39

9.2K 237 15
                                    

Zeine pov

Naiinis na padaskol kong sinara muli ang laptop ko. Paano ba naan kasi tambak ang trabaho ko tapos dagdag pang wala akong sekretarya bwisit kasi 'yung babaeng cake kahapon kasi nahuli ko itong nag sesex on the phone kaya ayun pinatalsik ko I fired her sorry ass tsk tatlong araw pa
nga lang ang lumipas nang tanggapin ko muli ang aking pwesto ay sari-saring problema na ang dumating at aking hinarap.

"Hello dear." Halos muntik na akong mapalundag sa kinauupuan ko ng makarinig ako ng boses and I was beyond shock when I saw who had talk, nagsisisi tuloy ako kung bakit pinatalsik ko agad ang sekretarya ko dahil ngayon ay ni hindi ako makatakas ni hindi ako maabisuhan na ang bibisita sa akin ngayon ay ang INA NI KELVIN she smile so widely making her more beautiful but I should remain calm kahit nagpapanic na ang kalooban ko bakit ba kasi nandito ito? Why whould his mother visit me? Ibinaba ko ang hawak kong folder at ngumiti ng tipid.

"Ohh tita n-napabisita po kayo." Ngumuso ito saka naupo sa silyang nasa harap ng aking mesa.

"Pasensiya na ija 'a pumasok na ako wala kasing sekretarya sa labas napadaan lang ako sa kompaniya mo at napagdesisyunan ko na daanan ka na lang at gusto rin kasi kitang imbitahanan at dalhin ka sana para mag-grogrocery tayo may konting salo-salo kasi sa pamilya namin." Noong hindi ko pa mahapuhap ang sasabihin ko at nakatanga lang ay muling pinagpatuloy ni tita ang pagsasalita.

"Hindi naman kasi ako masamahan ng bunso kong anak dahil nagbusy-busyhan ito sa paggawa ng mga paintings ang panganay ko naman ayun nagkukulong sa library room nito ewan ko ba sa lalaking 'yon naging tahimik na ito at parating sinusobsob ang sarili sa trabaho nagtataka nga ako dahil ginagawa lang naman niya iyon kung may gumagambala sa isip niya at nalulungkot teka may nangyari ba sa inyo ija?" my breath almost hitch because of her question pati ang mga sinasabi nito ay nakakagulat gano'n ba ka apektado si Kelvin sa mga nangyari? at ang malalang tanong bakit hindi pa nito inamin sa ina nito na wala talagang kami kaya ayan tuloy I am really in doom now shit sa lahat ng dinaldal ng ina ni Kelvin wala akong maisip kundi ang mga salitang PATAY KANG BATA KA!

Awkward na napatawa ako ng kaonti saka umiling.

"Naku tita w-wala naman nangyari sa amin pero wala po bang inamin si Kelvin sa inyo ng kung ano ba?" Kumurap-kurap ito na para bang nag-isip sandali. Nagbabaksakali kasi akong naamin na ng lalaking 'yon ang tunay na estado namin dahil nakakailang kasing kasama ko ang ina nito gayong wala naman kaming relasyon.

"Hmm bakit may dapat ba siyang sabihin? Wala naman kasi 'yon sinasabi huwag mong sabihin na buntis kana ija? Naku baka nga gusto niyo lang ako surpresahin o 'di kaya huwag naman sana na naghiwalay kayo dahil masasapak ko 'yung anak kong 'yun dahil naku gustong-gusto kita na makatuluyan ng anak ko." Parang nalunok ko ata ang dila ko at hindi ako makapagsalita sa mga sinabi nito while tita is grinning napakasaya nito at hindi ko ata kakayanin na sabihan ito na siyang magpapalungkot dito dapat kasi sinabi na ni Kelvin ang totoo para hindi ako malagay sa ganitong sitwasyon. Kahit naman kasi may galit ako sa mga Cajes ay hindi ko naman kakayanin na saktan si tita sapagkat naging mabait ito sa'kin.

"So ano ija alin doon sa mga sinabi ko ang tumama. magging lola na ba ako?" Napalunok ako saka napatawa ng pilit.

"Naku tita 'di pa gusto ko lang sana malaman kung nasabi ba sa inyo ni Kelvin na n-nagkatampuhan y-yeah tama nagkatampuhan lang po kami." Jumunot ang noo nito at napakumpas sa hangin nababakas rin sa mukha nito ang pagkadismaya.

"Tsk ang hina pala ng anak ko hindi man lang binilisan buti pa ang ama nito nga pala tamang-tama ang pag-imbita ko sa'yo sumama ka na lang sa mansion nang makapag-usap kayo ng anak ko miss ka na yata no'n. Alam mo kasi ija ang simpleng tampuhan ay nasusulusyunan ng lambingan bakit nga pala kayo nagkatampuhan?" Fuck Kelvin lagot ka sa'kin ikaw ang may kasalanan nito shete tila pinagpapawisan ako ng malamig sa mga pinagtatanong at pinagsasabi ng ina nito at ano raw dadalhin niya raw ako sa mansion nila a-at magkikita kami ng lalaking 'yon? Shit all I thought is everything is in it's right place ngunit hindi pa pala dahil hindi ako makakatakas ng madalian gaya ng naisip ko.

"Sige t-tita gora ako riyan." Napapalakpak ito at tumayo na kaya wala akong nagawa kundi ligpitin ang mga kalat ko sa mesa at kunin ang gamit ko para makaalis na kami.




---------------------------

"'Yung si Kelvin ang pinakatahimik sa pamilya pero kapag sinaniban ng kapilyuhan ay ayun nagiging wild akalain mo ba na noon ay may sumukong yaya dahil nilagyan ng palaka ni Kelvin ang damit na susuoton sana nit at siya rin ang klase na bata na hindi mo mabasa kung ano ang iniisip. Minsan kasi magaling iyon magpapalit palit ng emosyon but sometimes may pagkakataon na hindi nito makayanan at magsusumbong at mag-oopen ito ng problema saxkin." apahagikgik ako ng kaonti sa sinambit ni tita nasa back sit kasi kami and her driver is driving our way to the mansion ang dami naming pinamili na lulutuin pa raw ni tita humingi pa nga ito ng tulong sa akin na tinanggap ko naman I am having fun with her. She's bubbly at madami itong mga kwento kaya nga kahit konti ay nabawasan ang kaba ko.

But I am still feeling nervous dahil makakaharap ko ang buong pamilya at take note makakasabay ko pang mag-lunch pero okay na rin 'yon para makausap ko si Kelvin I need to tell him na aminin niya na ang lahat sa ina niya para hindi na ako madiin sa mga sitwasyon na tulad nito.

"Mahirap man na magpalaki ng mga anak ngunit masaya naman lalo na kapag nakikita mo silang masaya and in addition if you can see them settle in a better life yon ang mas nakakataba ng puso at teka nga kamusta na ba 'yung si Zyn? 'Yung apo ko sana ay madala mo rin siya ngayon." she's really a good mother swerte si kelvin na ito ang ina niya

"Hmm ang talino po niyang bata madaming gustong matutunan pinipilit ko nga po na ibigay ang mga nalalaman ko sakaniya noong una nga po natatakot ako na baka di ko magampanan ng maayos ang pagiging ina ngunit sa bawat araw ko na kasama siya ay napapasaya po ako." Hinaplos ni tita ang kamay ko saka ngumiti ng pagkatamis-tamis sa sa'kin .

"You're a good mom also Ija kaya masaya at panatag ako kung ikaw ang makakatuluyan ng anak ko. Saan nga pala ang apo ko ngayon?" Namula ata ang mukha ko sa unang sinambit ni tita shete lang pero nakakaguilty rin na nagsisinungaling ako rito wala naman kasing magiging kami ng anak niya.

"Salamat po tita at kung tinatanong niyo po si Zyn andon po siya sa bahay at kasama ang kasambahay ko."
Tumango ito at napahinto kami ng marinig namin ang paghinto ng sasakyan. Nasisigaw ang mga alarm sa utak ko kinakabahan ako paaano ako haharap muli kay Kelvin at sa mga pamilya nito.

"Mga ma'am andito na po tayo." Sabi ng driver na panandalian na nilingon kami

I sigh andito na ang oras na kinatatakutan ko.

I hope everything will be alright wala naman sana mangyari na hindi ko gugustuhin.

"Ija ramdam ko ang kaba mo but don't worry I know that they would like you the way I like you and my son love you." Wala na napipi na ako ng tuluyan.


😘😍😘😍😘😍😘😛😳😛😍😘😘😍

Malapit na rin ito matapos kaya salamat sa patuloy parin na nagbabasa

Hate Series 3: CARZEINE FAITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon