47

8.8K 233 34
                                    


Zeine pov.

"N-Ngayon ate explain." Napatulog na namin si Zyn sa kotse pa lang. Nakakalungkot nga dahil kita talaga ang pangungulila ni Zyn sa ina nito dahil wala itong ginawa kundi umiyak ng umiyak sa mga braso ni ate at ngayon tanging kami na lang ang nag-uusap ang dami kong gustong itanong at gusto ko masagot ang lahat ng mga 'yon and I'm glad that she's here to answer it all.

"Nung araw na n-nagpakamatay ako ay uminom ako ng gamot na makakapagpigil sa pagtibok ng puso ko ng ilang o-oras." I was shock kaya pala. I smile bitterly bakit pa ba ako magtataka kung ang isang matalinong tulad ni ate ay hindi makakaisip ng ganoon. Ang nakakadismaya lang ay ang kaalaman na nakaya ako nitong lokohin. Nakaya ako nitong iwan at nakaya nitong ipamigay ang anak nito sa iba.

"So nakaplano ang lahat?" I coldly said at napatawa ng puno ng hinanakit. My tears are threatening to fall pero hindi ko na iyon pinansin. I just stare at my sister who are now eaten by guilt. Hindi ko siya makilala. Hindi ko lubos maisip na ang katulad niya na naging idolo ko ay magagawa ito sa'kin.

"Akala ko kapag nalaman ko ang tunay na nangyari ay hindi na ako malulungkot pero masakit pala na sa sarili mo pang bibig ko malalaman sa sariling bibig ng ate ko na aking hinangan ko malalaman na ang lahat ay nakaplano. Plinano mong iwan ako, plinano mong lokohin at ipamigay ang anak mo! Inisip ko na gusto kitang makita noong nalaman kong buhay ka. Baka kasi may nangyari sa'yo. Baka kasi nasasaktan ka. I want y-you to feel that I am still here as your sister but now that I know I can't help saying these words that You're SELFISH." Wala itong masagot napipi ito at hinayaan akong magsalita. Masakit ang sakit. I became this cruel because of her and because of the hatred I have in this fucking heart! She made me like this, she made me feel alone. Hinayaan niya akong magluksa at makulong sa nakaraan.

"H-Hindi mo alam ang pinagdaanan ko ate. Nagluksa ako naghintay at halos p-patayin ko ang sarili ko araw-araw dahil ayokong mabuhay ng mag-isa. Ayokong maramdam na wala ng nagmamahal sa'kin. Ikaw lang kasi ang naging p-pamilya ko, Ikaw lang ang tinuring kong kaibigan pero wala ka, WALA KA SA ARAW NA NASASAKTAN AKO. Wala ka sa araw na halos 'di ako makatayo at wala ka noong araw na hindi ko mabuo ang sarili ko. Kailangan kita ate. Ilang araw ko tinatawag ang pangalan mo na baka sa pamamagitan no'n ay dumating ka and you'll hug me and comfort me but no one came. I am left in this dark nightmare. Alone and cage with my fears." Napakuyom ako ng kamao while listening to her sobbed. Masakit man na marinig ko 'yon ngunit wala akong magawa. I felt I am betrayed at kailangan ko itong ilabas lahat dahil ang hirap mag-ipon ang hirap mag-ipon ng hinanakit.

"N-Nagmahal ako bunso m--"

"Nagmahal ka? At ano nasaktan ka? Pero tama ba na iwan mo kami na pamilya mo? Tama bang takbuhan mo kami? A-Ate nasaktan rin ako. Sinaktan din ako ngunit alam mo ba na ang gusto ko lang nang araw na 'yon ay mayakap ka. Ang marinig sa'yo ang mga salitang. 'O-okay lang 'yan bunso andito pa naman ako.' ngunit dahil sakim ka. Ang ginawa mo ay iniwan mo 'ko. Iniwan mo kong nagluluksa sa pagakawala mo at nasasaktan dahil sa pananakit sa'kin ng lalaking minahal ko. Nakatakas ka nga pero ang laki ng iniwang mong sakit! Ang laki ate! Hindi mo ba naisip na andito a-ako? Andito ako na nangangailangan ng taong m-makakasama? Tayo na nga lang ang naiwan tapos lalayo ka pa? B-bakit sabihin mo ate bakit?" Umiling ito at tumayo mula sa kinauupuan nitong couch na nasa harap ko saka lumuhod sa harap ko. She held my cheeks and stare at me.

"H-Hindi ko alam bunso ang alam ko lang noon ay nasasaktan ako at g-gusto ko lang makatakas." Iniwaksi ko ang kamay nito and shook my head in disappointment.

"Tumakas? Para ano?Naging masaya ka ba? May bata kang iniwan. Na Ilang taon na sinaktan ng asawang lalaki ng napag-iwanan mo sa anak mo. Ang masakit pa'y Nasaksihan ng anak mo ang isang bangungot. She was almost killed! At natrauma siya ate! Grabe ang paghihirap niya and I never thought that you can do that?! Your child is crying when I saw her on the orphanage. Ni walang pamilya dahil ipinagkait mo 'yon ate! Ipinagkait mo ang ina na sana magpapasaya at magtatanggol sa kaniya kung 'di ko nakita ang iniwan mong compass di ko malalaman na buhay ka pa. 'Di ko malalaman na ang ate ko ay nakayang iwan ang anak nito na walang hiniling kundi ang maging buo ang pagkatao at pamilya nito she l-loves you. We have love you ngunit hindi mo kami mahal ate dahil iniwan mo kami. Iniwan mo kami!" I shouted and she tried to grab my face again but I always avoid her hands dahil sobrang sakit. Masakit na hiniling ko 'to noong nangangailangan ako pero wala ito. Kaya ang hirap na maniwalang andito ito muli. Ang hirap magtiwala muli.

Hate Series 3: CARZEINE FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon