34

10.3K 244 5
                                    

Zeine pov

Pagkatapos ng tagpo kanina ay halos ayaw ko nang lumabas at humarap kay Kelvin dahil sa kahihiyan na inabot ko akala ko naman kasi ay tulog pa rin ito kaya kumpyansang naglakad akongbhubad galing sa isang half bath pero ang gaga ko dahil nagtiwala na naman ako sa haka-hakang ginagawa ng utak ko pero dahil sa nangyari may narealize rin ako na hindi naman pala ito tuluyan na nagbago at naging alien dahil hanggang ngayon maniac pa rin ito tulad ng dati.

Umiling ako, tiyak nakaalis na 'yon sa ngayon kasi nasa loob ako ng maliit kong opisina habang pinagpapatuloy ang trabahong naudlot kanina at mag-aapat na oras na ata ako rito alam ko naman na nasa labas si Anthony kasama ang anak ko kaya hindi na ako nag-alalang silipin pa ang mga ito.

"Mom whould you want a pizza tito Kelvin brought this awhile ago." Masiglang sambit ng anak ko habang hawak ang isang slice ng pizza habang ang lalaking nasa likod nito ay hawak ang box kung saan may malaki pang slice pero bakit andito pa ito? Hindi pa ba ito nainip at umalis na lang.

"Ano pa ang ginagawa mo rito?" Hindi ito sumagot at umupo lang sa sofa na nasa isang sulok kasama ang anak ko at inilapag ang pizza sa maliit na mesa nanatili akong nakatingin lamang sa kanilang dalawa.

"Mom why don't you join us?" Umiling ako saka ngumiti hindi ko hilig ang pizza kaya bahala sila riyan ayoko kayang makasalo 'yang damuhong 'yan mabuti pang magtrabaho na lang ako. kaysa I-stress ko ang sarili ko sa lalaking 'yan.

"Faith join us madami pa naman ang nadala ko kaya saluhan mo na kami huwag kanang mahiya." Asar nito sa'kin na kinaigting ng panga ko kaya padabog na tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa kinaroroonan nila saka umupo sa tabi ng anak ko sa iisang sofa lang kami at pinagigitnaan kami ni Zyn.

"So princess where is your tita Anthony?" nakita kong sandaling natigilan si Kelvin sa pagsubo ng pizza dahil sa tanong ko at may lumarawang pagdisgusto sa mukha nito.

"She went home she said she just needed to refresh and look beautiful before going to her work in the evening." Oo nga pala mag-four na pala ng hapon kaya nagpahinga na 'yon for sure para sa trabaho nito mamayang 7 tumango-tango ako saka pinunasan ang dumi sa gilid ng labi ng anak ko.

"Faith take some pizza." Napabuntong-hininga ako saka kumuha ng isang slice ngunit ang akala kong pangit na lasa ang sasalubong sa'kin ay hindi nangyari sapagkat nakita ko na lang ang sarili ko na for the first time nagugustuhan ang pizza why does it taste delicious may nilagay bang kung ano rito ang lalakong 'to?

"Tsk parang bata kung kumain." Napatigil ako sa pagkain nang bigla na lang dumukwang papalapit sa'kin si Kelvin at pinunasan ang konting sauce na kumalat sa gilid ng aking labi then he put the finger he use to wipe the sauce in his mouth parang natuyo ata ang lalamunan ko sa ginagawa nito, wait is he seducing me? At teka ang tanong naseseduce ba ako?

Itinapon ko ang walang kwentang naisip ko sa pinaka sulok l-sulukan ng isip ko nakakatawa talaga ako maseseduce? No way.

"Mom can tito stays tonight? Because he said he don't have a home to stay." Muntik akong mabilaukan sa pinahayag ni Zyn nakakagulat lang kasi na ang dali nitong pagkatiwalaan si Kelvin e' noon nga ayaw na ayaw nito rito pero ngayon hinihiling pa nitong ipa-stay ang hudyo sa bahay na 'to? At kailan pa hindi nagkaroon ng bahay na matutuluyan ang lalaking ito e' ang dami naman nitong pera he can stay in a hotel or maybe buy a house.

Tinitigan ko si Kelvin na nakipagtitigan din sa'kin ano kaya ang plinaplano nito at sinali pa ang anak ko?

"Ano 'to Kelvin? May plinaplano ka na naman ba? You can't stay here dapat magstay ka sa hotel hindi rito sa pamamahay ko o 'di kaya umuwi ka na lang sa pinas!" This man is really playing with my patience at baka 'di ko ito matantiya at mapatay ko ito.
.

Hate Series 3: CARZEINE FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon