Chapter 17

669 18 1
                                        

SEVENTEEN

*Thank u guys for helping me. Let's celebrate later like as what I promised. Ihahatid ko muna si Bianca sa airport. See u later, guys.*

Muling parang tinurukan ulit ako ng matulis na bagay sa dibdib nang mabasa ko ang text message ni Reid. Sa halip na magreply, tinuon ko na lang ulit ang panonood ng paborito kong romantic comedy habang nilalamon ang isang box ng chocolate sa mismong kwarto ko.

Sa ganitong paraan ko gustong subukan ang paglimot sa nangyari kanina na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Yun nga lang, mukhang kahit makailang salang pa ako ng pelikula o subo ng tsokolate, hindi pa rin n'yon mababago ang bigat ng nararamdaman ko.

Ang hirap isuko, kalimutan o ibura ang nararamdaman ko para kay Reid. Kung nakayanan ko man noon na maging masaya sa kanya, hindi ko na yun magawa ngayon. Kahit pa nga simpleng mapagpanggap na ngiti ay hindi ko na naibigay sa kanila kanina. Ang hirap ng magpanggap. Sobrang hirap.

Napapapikit na lang ako sa sakit at hapding nararamdaman ko.

"Sizz, tigilan mo na 'yan." Biglang sambit ni Sizzy na ngayon ko rin lang ulit narinig ang boses. Kahit wala siyang ibang ginawa kanina kundi ang matulog, ramdam ko pa rin ang pagmamalasakit niya sa'kin na hindi ako iniiwan kahit na alam kong inip na inip na siya.

"O, ano? Masakit? Nasasaktan ka ngayon?" sumbat niya na inaaasahan ko na rin namang sasabihin niya. "Sabi ko na kasi sa'yo e, hindi mo na kailangan pang masaksihan ang lintik na proposal na iyon."

"Hindi ba ako kamahal-mahal? Hindi ba ako deserving para kay Reid sa kabila ng malaking pagmamahal na meron ako para sa kanya? Sa ilang taon na naging magkaibigan at naging malapit kami sa isa't isa, bakit hindi man lang niya ako napansin? Ganoon ba kalayo ang agwat ko kay Bianca na hindi man lang mabaling sa'kin ang pagtingin niya?" Sunod-sunod na katanungan ko na si Reid sana ang gusto kong sumagot.

"Paano kung hindi umeksena si Bianca sa buhay namin," patuloy ko sa mga tanong na hindi ko mapalaya-laya sa isip ko. "Sa tingin mo mapapansin at magugustuhan din kaya ako ni Reid?

"Siyempre naman." Mabilis na sagot ni Megan na ikinangiti ko sa kung paano niya ako suportahan. Pero panandalian lang... Bigla ring nabura't nawala ang ngiti ko at napalitan ng luha na agad ko ring pinahid.

"Naniniwala ka bang sila ang para sa isa't isa?" panibago kong katanungan na hindi ko alam kung para saan pa.

"Kung pinikot mo na kasi siya noon pa, e di sana, sa'yong sa'yo na siya ngayon." Walang kaseryosohan ang naging sagot ni Megan pero kumuha ng interes ko.

Hindi ako ganoong klase ng babae. Hindi kaya ng konsensiya ko. Pero paano nga talaga kaya kung naisipan kong gawin 'yon noon? Napasa'kin nga kaya si Reid? Papakasalan niya kaya ako?

"Mabuti pa tumayo kana lang diyan at magbihis." Putol ni Megan sa lumilipad ng imahinasyon ko.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Mas gusto kong samahan kitang maglabas ng sama ng loob sa lugar kung saan mag-eenjoy ako kaysa naman dito. Kaya magbihis ka na at ireserve mo yang luha mo para mamaya."

Kung papipiliin, mas gugustuhin kong magmukmok at magdrama na lang sana ako sa kwarto ko, yun nga lang, kahit gaano ako magpumilit kay Megan, alam na alam kong hindi ako mananalo sa kanya. Kaya sa huli, wala na rin akong nagawa nang siya na mismo ang nagbihis sa'kin.

"Umuwi na lang kaya tayo, Megan." Pasigaw na sambit ko dahil sa lakas ng musika na bumubuhay sa bawat sulok ng bar na pinasukan namin. "Tayong dalawa lang ang magkasama. Baka mapahamak lang tayo."

Hindi sa wala akong tiwala na kasama si Megan, sadyang ang hindi ko lang talaga mapagkakatiwalaan ay ang epekto ng alak kapag sumapi na iyon sa kanya. Madalas siyang makakuha ng kaaway sa tuwing nawawala na sa katinuan dahil sa kalasingan.

Stumble & FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon