Chapter 53

674 17 20
                                        

FIFTY-THREE:

Sizzy's POV

Nang makauwi ako ng bahay matapos maayos ni Reid ang kotse ko, muli ko na namang naramdaman ang kahinaan ko pagdating sa kanya. Kahit anong pagbalewala na gawin ko sa sarili kong nararamdaman, alam kong bumabalik na naman ako sa dating ako na hindi makaahon-ahon sa paglimot sa kanya. Bakit ba kasi paulit-ulit na lang akong nahuhulog sa taong di naman para sa'kin?

Napapagod na ako sa nararamdaman kong ito. Kung pupwede lang magpakalayo sa lugar na wala si Reid para lang makalimot ginawa ko na sana, kaso di ko naman sa kanya pwedeng ipagkait na lang si Pepper.

Napabaling ako sa natutulog na si Pepper. Nakuha ko na ang gusto kong mangyari para sa kanya. Tanggap at kinikilala na siya ngayon ni Reid na dati-rati halos itakwil siya. Pero sana hanggang doon lang ang ginawa ko. Sana di ko hinayaang pati ako mapalapit muli sa kanya--

Hangga't maaari, ayoko ng mag-isip pa. Gusto kong mabalik 'yong dating payapa kong pag-iisip na hindi naaapektuhan ng ganito. Kung nakayanan ko noon na tiisin at malagpasan ang ganitong sitwasyon, siguradong magagawa ko ulit iyon.

Sinimulan ko ng isantabi ang iniisip ko at pumikit para makatulog, kaso hindi pa nag-iisang minuto narinig ko na lang na may tumatawag sa phone ko. At lalo lang ulit naistorbo ang pag-iisip ko nang makita kong si Reid ang tumatawag. Hindi ko alam kung anong kailangan niya pero isipin ko palang na baka magbabahagi lang siya ng kwento tungkol sa lumalalim na relasyon nila ni Pamela, parang ayoko ng sagutin pa iyon.

Hindi tumigil ang tawag na tumunog ulit sa makailang beses kong pagbalewala niyon, kaya nang humaba ng humaba pa iyon, napilitan na rin akong sumagot.

"Sizz, pwede bang bumaba ka. Nandito ako sa labas niyo." Bungad niya agad sa kabilang linya matapos kong sagutin ang tawag niya. Ngayon lang ulit nangyari ito na napadpad siya dito na walang pasabi. May nangyari ba?

Sa halip na tanungin pa siya mula sa kabilang linya, binaba ko na lang ang tawag para matanong siya ng personal. Nilipat ko muna si Pepper sa crib saka lumabas na ako ng kwarto at bumaba diretso palabas ng bahay. Naabutan ko nga si Reid na naghihintay sa gate. Pinagbuksan ko na siya agad.

"Ba't ka napapunta rito? May nangyari ba?" Halatang hindi mapalagay ang anyo ng mukha niya ngayon kaya mas lalo lang lumaki ang kuryosidad ko.

"Oo, may nangyari nga. Di ako mapapasugod ng basta rito kung wala naman akong importanteng sasabihin."

"B-bakit? Tungkol saan ba 'yan?" Napapalalim ang tingin ko sa kanya sa pagbasa sa kung ano mang ekspresyon ng mukha niya ngayon na para bang problemadong-problemado. Wala akong ibang maisip na may kinalaman 'to sa kanila ni Pamela. Baka nandito siya para hingin ang balikat ng isang kaibigan. "Nagkaproblema ba kayo ni Pamela? Nag-away ba kayo?"

"Hindi 'to tungkol sa'min, tungkol 'to sainyo ni Jarred." Sagot niya na may guhit ng galit ang mga mata. "Niloloko ka ni Jarred. Hindi totoong wala siya rito dahil kani-kanina lang nakita ko siya. At may kasama siyang babae."

Sandali akong natigilan dahil unang-una, di ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong ipakita sa kanya. Sa oras na sabihin ko sa kanya ang totoo na matagal na kaming hiwalay ni Jarred, siguradong sunod-sunod ang magiging katanungan niya kung bakit kinailangan kong magsinungaling. At ayokong umabot sa punto na kailangan kong aminin ang totoong nararamdaman ko sa kanya. Siguradong mas magiging komplikado lang ulit ang sitwasyon tulad noong dati.

"Maniwala ka sa'kin Sizzy, nakita ng dalawang mata ko na naghahalikan sila kaya hindi mo kailangang magtanga-tanga-tangahan pa sa kanya--"

"Nakaharap mo ba siya?" Kabadong tanong ko. Wala ring kaalam-alam si Jarred na ginagamit ko siya.

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon