Chapter 12

689 12 0
                                        

TWELVE:

4 Years Later…

"What?! Really?! Hindi date ang nangyari sa inyo noon ni Reid? Ba't di mo kinuwento sa'kin na nangyari 'yan noon?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Megan sa ikinukwento ko ngayon sa nangyaring pangyayari apat na taon na ang nakakaraan.

Kararating lang ni Megan nitong linggo at kahit madalas kami nagbabalitaan noong nasa ibang bansa pa ito, ngayon ko lang nasabi sa kanya ang buong nangyari noon sa'min ni Reid.

"I was wrong for thinking na may gusto sa'kin si Reid. Ni hindi date ang nangyari sa'min noon." Muli kong paliwanag kasama ang pagsalaysay sa nangyaring pagpapakilala sa'kin ni Reid kay Inigo.

"Nasaan na 'yong 'the Perfect Guy'?" unang usisa ni Megan matapos marinig ang buong pagkwento ko.

Napangiti ako sa kung paano niya tukuyin si Inigo. Naging malapit ko ring kaibigan noon si Inigo, 'yon nga lang nawalan na kami ng komunikasyon matapos siyang umalis papuntang ibang bansa.

"Hindi nangyari 'yong bagay na gustong mangyari ni Reid sa'min... hanggang pagkakaibigan lang ang naabot namin at hindi na lumampas pa roon."

"Eh, kumusta naman ang lagay ng puso mo ngayon? Tumitibok pa ba para kay—."

"Stop!" Biglang pagpapahinto ko kay Megan nang makita kong papalapit na si Reid at ang babaeng kasama nito.

Napapadako ang mata ko kay Bianca na hanggang ngayon ay kinaiinggitan ko ng kagandahan. Magdadalawang taon na rin siyang girlfriend ni Reid na parang nagbibigay kurot pa rin sa dibdib ko, pero kahit papaano, tanggap ko na rin naman.

Nasaksihan ko kung paano nag-effort ng husto si Reid mapasagot at makuha niya lang si Bianca. Alam ko ang pinagdaanan niya. Hindi naging madali para sa kanya ang mapaibig ito. Kung ano-anong gimik at mga palabas ang pinagagawa niya sa tulong ko. At bago man umabot ng taon, eventually nadevelop na rin si Bianca kay Reid.

Ilang beses akong nasaktan ng palihim ng mga panahong iyon pero tiniis ko na lang. Habang nakikita ko si Reid na masaya, nakukuntento na rin lang ako para sa kanya. Iniisip ko rin naman na kahit pa siguro maghabol o magtatpat ako kay Reid ng nararamdaman ko para sa kanya, wala rin namang magbabago. Sa mga mata niya, si Bianca lang ang tanging gusto at gugustuhin niyang babae sa buhay niya, wala ng iba pa.

"Siya na ba 'yon, ang girlfriend niya?" bulong sa'kin ni Megan na hindi ko pinagkakaabalahang sagutin dahil obvious na rin naman sa kung paano magdikitan ang dalawa na parang hindi mapaghihiwalay.

Nagagawa kong ngumiti na walang halong pait dahil tinatak ko na sa isip ko that Reid deserves to be happy, at kung si Bianca ang makapagbibigay ng kaligayahang iyon, wala dapat akong ikatutol.

"Megan," masayang bati ni Reid kay Megan na ngayon rin lang niya ulit nakita. Noong isang araw pang dumating dito sa Pilipinas si Megan pero naging masyadong busy si Reid para salubungin ang kaibigan namin sa pagbabalik nito. Kaya nagkasundo-sundo na lang kami na i-set ang araw ngayon na gawing reunion ng barkada.

Matapos ang yakapan at kaunting batian at kumustuhan, hindi ni Reid nakalimutang isali at ipakilala ang importanteng babae na kasama niya. "Megan, this is my girlfriend, Bianca. And Bianca, this is Megan na siyang may pinaka-maluwag na turnilyo sa barkada."

Sa halip na promotesta, napatawa na lang si Megan. Maging ako ay walang balak na kumontra dahil may katotohanan din naman talaga ang bagay na iyon. Si Megan ang uri ng babaeng numero uno sa kalokohan, gagawin ang kung ano mang naisin o maisipan.

"So, siya pala ang babaeng kinahuhumalingan mo," sambit ni Megan na umano'y parang nangingilatis ang mga tingin kay Bianca. "Kapag ba hindi ko siya magustuhan para sayo, hihiwalayan mo siya Reid?"

Pabiro ang binitawan ni Megan na madalas sabihin ni Reid sa kanya noon tuwing may pinapakilala rin siyang boyfriend o manliligaw sa barkada.

"I doubt that. For sure pasado siya sa panlasa mo. Magkakasundo kayo." Confident na sagot ni Reid na napabaling din sa'kin saka nagsalita. "Itanong mo pa kay Sizzy."

Bumaling din tuloy sa'kin si Megan na nananadya ang mga tingin. "O, ano Sizz, pasado na nga ba sayo o baka napilitan ka rin lang? Sabihin mo lang dahil pwede pa tayong tumutol kung gugustuhin mo rin lang?"

Nagtawanan ulit ang tatlo sa birong banat ni Megan. Sa halip na makisali at makisakay, di ko sinasadyang basagin ng pagiging seryoso. "Hindi ko magagawang tumutol. Reid is happy with her. At ayokong maputol yong sayang nakikita ko sa kaibigan natin."

"Ito ang pinakarason kung bakit ikaw Sizzy ang pinakapaborito ko sa barkada." Komento ni Reid na dumikit sa'kin at pinisil ang pisngi ko tulad ng parati nitong ginagawa. Parang bata man ang turing niya sa'kin hindi ako minsan umaangal sa tuwing ginagawa niya ang panggigigil sa pisngi ko. Lihim kong ikinatutuwa iyon dahil sa ganitong paraan lang naman naglalambing sa'kin si Reid na ikinakikilig ng katawan ko.

"Dapat na ba akong magselos?" singit ni Bianca na awtomatikong ikinaatras ko palayo mula sa pagkakadikit ko kay Reid.

Kung ang reaksyon ko ay parang namumutla sa hiya, halos matawa naman si Bianca sa sarili nitong binitawang biro. "I'm just kidding Sizzy. May tiwala ako na hindi lalagpas sa kung ano pa man ang pagkakaibigan niyo. Hinding hindi ko kayo pagdududahan o pagseselosan."

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang sinabing iyon ni Bianca. Dahil kung limitasyon lang naman sa pagkakaibigan namin ni Reid ang pag-uusapan, matagal na akong lumagpas roon.

"Oo nga naman." Sabat din ni Megan na iba ang sinasabi sa binibigay niyang titig sa'kin. "Isa pa sa tingin ko, mas nababagay si Sizzy sa taong matagal na niyang nagugustuhan."

Makahulugan ang binitawan ni Megan na parang gusto kong batukan.

"At sino naman 'yon? Wala kang nababanggit sa'kin tungkol diyan Sizzy." Namuo ang kuryusidad ni Reid. Sa buong taon nga naman kasing magkasama kami sa halos lahat ng lakad o kung ano pa man, wala akong naikuwento sa kanya. Pero hindi naman niya ako masisisi dahil paano ko naman sasabihin sa kanya na siya iyon.

"Baka naman ang kapatid ko?" singit ni Bianca na napakalaki ang ngitin na akala mo' siguradong-sigurado sa hula niya.

"Si Inigo?" direktang tanong din ni Reid na nangungumpirma. Sasagot sana ako ng pagtanggi nang hindi na niya ako binigyan pa ng pagkakataong magsalita. "Well, I wouldn't mind kung si Inigo man yan. I'll be happy to see you with him."

Hindi ko alam kung paano nahila ang pangalan ni Inigo sa usaping ito. Pero mukhang kahit anong pagtangging gawin ko sa kanilang dalawa, hindi na nila ako paniniwalaan.

Bago pa man ako makapag-isip ng isasagot pabalik, saktong dumating naman si Kurt na nagpabuo kahit papaano ng barkada namin kahit wala si Caleb na nag-aaral pa rin ngayon sa ibang bansa para sa katuparan ng pangarap nitong maging doctor.

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon