Zeine pov.
Umaga na at nagising ako dahil as amoy ng mabangong pagkain. Naamoy ko din ang isang pagkain na nung isang araw pang hinahanap ng panlasa ko walang iba kundi ang sopas. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko nga na may naglalagay ng pagkain sa may bedside table.
kaya natakam ako hindi lang dahil sa pagkain kundi dahil na rin sa kung sinong naghahain no'n walang iba kundi si Kelvin. Sino ba naman hindi? Kung may hot kang lalaking tagahain. He's just with a boxer tila ba may photoshoot na nagaganap because he is confident on showing me his perfect body. Wala talaga itong pakealam tsk napaiwas ako ng tingin kahit na nagsisigaw ang malandi kong utak na tumingin pa.
"Morning Faith how's your sleep? " nakangiting tanong nito pero umirap lang ako. Ano ba sa tingin niya? E' ni hindi nga nito ako pinakinggan kagabi at pinilit nitong patulugin ako kaysa pag-usapan namin ang mga pangyayari. He insisted that he will make me change my mind on staying away from him but I doubt it if he can. Kilala ko si Kelvin he is not into action at nakikita kong lolokohin lang namin ang mga sarili namin kung makikinig man ako rito and I don't want it to happen lalo pa't may bata ng maaapektuhan.
Hindi ko talaga makuhang maniwala rito. Maybe ginagawa niya lang ito para sa bata o 'di kaya may iba pang rason dahil 'di ba suko na ito noon. Napag-usapan na nga namin na lalayo na kami sa isat isa pero eto na naman po kami naglalaro na naman.
"Where's Zyn?" Nag-aayos pa rin ito ng pagkain. Lahat ata ng hinanda nito ay 'yung healthy at may slice din ng hinog na mangga. Umiling ako ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Paghandaan ako ng pagkain? Sa tingin niya ba makukuha niya ako agad sa ganito? Because All I just wanted to do now is flew away.
"She's having her breakfast with mom and dad." Kumunot ang noo ko kailangan na namin umalis. Yes we need to run away from this home Kaya inalis ko ang kumot na tumatabing sa aking katawan at nakita kong naka-tshirt lang ako na umabot hanggang mid thighs at base sa amoy alam kong kay Kelvin ito. Hindi ko na lang iyon pinansin at akmang tatayo na sana pero agad na naramdaman ko ang pagkahilo.
"Shit Are you okay? Bakit kasi tumayo ka agad dapat mahiga ka muna at magpahinga." Umiling ako at pinilit na iwaksi ang mga kamay nito. Ayoko na rito. Masisiraan ata ako ng ulo kapag hindi ko pa mailayo ang sarili ko sa bahay na ito.
"Bitiwan mo 'ko!" Puno ng diing sambit ko ngunit humigpit lang ang oaghawak nito s aaking beywang.
"I said let me go Kelvin!" Umiling ito and carried me in a bridal style while I am trashing in his arms shit!
"Ibaba mo 'ko! Walang hiya ka!" Tumawa lang ito at ibinaba ako sa kama. Tatayo sana ako ulit ngunit masama ako nitong tiningnan.
"Faith huwag matigas ng ulo. Wala ka pang lakas paano kung bigla ka ulit mahilo habang nasa hagdan ka pa at mahulog ka? Malalagay sa panganib ang baby natin niyan Faith sa mga pinanggagawa mo." I ball my fist at pumirme na lang sa kama. Tama naman ito sa sinabi nito. Mahina pa nga ako ngayon dahil sa nangyari kahapon. Ayoko naman na may mangyaring masama sa baby ko. Kaya susundin ko siya kahit ngayon lang pero pagnagkalakas na ako. Baka masasapak ko na ito bubugbogin ko siya pati ng 'yung betlog niya!
"Fine! Kakain muna ako. So Where's my food!" He chuckle lightly and get the tray of food. Una nito kinuha ang sopas at sumandok ito saka umakmang susubuan ako. Ano ba 'tong ginagawa? niya ginagawa niya akong inutil aagain ko sana ang kutsara ngunit inilayo lang nito iyon.
"Ano ba 'yang ginagawa mo?! Tingnan mo nga may kamay ako! Tsk ibigay mo nga 'yan sa'kin." Putek takam na takam na ako e' pero ayoko naman na magpasubo rito. Magmumukhang ewan ako no'n. Tapos iisiipin nito na okay na ang lahat no way high way!
Patuloy kong sinusubukan na abutin ang kutsara pero ayaw talaga nito.
BINABASA MO ANG
Hate Series 3: CARZEINE FAITH
Romance"I made you bitter then I'll be the one to make you sweeter again by making you feel the sweetest pleasure that only me can give. I own you just like you own me." -Kelvin Reed Cajes.. "I hate love because of you! And no one!, even you can make me ch...