Zeine pov
I look at the babies, ang gaganda nila.
"Hubbie look niyayakap ni Xianne si bunso ang cute." Sabi ni Raven na bago lang nagising at sa ngayon ay pinagmamasdan ang dalawang anak sa crib.
Hindi mapigilan na magsibalik ang mga alaala ko.
Flashback
Umiiyak na pumasok ako sa mansion namin habang nasa isip ko ang mga nangyari kanina.
Niloko niya lang ako at dahil doon sobrang sakit ng nararamdaman ko, at isa lang ang kailangan ko at 'yun ay ang mayakap si ate at umiyak sa kandungan nito.
Pagkapasok ko ay binati ako ni manang pero hindi ko na ito pinansin at tumakbo na 'ko papunta sa kwarto ni ate ngunit ang bumunggad sa paningin ko ay halos magpabagsak sa'kin.
"A-Ate!" Sigaw ko at tumakbo sa duguang katawan nito, nagkalat ang patak ng dugo at mga gamot, ipinatong ko ang ulo ng ate ko sa aking kandungan at sinubukan itong gisingin nakita kong unti-unti nitong munulat ang mga mata nito at kita ko ang pagpuno ng luha sa mga mata nito napahagulgol na 'ko, no! Hindi ko kakayanin na pati ang ate ko ay mawala sa'kin.
"Z-Zeine.." Nanghihinang ngumiti ito na parang masaya ito at nakita ako nito, kahit sa ganitong sitwasyon.
"S-Sorry, n-nagmahal si ate pe-p-ero hindi n-niya ko minahal h-hindi k-o na k-aya -Zeine" napailing iling ako at pinunasan ang pisnge nito,
"No please ate huwag mo 'kong iwan ate! Manang !! Manang!!" Nagpapanic na 'ko at sige sa pagbagsak ang luha mula sa aking mga mata, ngunit napahinto ako ng maramdaman ko ang nanginginig na duguan nitong kamay sa pisnge ko.
"M-mahal k-kita b-bunso." Hinawakan ko ang braso nito at umiling-iling hindi ko kakayanin na wala si ate, she's my only family.
"Ate please huwag mo akong iwan!" Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si manang bakas sa mukha nito ang gulat ngunit nakatuon lang ang pansin ko sa ate ko na unti-unti ng napapapikit.
"Ate! Ate! Manang tumawag po kayo ng tulong! Ate please stay."
Narinig ko ang mga ingay ng nagpapanic na boses ngunit hindi ko na nakayanan ng tuluyan ng bumitaw ang kamay ng ate ko sa pisnge ko while saying the words that I will never forget."I l-ove y-you"
Then all I did was shout her name and cried and at parang naging blur ang lahat.End flashback
"Tama ka wifey mukhang ateng-ate talaga ang panganay natin napakaprotective. They are so perfect wifey thank you for the gift I love you." Napabalik ako sa kasulukuyan nang marinig ko ang sinabi ni Roux nakangiti ito at maluha-luhang niyakap at hinalikan sa noo si Raven nang tingnan ko muli ang mga baby halos maiyak ako dahil naaalala ko ang ate ko sa tagpong nakikita ko, how my ate protected me but now she's gone dahil lang sa pesteng love na 'yan.
Akalain mong sa isang araw lang sabay na nawala ang puso ko at ang importanteng tao sa buhay ko? I smile bitterly.
"Hoy bruha!" Gulat na napatingin ako kay Zai na nakaupo sa kandungan ni Gideon pweh! Langhiya 'tong babaeng 'to.
"Hoy din!" Sabi ko at umirap dito, nagkaroon lang ng asawa kung saan- saan lang nagpi-PDA.
"Tingin ka ng tingin sa mga baby may plano ka bang gumawa rin?" Inis na sinamaan ko ng tingin si Zai.
"Paano ba naman kulong na kulong ka sa laboratoryo mo! Kaya-" Galit na tiningnan ko si Raven, andito na naman po silang dalawa ako na naman ang nakitang pagtripan at mukhang ibubuking pa ako nitong si Raven kung hindi ko pa ito pinahinto.
BINABASA MO ANG
Hate Series 3: CARZEINE FAITH
Romansa"I made you bitter then I'll be the one to make you sweeter again by making you feel the sweetest pleasure that only me can give. I own you just like you own me." -Kelvin Reed Cajes.. "I hate love because of you! And no one!, even you can make me ch...