18

10.7K 273 11
                                    


Zeine pov

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nasa harap ko pagkababa ko ng motor bike ay para akong mabubuwal dahil sa panginginig ng tuhod ko at ang lalaking nasa harap ko ayan nakangisi lang naman po na parang isang lobo na may ginawang maganda.

Nilibot ko ang mga mata ko sa hinintuan naming lugar hindi ito pamilyar sa'kin ngunit nakikita kong malawak ang lugar ngunit wala namang mga gusali at tanging isang malaking malamansion na bahay lang ang nakikita ko at playground?

"Anong lugar ito?" Tanong ko at napatingin kay Kelvin muli.

"Rito tayo maghohoneymoon." Dahil sa sinabi nito ay nakatikim ito sa'kin ng sapak.

"Ayusin mo ang mga sagot mo Cajes kung ayaw mo ibalibag kita gamit 'yang bulate mo." Umakto itong parang natatakot at tinakpan pa talaga ng mga kamay nito ang harapan nito.

"Hindi ka ba naaawa sa'kin Faith paano kung 'di na kita mabigyan ng anak?? Paano kung hindi na kita mapasaya gamit nitong bulate ko?? Pero huwag ka mag-alala sabi ni bulate pagmawala siya tiyak mamimiss niya ang kweba mo at hindi niya hahayaan na may makapasok na iba bukod sa kaniya." Kumunot ang noo ko parang pumintig ata ang ugat ko sa ulo dahil sa kabastusan ng lalaking to. Sarap lagyan ng muriatic ang bibig ng maging malinis dahil madami na atang dumi.

"Aba't ikaw na lalaki ka! napak-" 'Di ko natapos ang sasabihin ko nang bigla akong makarinig ng madaming matinis na tili.

"Kuya!!!!! Kelvin!!" Nanlalaki ang aking mga mata nang malingunan ko ang madaming batang tumatakbo papalapit sa'min mga lampas bente.

Nang makalapit ang mga ito ay agad na pumalibot ang mga bata kay KELVIN ang iba nga ay yumakap na rito may isa pa ngang nagpakarga kay Kelvin na malugod naman nitong ginawa.

Ahm what the hell is happening here?

"Kuya sino po siya?" Sabi ng maliit na batang babae na may peklat banda sa mga mata.

"Baka girlfriend ni kuya." Sabi naman ng isang batang lalaki naeskandalo naman ang diwa ko sa sinabi nito naku 'di ko talaga papatulan 'yang unggoy na 'yan nungka!

"Naku bata hin-" proprotesta sana ako sa sinabi ng bata nang biglang magsalita ang hudas na lalaki.

"Tama ka Jeric girlfriend siya ni kuya maganda ba?" Sabi ni Kelvin habang tinataas-baba ang mga kilay na kinangisi ng batang lalaki.

"Opo grabe galing niyong pumili miss ganda naunahan lang ako ni kuya Kelvin kung wala baka ako ang bf mo ngayon pero pwede n'yo naman siya hiwalayan para sa'kin." Nakanganga ako sa sinabi ng bata naguguluhan talaga ako asan ba talaga kami ngayon ni Kelvin? At bakit ba sinasabi nitong may relasyon kami sa harap pa ng mga batang ito nakaisip naman ako ng kapilyahan?

"Naku Jeric hihiwalayan ko 'yang si Kelvin para sa'yo ang gwapo mo kaya kaysa sa kaniya." Nakangising sabi ko na kinahiyaw ng ibang mga bata at napasuntok-suntok pa sa hangin ang cute na si Jeric sa tingin ko 6 years old pa lang ito ngunit parang matanda kung magsalita.

Nakakatuwa ito at hindi tulad ng unggoy na pinipilit na magmukhang cute sa pamamagitan ng pagpout eww para tuloy siyang patong bakla.

"O 'di ba kuya sabi ko sa'yo mas gwapo ako at matinik sa chica babes." Pagmamalaki ng bata

"Mas gwapo ako sa'yo Jeric naawa lang sa'yo si ate Faith at sinabing mas gwapo ka sa'kin saka ayaw ng mga chics ang 'di pa tuli." Sumimangot ang bata saka tumingin sa'kin na para bang nagmamakaawa.

"Falaga bang ayaw n'yo sa mga 'di pa tuli?" Inosenteng tanong nito na kinatawa ko pati ng mga batang nasa paligid.

Lumuhod ako para magpantay kami ng mukha.

Hate Series 3: CARZEINE FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon