53

8.4K 211 9
                                    


Zeine pov.

Pinagmasdan ko ang building sa harap ko. Tinawagan kasi ako ng ate ko at pinaderetso ako sa hotel na pagmamay-ari raw ni Thunder dito raw kasi gaganapin ang engagement nila. Wala na rin akong nagawa kundi sumang-ayon at sumunod sapagkat pangbawi ko na to sa kanila and in addition I am her only close family kaya dapat dadalo ako saka wala naman daw sina Kelvin kaya okay lang. Tanging ang magulang lang kasi ni Thunder at ako ang maghaharap. Parang magkakaroon lang ng pamamanhikan na magaganap. Karga-karga ko ang anak ko na ngayon ay nakatulog na. I hope I made the right decision.

Sana itong pagharap ko sa mga pamilya ng mga Cajes ay walang mangyaring masama. Nahihiya rin akong pakiharapan si Thunder dahil sa mga nasabi ko rito pero sabi nga ni ate wala naman daw 'yon kay Thunder. May kasalanan daw rin naman ito dahil hindi nito siya tinama at ang isa pa nitong mali ay ang pagharap nito ng mag-isa sa problema na sana sila ni ate ang humarap. Pagsubok iyon para sa kanila kaya dapat hindi nito iyon sinarili dahil naging sanhi lang 'yon para mas lalong lumala ang sitwasyon. I smile masaya ako na nakuha rin ni ate ang gusto nito ang makahanap nga lalaking mamahalin siya ng totoo and as a sister I need to support her.

Determinadong nagpatuloy na ako sa paglalakad ngunit nasa entrance palang ako ay agad na nagsidatingan ang tatlong lalaking mukhang armado nakatakip ang mga mukha ngunit parang familiar ang mga ito pero baka guni-guni ko lang.

Kinabahan ako ng lumapit sila sa'kin at hinawakan ako sa braso napasinghap ako at nagpumiglas.

"T-teka sino kayo?" Walang kaemo-emosyon na pinilit nila akong hilahin. Hindi ako makalaban kahit marunong ako sapagkat hawak-hawak ko ang anak ko pero nagpumiglas pa rin ako.

"Sumama ka na lang may gustong makita ka at huwag kang sisigaw kung ayaw mong pasabugin namin ang bungo mo." I gritted my teeth pumunta ako rito para sa engagement party ng ate ko hindi para sa kung sino man ang tinutukoy nila. Kung wala lang ang anak ko baka mabugbog ko ang mga ito how dare them hold me like a new captive animal.

"Bitiwan n'yo ako hindi ako pumunta rito para makipagkita sa kung sino mang tinutukoy n'yo I came here for my sister. Tulong! Shit bitiwan n'yo ko." Tumawa lang ang mga ito nagtataka ako na kahit isang tao ay wala akong makita hindi ba nila naririnig ang mga sigaw ko? At ni walang security guard fuck! Ano ba ang nanagyayari?
.
"Tulong ano ba! Bitaw sabi e'."

Pinagpatuloy akong hinihila hanggang sa narating nila ang isang kotse. Kahit anong pagpapasag ko at sigaw ay walang tumulong and They successfully deposit me inside the back seat. Yakap-yakap ko ang anak ko na walang kaalam-alam sa mga nangyayari at ang himbing ng tulog.

"Sorry pero pinag-utasan lang kami." Sabi ng isa na wari ay iniiba lang ang boses para 'di ko makilala para kasing kilala ko ang mga ito para bang narinig ko na minsa ang boses nila at nakita ko na rin minsan ang mga bulto nila. I am getting frustrated bakit kasi 'di na lang nila ako sagutin?

"Sino? Sabihin n'yo dahil hindi ako nakikipaglokohan!" Sigaw ko na kinailing ng lalaking nagdradrive

"Alam mo isa lang ang masasabi ko baliw ang nagpaggawa sa'min nito." Tinaasan ko sila ng kilay talagang baliw e' nanghihila lang sila at ako pa talaga ang napiling lokohin! Bwisit napapalayo na kami sa hotel at puro kadiliman na lang ang nakikita ko. Gabi kasi at parang dinadala ako ng mga ito sa masukal na lugar. Putek! Okay lang sa'kin na saktan ako pero huwag na huwag lang silang magkamaling saktan ang anak ko. Dahil baka 'di ko mapigilan ang sarili ko mapapatay ko sila.

"E' bakit n'yo sinusunod kung baliw siya? Pakawalan n'yo na lang ako dahil may mas importante akong gagawin!" Nilingon ako ng isa at naanigan ko ang asul nitong mga mata. So foreigner ang kumikidnap sa'kin? Kung gano'n For sure pera ang dahilan o 'di kaya tungkol sa kompaniya. Baka nakaaway ko ang amo nito noon sa business world at gumaganti sa'kin sana lang huwag madamay ang anak ko.

"Alam mo miss kahit baliw 'yon ginagawa pa rin namin to para sa ikakasaya niya kaya stay there and close your mouth. May iniirita ka lang dito." Sabi ulit nung nasa tabi ko pansin ko na ang nagdradrive at ang nasa tabi ko lang ang nagsasalita habang 'yung nasa passenger seat ay sobrang tahimik tsk pakealam ko ba. Ang kailangan ko ngayon gawin ay isipin kung paano makatakas.

Nakakaasar lang na pinapatahimik ako ng mga ito e' sila nga 'to nangdakip akala ba nila magpapatalo ako sa kanila? At parang maamong tupang susunod?! No way!

"E' mga gunggong pala kayo e'!" Sigaw ko at nagulat ako ng nilingon ako ng lalaking kanina lang ay ang tahimik. Ang sama nitong makatingin parang ang dami kong nagawang kasalanan sakaniya. Wow 'a siya may ganang magalit e' sila nga 'tong dinadala ako kung saan.

Ano bang gusto niya na umakto akong parang walang nangyari at maglulundag dahil sa pagdakip ako?

"Patulugin mo na nga yan total ang layo ng pupuntahan natin because she's annoying." Galit at malamig na pahayag ng lalaki at bumuntong-hininga ang nasa tabi ko at may binunot sa bulsa nito isang puting panyo at hindi ako tanga para 'di malaman kung ano ang sunod nitong gagawin. Umiling-iling ako !nd press my lips into thin line.

No! Patulugin? Hindi pwede mas lalong hindi ako makakatakas nito kapag hinayaan ko sila at paano ang anak ko?

Paano ko ito maproprotektahan mula sa kamay ng mga ito kung mawawalan ako ng malay?

"Hindi huwag mo iyan gawin please just let me go!" Napapaatras ako ngunit hinawakan ng lalaking nasa tabi ko ang braso ko at pilit na hinihila ako palapit sa kaniya pumiglas ako at pilit na sinisipa ito.

"Ahw!" Daing nito ng matamaan ko ang mukha nito.

"Shit makinig at sumunod ka na lang. Ginalit mo kasi siya e' at saka we're doing this para maging maayos na ang lahat at mapagbayaran mo na ang kasalanan mo." Nanlaki ang mga mata ko anong kasalanan? Naguguluhan ako at sa sandaling pagkatulala ko hindi ko na napigilan ang lalaki at nagawa na nitong takpan ang ilong ko.

Pinilit ko mang huwag huminga ay hindi ko rin nagawa nanghihinang tiningnan ko ang lalaking may takip ang mukha. May tumulong luha sa mga mata ko.

"Just sleep." Rinig kong usal ng lalaking tumakip sa aking ilong gamit ang panyong may gamot. Bumibigat na ang talukap ng aking mga mata at nang hinayaan ko ng sakupin ako ng dilim. I felt him move. Kinuha nito ang aking anak sa aking kamay and my tears fell.

No..

My... Baby..




Hate Series 3: CARZEINE FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon