ELEVEN:
"Kumusta naman ang klase mo?" Bungad ni Reid na nadatnan ko sa parking lot matapos ang huling klase ko nitong hapon.
Masaya ang mga ngiti niya na parang nahawa na rin lang ako. Nangingiti na rin akong sumakay ng kotse niya hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang kuryosidad sa kakaibang awra ngayon ni Reid na parang may kakaiba.
"May kakaiba bang nangyari sa'yo ngayong araw na 'to kaya't parang abot-tainga ang ngiti mo?" tanong ko sa kanya na parang mas nagdulot pa ng mas malapad na ngiti mula sa kanya. "Sagutin mo nga ako!"
Nahampas ko siya sa balikat para paaminin siya. Sandaling lumingon siya sa'kin pero binalik din ang tingin sa minamanehong kalsada.
"May kakaiba bang nangari sa'yo ngayong araw na 'to, Reid Alvarez?" pag-uulit ko sa nagbabantang tono.
"Sabihin na lang natin na wala pa. Mamaya pa lang..."
Napaisip ako sa makahulugan niyang naging sagot. "Anong ibig mong sabihin? Anong mamaya? May lakad ka ba pagkatapos mo akong hatirin sa bahay?"
"Tayo. May lakad tayo."
Muling parang may tumalon sa dibdib ko sa sinabi niya. Muli't muli parang gusto ko namang umasa, kahit na alam kong hindi dapat.
"S-saan?" Patagong pinagkrus ko ang dalawang daliri ko, nananalangin na sana hindi na namin kasama sa kung ano mang lakad na 'yon si Inigo. Sana kami lang na dala—
"Kay Inigo." Sagot rin naman agad ni Reid na pumutol sa manipis na pisi ng pag-asang meron sana ako. "Sa bahay nila... Hindi mo ba siya namimiss?"
Hindi ko alam kung paano sasakyan ang pang-aasar na iyon ni Reid. Seryosong mukha sa seryosong tono ang naging balik ko sa kanya. "Hindi ko siya namiss. At isa pa parang kahapon ko lang siya nakita at nakilala para maging kamiss-miss siya."
"O come'on Sizz, you are being in denial. Okay lang naman na aminin mo sa'kin. Kahit hindi mo sabihin, alam kong attracted ka na sa kanya. And soon, mas malalim na 'yan."
Ramdam ko ang pagkapikon ko sa kaloob-looban ko pero hindi ko magawang mailabas iyon. Gusto ko mang ipagsigawan sa mukha ni Reid na imposibleng mangyari 'yon dahil sa kanya talaga ako may gusto, pero hindi ko magawa.
Mas pinili ko na lang ang manahimik. At sa hindi ko pag-imik, ay siya namang biglaang pagiging seryoso ni Reid.
"Alam mo bang at the age of six ako naging attracted sa isang babae..." simula ni Reid na hindi ko alam kung saan papunta ang kwento niya, pero mas pinili ko na lang ang makinig na lang.
"Kapitbahay namin siya kaya siya ang madalas kong kalaro noon," patuloy ni Reid. "She is so pretty. Lagi siyang nakaayos, laging malinis, mabango kahit na buong araw na kaming naghabulan at sabay na nagbilad sa araw."
Habang nagkukwento siya, hindi ko na inisip na gawa-gawa lang niya 'yon dahil bakas sa mata at ekspresyon ng mukha niya ang sinseridad. Nagpatuloy lang ako sa pakikinig na parang batang sabik sa mga susunod na mangyayari sa kwento.
"I was ten noong nasigurado ko sa sarili kong gusto ko talaga siya... na siya ang gusto kong pakasalan kapag malalaki na kami. Noong kapwa 13 years old na kami, 'di ko na nakayanan nang makita kong dumarami na ang nakakapansin sa kanya at umaaligid na lalake, kaya nagtapat ako ng nararamdaman ko sa kanya... but she rejected my feelings for her."
Parang ako ang nasaktan para kay Reid sa kinukwento niya. Alam kong napakabata pa niya sa edad na iyon para makaramdam ng malalim ng pagmamahal lalo na't kung ikukumpara ko sa sarili ko sa ganoong edad, paglalaro pa lang ang alam ko ng mga panahong iyon.

BINABASA MO ANG
Stumble & Fall
ChickLitAng tanging gusto lang naman ni Sizzy ay ang magustuhan at mahalin ni Reid. Pero mukhang kahit anong gawin niya, 'yon ang bagay na pinakamalabong mangyari.