngunit ang hindi ko lang maintindihan ay ang pagpupursige nito na huwag akong layuan kaya ang tanong ko sa sarili ko ay ano pa kaya ang habol nito sa'kin? Kagabi nga hindi ako makatulog at sinubukan kong isipin kung may bagay pa ba itong hinahangad na kunin mula sa'kin pero hindi na nga ako ang nagmamay-ari ng kompaniya ko at sa ngayon wala ng kumakalaban at umaagaw sa mga malalaking investors niya kaya dapat magsaya na ito but his action are making me frustrated on thinking what makes him act like he cares and had feelings on me.

"Hoy!! Ateng saang lupalop ka naghahanap ng hotdog at nakatunganga ka riyan." Napangiwi ako sa maduming bibig ng baklitang nasa harap nabitawan ko tuloy ang lapis na hawak ko pang-sketch ng mga parts na gusto kong I-improvise sa mga naimbento ko ng teknolohiya saka sinamaan itong ng tingin

"Aba't huwag kang tumingin sa'kin ng ganiyan hindi kita type dahil wala kang JUMBO hotdog kaya stop that I wanna suka-suka na." Umakto pa itong masusuka na sarap talagang balibagin ang baklang 'to akala ko magkakaroon ako ng kapayapaan dahil wala si Zai pero 'di pala dahil may pumalit na mas malandi.

"Pwes 'di rin kita type ayoko sa mga maskuladong nagbabalat kayo dahil sa loob pala ay isang malanding baklita and to answer your question hindi ko pa alam kung kailan." Tinaas lang nito ang isa nitong kilay ang laswa tuloy tingnan agad din naman ako napalapit dito dahil isa itong pinoy na kababayan ko nagtratrabaho rito sa Australia bilang OFW.

Noong una ngang nakita ko ito ay inakala kong tunay itong lalaki dahil parang puputok ang muscle nito sa katawan pero putek! Ang lakas nitong tumili kesa sa'kin.

"Aba! Huwag ka 'te madaming babae ang naglalaway sa perfect body ko pero isa lang naman ang pinaglalawayan ko at 'yun ay ang hotdog na may itlog." Ayy bastos na bakla kaya tinapunan ko ito ng sketch pad na kanina lang ay nakalapag sa mesa. Tumawa lng ito at naka iwas sa lumilipad na sketch pad ngunit dahil sa kapilyahan na pumasok sa utak ko ay kasabay na tinapon ko ang pencil na hindi inasahan ng baklita kaya ayun sapol ito sa noo.

"Ouch! You naughty cunt!!" Daing nito habang napanguso ito saka agad na inatake ako sa pamamagitan ng pag kiliti sa aking tagiliran kaya ang nangyare ay nagtitiling tumatawa ako habang sinisigaw kanyang pangalan

"Anthony tama na! Heyy tama na!"

"Bagay 'yan sa'yo kaya ayan ayan."

"haha--"

"Mom may bisita po kayo." Mapahinto si Anthony sa ginagawa na kasalukuyan ay nakaakap sa akin ang isa nitong kamay hinihingal na nilingon ko ang anak ko na may kasamang bisita ko raw.

Ngunit hindi pa man ako nakahulma sa pagkatunganga ko dahil sa ginawa ni Anthony ay agad na akong napabalikwas ng tayo dahil sa gulat nang tuluyan kong makita ang tinutukoy na bisita ng anak ko.

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING TO MY FIANCE!" Napasinghap si Anthony sa narinig at napaawang ang mga labing nakatinging sa lalaking nasa harap namin ang sama ng mga tingin nito kay Anthony na parang papatayin na nito habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala na nasa harap ko na naman ito.

Naglakad ito palapit sa'min ni Anthony saka hinila ako papalapit sa kaniya he put his hands firmly on my waist that sends a electric shiver inside of me natauhan ko dahil roon saka sinubukan kong magpumiglas at tanggalin ang kamay nito ngunit nagmatigas ito.

Hate Series 3: CARZEINE FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon