Zeine pov.
"Uyy gising andito na tayo!" Dahan-dahan akong napamulat dahil sa sigaw t-teka asan ako bakit puro puno ang nakikita ko?
Hindi huwag mo iyan gawin pease just let me go!
My... Baby..
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa pagbalik ng akin alaala
Shit my baby asan siya? Where did they take me? Lumuluha na ako sa galit, at kaba."Nasaan ang baby ko t-teka ano ba bitiwan mo 'ko." Nagpumiglas ako at pinagsusuntok ang lalaking nasa harap ko pero nakakaiwas ito naiinis ako. They have taken my baby away.
"S-Saan sabihin n'yo nasaan 'yung anak ko?" Napayuko ako ng hinawakan ng lalaki ang kamay ko para mapigilan ang pagsuntok.
"She's okay at sumunod ka na lang kung ayaw mong saktan nga namin siya." I sobbed bakit ba 'to nangyayari sa'kin? Bakit? Napakuyom ako ng kamao. Kailangan ko na lang sumunod para hindi nila saktan si Creine. Kahit ako na lang ang patayin nila huwag ang anak ko.
"S-Sige susunod ako but p-please don't hurt her." Nanlalabong mga matang tiningnan ko ang lalaki na puno ng pagsusumamo. Tumango ito kaya pinanghawakan ko iyon at lumabas ng kotse. Naunang naglalakad ang lalaki at sinundan ko lang ito mula sa likod. Hindi ko kayang lumaban dahil kapakanan ng anak ko ang nakataya rito.
Naglalakad kami papasok sa kagubatan at pawang ang hawak lang nitong lampara ang nagsisilbing ilaw namin. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa'kin dito. Kung noon okay lang sa'kin na mawalan ako ng buhay ay ngayon hindi ko ata makayanan sapagkat may pamilyang naghihintay sa'kin. Ang anak ko ay nangangailangan pa ng ina at hindi ako pwedeng sumuko at mawalan ng pag-asa.
"Andito na tayo." Announce by the men at nilibot ko ang aking tingin puro kadiliman lang ang nakikita ko bukod sa lalaking may hawak na lampara at sa babaeng nakatalikod na may hawak din ng ilaw tulad ng lalake na kumidnap sakin. Teka ang babaeng ito na ba amo nila? Dahil sa tantiya ko nasa mga 40+ or maybe 50+ ang tanda nito. Gusto kong makita ang mukha nito ngunit hindi pa rin ito humaharap kaya nilakasan ko na ang aking loob.
"Sino ka? Anong kailangan mo sa'kin?" sigaw ko ngunit walang imik ang babae pero nakita kong tinaas nito ang kamay sa ere at sumenyas. I saw the men walk away proprotesta sana ako dahil gusto kong magtanong asan ang anak ko pero nakalayo na ang lalake. Binalik ko ang pansin ko sa babeng nakatalikod.
"Sabihin mo na kung anong kailangan mo at nang makaalis na kami ng anak ko. Kung may atraso ako saktan mo na ako pero sana lang ay huwag mong idamay ang anak ko." Narinig kong tumawa ang babae na puno ng pang-iinsulto.
"Paano kung hindi ako sumunod? Paano kung patayin ko na kayong dalawa? Alam mo mahirap makipagkompitensiya sa kompaniya mo at buti nang mawala na pati ang anak mo para wala ng kumalaban pa sa'kin even in the future." I bit my lower lip Hindi ko kakayaning mangayari 'yon. Hindi pa nagtatagal ang anak ko sa mundong ito. Hindi pa nito nasubukang bumuo ng sariling pangarap. Ni Hindi pa nito natutunan na lumakad o magsalita kaya 'di ako papayag kahit ako na lang.
"P-Parang awa mo na huwag mo i-iyon gawin ako na lang ako na lang ang saktan mo o p-patayin pero ang anak ko ibigay mo siya sa ama niya." Hilam ng luha ang mga mata ko. Papayag akong mapunta na lang sa ama nito ang anak ko kaysa mawalan ito ng buhay. 'Di ko maatim na maisip na ako ang magiging sanhi na mawawala ang anak ko.
"Ama?" Sambit ng babae at waring nanantiya at nilalasahan ang salitang sinambit nito.
"So may ama ang bata? Sabihin mo miss Zeine paano kung buong pamilya mo ang patayin ko." Napaawang ang labi ko sa sinabi nito at kasabay no'n ay narinig ko ang isang hiyaw at mura mula sa isang taong nagpupumiglas. Sinakop ako ng kaba lalo pa't nang marinig ko ang boses nito.
BINABASA MO ANG
Hate Series 3: CARZEINE FAITH
Romance"I made you bitter then I'll be the one to make you sweeter again by making you feel the sweetest pleasure that only me can give. I own you just like you own me." -Kelvin Reed Cajes.. "I hate love because of you! And no one!, even you can make me ch...